Chapter 24
***Kinuha ko ang bowl ng string beans at naglakad papunta kay Rhys. Nilagyan ko sya ng gulay sa plato nya at napatingin ako sakanya ng hawakan nya ako sa bewang.
"Tuloy na shoot mo bukas?" Tanong ni Rhys habang nakaangat ng tingin sakin.
Maliit lang akong ngumiti. Hindi natuloy ang shoot ngayon dahil nag palit sila ng shooting place at hindi ko pa nasasabi kay Rhys..
"Hmm-hmn. Nag iba lang ang shooting place." Sabi ko sakanya at nginitian sya at sinandukan na ng rice at ang niluto kong bistek.
Tumango lang si Rhys kaya umupo na ako sa pwesto ko sa gilid nya. Inunahan ako ni Rhys sa sandok kaya nakangiting tinignan ko nalang sya at pinanuod habang sinasandukan nya ako.
"Let's eat." Masayang sabi ni Rhys at nag simula na nga kaming kumain. Masaya ako na nagustuhan ni Rhys ang niluto ko at nag uusap lang kami tungkol sa naging araw namin.
Parang ayos na ang lahat.. napahinga ako ng malalim ng maalala ang tungkol sa shoot. Kung saan nilipat ang shoot ng isang sikat na brand.
Hindi pa pala.
Patapos na kami ni Rhys kumain ng makakuha ako ng tyempo na sabihin sakanya kung saan na ang shoot. "Ahm, Rhys." Tawag ko sakanya habang nilalaro ang pagkain.
Nag angat sya ng tingin sakin at bumaba din sa plato ko dahil sa paglaro ko ng pagkain gamit ang tinidor.
"Hmm?" Tanong nya lang habang Pinapanuod parin ang paglaro sa pagkain ko na agad ko namang hininto kaya nag angat sya ng tingin sakin.
"Nag iba ang place ng shoot.. sa beach na." Sabi ko sakanya at pinanuod ang magiging reaction nya.
Nagulat ako na wala syang naging reaksyon at hindi alam kung makakahinga na ba ng maluwag o hindi.
"Baka revealing ang ipasuot sakin--"
"You're not going." Pigil ni Rhys habang nag sasalita pa ako at nakasimangot na sumandal sa upuan nya.
I knew it! Ganyan sasabihin nya.. but I'm actually happy sa pagiging possessive nya.
"Hinahayaan mo naman ako dati?" Mahina kong sabi sakanya.
"That's when I don't have say about your work and I can't stop you.." aniya at uminom ng tubig habang madiin na nakatingin sakin.
"But I have say now so you're not going." Aniya ng matapos uminom at sumandal ulit sa upuan nya.
Nag tatampo ba sya?
"Rhys, baka lang naman." Sabi ko sakanya at tumayo para lapitan sya. Hinawakan ko sya sa braso nya at hinimas pero hindi sya nag angat ng tingin sakin.
Napanguso ako para pigilan ang ngiti at pumunta sa likod nya. "Rhys wag ka ng magalit." Sabi ko sakanya at hinawakan sya sa balikat nya pababa sa matitigas nyang dibdib.
Napangiti ako ng bumaba ang tingin nya sa mga kamay ko. "Please?" Sabi ko pa at lumaki ang ngiti ng hawakan nya ang kamay ko at inalalayan akong pumunta sa gilid nya at pakandong sakanya.
Madiin nya akong tinignan at bumaba ang tingin sa labi ko at madiin akong hinalikan.
Masaya ako na mapapayag si Rhys matapos ang mahabang halikan. Well, kahit papano? Dahil nakasimangot parin sya habang sabay kaming naglalakad paakyat ng hagdan.
Nang nasa harap na kami ng pinto ng master's bedroom, hinarap ko si Rhys ng may pumasok sa isip ko.
"Rhys, I'll sleep in the guest room, my room.." sabi ko sakanya at tinignan ang pinto ng kwarto ko. Well, dati. "Tonight. Just tonight." Paninigurado ko sakanya.
BINABASA MO ANG
LUST [COMPLETE]
General FictionWARNING: R16+ | SPG Sinful Series (7 Deadly Sins): LUST Know for her extraordinarily enchanting beauty is Vanadey Anise Arellano, The Philippines top model, Who is keeping a big dark yet fantastic and magical secret. And well, she's secretly married...