Chapter 20
***"Umalis ka na, Rhys." Madiin kong sabi sakanya habang nakatigil parin sya. Iniisip na ba nya ngayon na pwedeng niloko din kami ni mama sa kasal namin?
Huminga ng malalim si Rhys at madiin akong tinignan. "Let's go home, wife." Aniya kaya galit ko syang tinignan.
"Hindi sigurado kung kasal talaga tayo." Malamig kong sabi sakanya at binawi ang kamay ko na hawak nya. "Umalis ka na." Madiin kong sabi sakanya.
Nagkatinginan muna kami ni Rhys bago sya madiin na tumingin. "Fine." Suko nya at may nilingon sa likod nya at nahiya ako na ang landlady pala yun na narinig lahat ng pagtatalo namin.
"I'll rent the next door." Sabi ni Rhys kaya asar ko syang tinignan. Tumango naman ang landlady at nilahad ang kamay.
Mabilis na kinuha ni Rhys ang wallet nya at nag bigay ng malaking halaga kaya napangiti ang landlady at nauna ng maglakad papunta sa kabilang bakanteng apartment.
Nilingon muna ako ni Rhys at madiin na tinignan bago lumabas na ng apartment ko. Mabilis akong naglakad papunta sa pinto at matalim na tinignan si Rhys na nasa labas ng apartment ko bago sinarado at nilock ang pinto ko.
Tumalon pa ang puso ko ng pihitin ni Rhys ang doorknob. Ano na namang gagawin nya? Hinintay ko ang susunod nyang gawin at wala naman syang ginawa.
Lumapit ako sa bintana at sumilip sa likod ng kurtina at nakita kong inaalalayan na si Rhys papunta sa kabilang apartment at nilingon pa muna ang pinto ng apartment ko bago pumasok na.
Umupo muna ako sa kama at pinalipas ang ilang minuto habang iniisip ang lahat ng nangyayari bago tumuloy sa pag aayos.
Nang matapos akong mag ayos ng mga gamit ko, naligo muna ako at handa ng matulog habang pinapatuyo muna ang buhok ng may dahan dahan na kumatok sa pinto ko.
Hindi ako tumayo at hinintay na magsalita ang kumakatok para narin sa pag iingat kahit alam kong si Rhys yun.
"Vana." Tawag nya sakin at tumibok ng mabilis ang puso ko sa marahan nyang pagtawag sa pangalan ko.
"Wife." Tawag nya pa sakin ulit at hindi ko sya pinag buksan para isipin nyang tulog na ako lalo na't patay na ang ilaw sa apartment ko.
Tumigil nga si Rhys sa pagtawag sakin. "Good night, wife." Aniya bago narinig kong bumalik sya sa apartment nya.
May importante ba syang sasabihin? Tanong ko sa sarili at napailing nalang ako at sinampay ang towel sa sandalan ng upuan at humiga na sa kama ko.
May shooting daw kami sabi ni Neri ng umaga at kinakabahan ako kung kaya ko ba at kung ligtas ba yun.
Napahinga nalang ako ng malalim at pinilit ang sarili na makatulog. Naging mahimbing naman ang ilang oras lang na tulog ko dahil alam kong ligtas naman ako dito sa apartment ko..
Tumunog ang cellphone ko sa inalarm kong oras at mabilis ng nag ayos ng sarili at nag handa ng agahan ko. Instant noodles lang at tinapay.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko ng tumunog yun at si Neri yun. "Hello?" Bati ko sakanya.
"Nakaayos ka na? Padating na ako." Tanong ni Neri at naririnig ko ang tunog ng tricycle.
"Nakaayos na. Hintayin kita." Sabi ko sakanya at nag paalam na sya bago ibaba ang tawag.
Niligpit ko na ang pinag kainan ko at nag handa ng maliit na bag na pwedeng lagyan ng unting gamit.
Wallet, cellphone at biscuit lang kung sakaling magutom kami at lipstick lang na pula kung kaylangan ng makeup ang dinala ko.
BINABASA MO ANG
LUST [COMPLETE]
General FictionWARNING: R16+ | SPG Sinful Series (7 Deadly Sins): LUST Know for her extraordinarily enchanting beauty is Vanadey Anise Arellano, The Philippines top model, Who is keeping a big dark yet fantastic and magical secret. And well, she's secretly married...