Chapter 19
***Nakayakap ako sa sariling binti habang nakabaon ang mukha sa mga tuhod. Malakas na tumatama sakin ang malamig na hangin dahil hapon na at ganun din ang mga alon na malakas ang hampas sa dagat.
Wala akong kinausap ng makabalik ako kahit si mama at nag kulong sa kwarto ko at ngayon lang lumabas.
Pumikit ako at naramdaman ang namumugtong mga mata mula sa mag damag na pag iyak.
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ng may marinig akong mga yabag at nilingon yun. Hind ako nagulat o ano man ng si mama yun.
Walang emosyon ang mukha ko dahil wala na akong maramdaman sa sobrang pagod.
Wala din akong mabasang emosyon kay mama pero may kakaiba sa mga mata nya habang dahan dahan syang naglalakad palapit sakin at umupo malapit sakin.
Sabay kaming tumingin sa dagat at namayani ang katahimikan samin.
"Anong nangyari sa maynila?" Tanong ni mama matapos ang mahabang katahimikan.
Hindi ako sumagot at naramdaman ang pagkirot ng puso ko ng maalala ang nangyari.
Namayani ulit ang katahimikan pero agad ng binasag ni mama yun. "Alam kong hindi mo ko mapapatawad, Vana... Pero patawad sa mga kasinungalingan ko." Dahan dahang sabi ni mama.
"Hindi ako kayang mahalin ng papa mo." Sabi ni mama at may naramdaman akong sakit dun kaya dahan dahan akong humarap sakanya.
Naabutan ko syang nakatingin sakin at malungkot akong nginitian. "Kahit aksidente ka naming nabuo, alam kong hindi nya ako kayang mahalin at alam kong hindi sya laging nasa tabi natin lalo na ng magpakasal na sya at ibigay ang isla na 'to satin."
Ramdam ko ang lungkot sa boses ni mama habang nag kukwento.
"Walang tatayong ama sayo habang lumalaki ka kaya naisip ko na paniwalain ang mga tao sa isla na diwata ka ng isla sa tulong ni Lola Trinidad para hindi mo maisip na may kulang dahil may mga sumasamba sayo." Kwento ni mama kaya napaiwas ako ng tingin.
"Tinulungan ako ni lola kapalit ng hindi ko pag papaalis sakanila sa isla pero alam ko na mali parin ang ginawa kong pananamantala." Sabi ni mama at rinig dun ang pag sisisi.
Namayani ulit ang katahimikan at binasag ni mama yun matapos ang ilang minuto.
"Alam kong iniisip mo na hindi kita mahal, Vana anak pero mahal na mahal kita." Sabi ni mama kaya napatingin ako sakanya at nangilid ang mga luha ko ng maabutan ko syang umiiyak pero wala parin akong makitang emosyon sa mga mata nya.
Siguro malamig lang talaga si mama. Siguro hindi lang talaga marunong mag pakita ng emosyon si mama..
"Hindi ko man mapakita pero mahal na mahal kita, Vana. Siguro may iba lang talaga akong paraan ng pagpapakita ng pag mamahal." Umiiyak na sabi ni mama at tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko at mas lumapit kay mama para yakapin sya.
Naging maayos ang pakiramdam ko kahit papano matapos yun at sabay kaming bumalik ni mama ng dumilim na at kumain kasabay ang mga tiga isla.
Habang nakaupo sa mahabang lamesa, madami akong napansin. Alam kong madaming galit kay mama na tiga isla at may iba ding paraan si mama para humingi ng tawad.
Walang emosyon ang mukha ni mama pero alam kong gusto nyang mapatawad habang tumutulong sa pag hahanda ng hapag.
"Pinuno." Tawag ni Juris sakin.
Wala namang may galit sakin kasama ang mga bata at hindi ko alam ang dapat maramdaman dahil kahit papano may kasalanan ako.
Nag tatanong ko syang tinignan at nag baba lang sya ng tingin. "Dapat mong malaman, nalugi ang mga paninda natin." Malungkot na balita ni Juris.
BINABASA MO ANG
LUST [COMPLETE]
General FictionWARNING: R16+ | SPG Sinful Series (7 Deadly Sins): LUST Know for her extraordinarily enchanting beauty is Vanadey Anise Arellano, The Philippines top model, Who is keeping a big dark yet fantastic and magical secret. And well, she's secretly married...