Chapter 13

16K 341 8
                                    

Chapter 13
***

"Let's take a break!" Sigaw ng director ng matapos ang huli kong pose suot ang kilalang clothing brand. Umayos na ako ng tayo at nginitian ang bumati at nag paalam sakin na mauuna ng mag break na staff.

Nilapitan ako ni Neri at agad na inalalayan at tinapatan ng mini fan. "Ang galing mo na talaga mag pose." Masayang bati ni Neri sakin habang naglalakad kami papunta sa director na nakangiti samin.

"Isang oras ang break kaya magpahinga ka. Pagod ka pa sa byahe." Sabi ni Neri at tinanguan ko lang sya at nginitian ang director na papalapit samin.

"Everything came out beautifully!" Masaya nyang tukoy sa shoot. "Because you're so gorgeous!" Puri nya sakin at pinasadahan ako ng tingin.

Nginitian ko sya. "I think it's because of the outfits and the staff." Tukoy ko sa lahat ng naghirap para sa shoot na'to.

"Of course, not! It's you! Kahit bonggahan pa namin ang set at ilagay namin na model ay hindi kasing level ng ganda mo, hindi magiging maganda ang shoot." Aniya kaya mahina lang akong tumawa sa sinabi nya.

"Anyway, magkaibigan naman tayo diba?" Nakangiti nyang tanong sakin at tinanguan ko lang sya. "Okay lang naman na sabihin mo sakin kung sino ang dine-date mo." Aniya at may nilingon sa likod nya.

Tinignan ko din yun at nakita ko ang isang staff na namamahagi ng pagkain sa iba pang staff na mula sa Reynolds.

"Hindi ko ipagkakalat." Dagdag pa ni Debby, ang baklang director. Tinignan ko si Neri at tumikhim lang sya.

May issue ngayon na kumakalat na dine-date ko ang may ari ng Reynolds na si Ethan Reynolds dahil lagi akong pinapadalhan ng pagkain.

Hindi naman na kaylangan ng press con para sa issue na ito dahil hindi naman kasal o ano si Ethan kaya hinihintay nalang namin na mamatay ang issue.

Bigla kong naalala si Rhys..

"No. I'm not dating Ethan Reynolds." Sabi ko sakanya pero hindi naniniwala akong tinignan ni Debby.

"Rinig ko, hindi sponsored to. Binibigyan ka lang talaga for free." Kinikilig nyang asar sakin.

Hindi na ako nag salita dahil hindi naman talaga sponsorship yun. Pinapadalhan lang talaga ako ng mga pagkain ng Reynolds kahit hindi ko sila ipromote. Pero dahil grateful ako sa lahat ng binigay nila, prinomote ko parin sila.

Hanggang sa sunod sunod ang padala nila sakin at sunod sunod din ang pag popromote ko sakanila kaya nag simula ang issue samin ng may ari ng Reynolds na si Ethan.

"Naku! Kaylangan ng mag pahinga ni Vanadey." Paalam ni Neri sa director at nginitian ko lang sya bago kami pumunta na ni Neri sa pwede naming paghingahan.

Agad akong umupo sa upuan ko at sumandal. Napahinga ako ng malalim sa pagod sa shoot at napahinga ng maluwag sa electric fan na nakatutok sakin.

At dun ko lang din napansin ang madaming pagkain na galing sa Reynolds sa harap ko.

"Nag paliwanag ka naman kay Rhys tungkol sa issue na ito diba?" Mahinang tanong ni Neri kaya napatingin ako sa sakanya at sa paligid at kami lang ang nandito kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Syempre hindi ko hahayaan na may makarinig satin." Sabi ni Neri kaya tumango lang ako.

"Hindi ko naman na kaylangan mag paliwanag sakanya." Sabi ko habang nakatingin sa sarili sa harap ng salamin at tumingin kay Neri mula sa salamin. "Ang sikreto ko ay si Rhys. Na kasal kami kaya hindi ko na kaylangan mag paliwanag kung may secret ba akong dine-date." Sabi ko kay Neri.

LUST [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon