Chapter 1

44.6K 607 31
                                    

Chapter 1
***

Lumiliwanag ang magandang dilaw na buwan ngayon habang nakatingin ako sa labas ng sasakyan.

Madaming pumapasok sa isip ko dahil sa mga nangyari kahapon habang nakatitig ako sa magandang buwan Lalo na ang katanungan na Kung may koneksyon na naman ba sya o nandun na naman ba sya sa pupuntahan ko.

"Malapit na tayo." Balita ng manager ko. "Basta Kung Hindi mo nagustuhan ang lasa, mag panggap ka para sa susunod ay kunin ka ulit nila bilang ambassador nila." Sabi ni Neri.

"Sigurado naman akong masarap ang mga pagkain mamaya kahit na bagong bukas palang ang restaurant na Yun." Masayang Sabi ni Neri sa tabi ko at hinimas pa ang tyan.

Tumingin ulit ako sa buwan at napahinga ng malalim. May bagong tayong restaurant na kinukuha ako bilang ambassador.

Hindi ko Alam Kung bakit pa nila ako kinukuha dahil sikat naman na sila kahit Wala ako. Pero well, work is work. Kaylangan kong kumita para sa mga tao na umaasa sakin.

"Nandito na tayo." Balita ulit ni Neri Kaya umayos na ako ng upo at tumingin sa labas.

Agad akong namangha sa ganda ng restaurant. Gold at beige ang combination nya at sobrang ganda nya na para syang palasyo.

Inayos pa ni Neri ang mahaba kong buhok na naka ponytail at ayos na ayos. Pinagpagan nya din ang itim Kong coat dress at tinignan ako.

"Sobrang ganda mo na. Ano pang ginagawa ko?" Tanong ni Neri Kaya nginitian ko sya.

Binuksan na nya ang pinto ng van at bumaba na. Tumayo na rin ako para bumaba at inalalayan ako ni Neri pababa.

Nag angat ako ng tingin sa restaurant at namangha ulit sa ganda nun Lalo na ngayong kaharap ko na.

"Tara na. Baka malate pa tayo at baka may paparazzi na sumunod satin." Sabi ni Neri at tumango ako.

Malapit na kaming mahuli sa pinag usapang Oras dahil naipit kami sa traffic. Inalalayan na akong mag lakad ni Neri Kaya kinunotan ko sya ng nuo.

"Neri, si Jake?" Tukoy ko sa driver dahil baka dumugin kami ng mga Tao sa loob ng restaurant at ayokong mahirapan si Neri sa pagtaboy sakanila.

"Ano ka ba? Gustong gusto ka Kaya ng may ari na pinasara ang restaurant ngayon dahil ayaw nilang madumog ang pinaka sikat na model sa pilipinas." Sabi ni Neri Kaya imbes na makahinga ako ng maluwag ay kinutuban ako.

Masayang nginitian ako ng dalawang babaeng staff na nasa harap ng double doors bago nag bow samin.

Pilit ko silang nginitian dahil may gumugulo sa utak ko. May Isa pang staff ang sumalubong samin at masaya din akong nginitian bago nilahad ang daan samin at nauna ng mag lakad samin.

Hindi ko man matignan ng maigi dahil nakatutok ako sa dinadaanan ko ay sobrang ganda din sa loob ng restaurant.

Nag lakad kami papasok sa isang room at agad na nag Tama ang tingin namin. Nakatayo sya sa tabi ng isang upuan sa kabilang dulo ng lamesa habang madiin na nakatingin sakin.

Huminto kami ni Neri ng nasa kabilang dulo naman kami ng lamesa. "Kaya naman pala." Kinikilig na Sabi ni Neri sa gilid ko.

Matalim Kong tinignan si Rhys. Sabi na nga ba, Tama ako at bakit Hindi pa ako nasanay? Nandun sya sa lahat ng shoot at ramp modelling ko.

"Welcome to Mrs. Luster's Restaurant." Sabi ni Rhys habang madiin na nakatingin sakin.

Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi nya pero pilit ko Yung pinigilan. "Neri, akala ko ba kismet ang pangalan ng restaurant na pupuntahan natin?" Tanong ko Kay Neri habang matalim na nakatingin Kay Rhys.

LUST [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon