Chapter 21
***Nagkulong lang ako sa kwarto buong araw at lalabas lang pagkakain na at tahimik lang kaming kumain ni Rhys at walang nag sasalita kahit nararamdaman ko ang mga tingin nya.
Sa sumunod na araw, maaga akong nagising para lumipat at mabilis lang akong nag ayos at kumuha ng damit sa closet ko na binili ni Rhys.
Bumaba na din ako agad at naabutan ko si Rhys na naka suit na habang nag hahanda ng agahan namin.
Tahimik lang kami habang nasa byahe papunta sa apartment ko. Kukunin ko lang ang mga gamit ko at ihahatid ako ni Rhys sa condo nya.
Nakarating naman kami agad at pinarada lang ni Rhys ang sasakyan sa labas ng building. Nagkatinginan kami ni Rhys habang tinatanggal ko ang seatbelt.
"I'll talk to the landlady. You go first and I'll help you." Sabi ni Rhys kaya tumango ako.
"Pero unti lang naman ang gamit ko. " Sabi ko sakanya at nauna ng bumaba. Pinanuod kong bumaba si Rhys at nauna ng pumasok ng building habang nasa likod ko sya.
Gaya ng sabi ni Rhys, nauna na ako sa apartment ko habang sya naman ay kinausap ang landlady sa pag lipat ko.
Kinuha ko na ang bag ko at pinasok na ang mga iilang damit na nilabas ko. Pagkatapos ang ibang gamit ko naman ang pinasok ko sa isa pang bag at patapos na ako ng pumasok si Rhys sa apartment ko.
Nilibot nya ang tingin at nakitang patapos na ako.
"Uhm, may mga pagkain akong binili sa cabinet na yun." Sabi ko sakanya at tinuro ang kabinet na pinaglagyan ko ng pagkain sa maliit na kusina ng apartment.
Tumango sya at pumunta na dun. Pinanuod ko muna sya saglit bago tumuloy na sa ginagawa ko.
"Sardines, can food and instant noodles?" Tanong ni Rhys kaya napatingin ako sakanya at magkasalubong ang kilay nya habang hawak ang instant noodles.
"You're not eating this." Asar nyang sabi at itatapon sana ang pagkain sa basurahan na nakita. "Not healthy." Aniya kaya mabilis na akong lumapit at kinuha sakanya ang instant noodles.
"Rhys, wag kang mag sayang ng pagkain." Asar kong sabi sakanya at ako na ang kumuha ng mga pagkain.
"I hired someone to buy groceries for you. You don't need to eat that." Aniya kaya nilingon ko sya.
"Edi lulutuin ko nalang kaysa itapon mo." Sabi ko sakanya at lumapit na sa kama kung nasaan ang mga gamit ko ng matapos kong iplastic lahat ng pagkain.
Tahimik lang ulit kami ni Rhys habang nasa byahe papunta sa condo nya matapos kaming mag away tungkol sa instant noodles.
Hindi na ako namangha ng huminto kami sa malaking building kung nasaan ang condo ni Rhys.
Buhat ni Rhys ang dalawang bag ko na hindi bagay sa suit nya habang ako naman ang may buhat ng plastic ng pagkain dahil baka itapon nya pa.
Nahihiya ako habang naglalakad kami papasok at madaming bumabati kay Rhys. Hindi naman pangit ang suot ko dahil pinabili 'to ni Rhys at siguradong mahal 'to pero ano kayang iniisip nila habang katabi ko si Rhys na naglalakad?
Lalo na ang mga babaeng tumitingin samin? Mabigat ang dibdib ko habang nasa loob kami ng elevator at namalayan ko nalang ay nasa harap na kami ng condo nya.
"1210." Aniya kaya nag tatanong ko syang tinignan. Pinanuod ko si Rhys na may tinaas na kung ano sa gilid ng pinto at nilagay ang numero na sinabi nya.
Ah, PIN pala ng condo. 1210? Araw ng kasal namin.
Pinauna akong papasukin ni Rhys ng mabuksan ang pinto at bumungad sakin ang magandang panglalaking design.
BINABASA MO ANG
LUST [COMPLETE]
General FictionWARNING: R16+ | SPG Sinful Series (7 Deadly Sins): LUST Know for her extraordinarily enchanting beauty is Vanadey Anise Arellano, The Philippines top model, Who is keeping a big dark yet fantastic and magical secret. And well, she's secretly married...