Chapter 5
***Madilim na ang paligid at ang liwanag nalang ng buwan ang nag iilaw sakin habang malungkot akong naglalakad papunta sa kubo.
Pano na yan? Sigurado ako na pati bukas ay hindi kami bibigyan ng sahod. Pano ko na matatakas si Rhys?
Nang malapit na ako sa kubo, mas nalungkot ako ng makita ko si Rhys na nilapag ang mga nakuhang kawayan. Sa mga lumipas na araw, inaayos ni Rhys ang gate sa may dulo ng isla para sa kaligtasan naming lahat at para pamalit sa pag aalaga ko sakanya.
Tumalon ang puso ko ng lumingon si Rhys sa banda ko. Parang lagi akong kinakapos ng hininga pag tumititig sakin ang magaganda nyang mga mata. Napalunok muna ako bago dahan dahan ng naglakad papunta sakanya.
Magkatitigan lang kami hanggang sa huminto na ako sa tapat nya. Nahihiyang nag baba ako ng tingin sa mga kawayan bago inabot sakanya ang basket ng gulay.
"Sobrang gulay kanina para sa sinigang." Sabi ko sakanya at tumango naman sya bago inabot ang basket.
Nagkatitigan ulit kami at agad na akong tumingkayad para abutin ang labi nya.
Mahina akong napaungol sa isip ko sa sobrang tamis ng labi nya. Naramdaman kong ngumiti sya kaya lumayo ako at tumingala sakanya.
"You're really addicted to my lips, hmm?" Nakangiti nyang tanong habang madiin na nakababa ng tingin sakin.
Wala sa sariling napatango ako kaya namula ang mga pisngi ko. Mahinang natawa si Rhys at Hinapit ako sa bewang at agad akong napapikit ng halikan nya ako.
Agad kong ginantihan ang mabagal nyang halik. Dahan dahan kaming nag halikan hanggang sa lumalim ang halikan at napakapit ako sakanya.
Hinihingal na humiwalay kami sa halikan at hahabulin ko sana ang labi nya ng hawakan ni Rhys ang magkabila kong pisngi.
"God, Diwata. You're so addicted." Nakangiti nyang aniya. Namula ang mga pisngi ko. K-kasalanan nya yun dahil sobrang lambot at tamis ng mga labi nya!
"Anong mas gusto mo, hmm? Luto ko o labi ko?" Tanong nya at kunyari na matalim na nakatingin sakin.
Natigilan ako sa tanong nya. Anong pipiliin ko? Napakunot ang mga nuo ko at nahirapang pumili.
"Rhys!" Gulat kong tawag sakanya ng buhatin nya ako at agad akong napakapit sakanya.
"God, Vana. What am I going to do with you?" Natatawa nyang tanong at hinuli ang labi ko habang buhat ako.
Nakaupo ako sa kandungan ni Rhys habang madiin kaming nag hahalikan. Para kaming mga uhaw na uhaw habang gumagalaw ang mga labi namin.
Hinihingal na humiwalay kami at parehas kaming napangiti. Bumaba ako sa pagkakakandong sakanya at nakatalikod sakanya na umupo sa gitna ng mga hita nya. Mas napangiti ako ng ipalupot nya ang mga braso nya sakin.
Sumandal ako sa matitigas nyang dibdib at tahimik naming pinag masdan ang magandang buwan at dagat.
Payapa ang lahat ng maisip ko na naman na hindi ko matatakas si Rhys kaya napahinga ako ng malalim.
"What are you thinking about?" Tanong ni Rhys sa matigas na accent.
Nag angat ako ng tingin sakanya at seryoso syang nag baba ng tingin sakin. Napaiwas ako ng tingin at tinignan nalang ang apoy sa gilid.
"Baka hindi kita matakas dito." Mahina kong sabi, sapat lang para marinig nya.
Hindi nag salita si Rhys kaya kinabahan ako na baka galit sya dahil hindi ko sya matatakas sa isla namin.
BINABASA MO ANG
LUST [COMPLETE]
General FictionWARNING: R16+ | SPG Sinful Series (7 Deadly Sins): LUST Know for her extraordinarily enchanting beauty is Vanadey Anise Arellano, The Philippines top model, Who is keeping a big dark yet fantastic and magical secret. And well, she's secretly married...