Chapter 22

15K 325 26
                                    

Warning: R16+ | Spg
Chapter 22
***

Lumabas ako ng room namin at naabutan ko ang mga staffs na nagkukumpulan habang binibigyan ng pagkain ng babaeng naka uniporme.

Lumapit ako at tinignan ako ng lahat ng staffs at nginitian ako. Nginitian ko sila pabalik at nag tatanong na tinignan ang babaeng namamahagi na natulala sakin.

Lumapit sakin ang kasamahan nyang nakauniporme at masayang nakatingin sakin. "Pinapabigay po ng Reynolds." Nahihiya nyang sabi at inabot sakin ang malaking paper bag.

"Maraming salamat." Masaya kong sabi at nginitian sya bago sinilip ang loob at madaming pagkain dun at sobrang bango.

Agad na kinuha ni Neri sakin ang paperbag dahil may kabigatan din. "May crush po kasi sainyo boss namin." Aniya kaya nahihiya ko syang tinignan. "At idol na idol po namin kayo sa Reynolds." Dagdag nya pa at nahihiyang pinakita sakin ang cellphone nya.

Agad ko syang nginitian at tinanguan. "Sure and thank you again." Sabi ko at hindi sya makapag salita at tumango nalang ng mabilis.

Nag picture kami at hindi narin nakaya ng namamahagi ng pagkain sa staff na lumapit sakin at nakipag picture.

Ganun na din ang ilang staff na wala pa daw kaming picture. Nag group picture din kami at meron din kasama ang bigay ng reynolds.

Sinaway na kami ni Neri para makakain na ang lahat at makapag pahinga. Bumalik na kami ni Neri sa room namin at agad kong inayos ang pagkain at hindi na makapag hintay na tinikman ko ang mga takam na takam akong pagkain.

Kinuhanan ko ng litrato ang pagkain at isang picture kasama ako. Sabi ni Neri, kahit hindi na daw ako mag post at para narin daw kunin akong endorser. Hindi ba, masamang hindi mag pasalamat?

Nag post ako ng pasasalamat ko sa Reynolds at tinag sila at masaya ako na madami ding natakam tulad ko.

Kumain na kami ni Neri habang isa isa kong tinitignan ang mga comments.

"May crush daw sayo yung may ari." Sabi ni Neri pero tuloy lang ako sa cellphone ko at natawa ako ng may nag comment na papagalitan ako ni Neri pag madami akong kinain.

"Balita ko pogi yun." Sabi pa ni Neri. "Pero akin na yun." Dagdag ni Neri kaya nangtutukso ko syang tinignan. "May Rhys ka na." Sabi nya pa kaya natahimik ako.

Tinignan ko ang oras at sigurado akong nasa kumpanya nya sya. Pero kumain na kaya sya?

"I-text mo na." Huli ni Neri sakin kaya nahihiyang inabot ko ang cellphone ko at bumilis ang tibok ng puso ng idial ko si Rhys.

Nagtatawagan lang kami ni Rhys tuwing weekdays at video call pag pwede ako. Bumibisita naman si Rhys sa condo ko kaya minsan lang ang lahat ng yun.

"Wife." Sagot ni Rhys sa tawag ko sa mababang boses.

"Kumain ka na?" Dahan dahan kong tanong.

"Hmm-hmn. Gusto sana kitang makasabay." Aniya at may narinig akong lungkot at isa pang emosyon dun na tinatago nya.

Imposible yun. Sabi ko sa isip ko. Baka may makakita samin.

"I could rent a whole restaurant, baby." Aniya ng natahimik ako. "But you have lunch already." Aniya at mas tumindi ang emosyon na tinatago nya sa boses nya.

Hindi ko alam kung tanong ba yun kaya sinabi ko nalang na may nag padala ng pagkain sa shoot.

"Hmm." Sagot nya lang kaya nilaro ko ang pagkain ko gamit ang hawak na tinidor.

"Friday night. We could.. you know eat outside. At the restaurant." Dahan dahan kong sabi at maliit akong napangiti ng naging ayos si Rhys at nag usap pa kami bago sya nag paalam para makakain na daw ako.



LUST [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon