Chapter 12
***Naging ganun pa ang mga araw namin ni Rhys. Araw araw akong sumasama sa pagtitinda para makita si Rhys at makatulong din kahit papano.
Magkikita kami sa umaga at bibigyan nya ako lagi ng pagkain at sa gabi naman ay tumatakas kami papunta sa hotel room nya.
"Rhys." Natatawa kong tawag sakanya ng pakawalan nya ang labi ko. Kanina pa kami nandito sa parking lot ng hotel dahil kanina pa hindi pinapakawalan ni Rhys ang labi ko.
Mahina ding tumawa si Rhys at pinigilan ko ang ngiti dahil sa sexy nun. "I love you, my diwata." Puno ng pag mamahal nyang sabi at sumandal sa headrest ng upuan nya habang madiin na nakatingin sakin.
Tumalon ang puso ko dahil dun at kinikilig na umiwas ng tingin. "Tara na, Rhys." Yaya ko sakanya at binuksan na ang pinto ng sasakyan nya ng ipalupot nya ang isang braso sa bewang ko at dahan dahan akong hinatak paupo ulit.
"Give me a kiss first." Aniya habang niyayakap na ako mula sa likod.
"Rhys, addicted ka na." Natatawa kong sabi sakanya at nilingon sya. Nginitian ako ni Rhys at agad na hinuli ang labi ko.
Nakaupo kami ni Rhys ngayon sa restaurant ng hotel at pumipili ng makakain. Sa lumipas na araw, minsan mag luluto si Rhys o di kaya oorder nalang kung may mga kumakain din kagaya ngayon.
Mahal talaga ang mga pagkain sa menu pero mas okay na ako dun kaysa si Rhys ang mismo mag luluto kahit mas masarap ang luto nya dahil mas malaki ang binabayadan nya.
Umorder lang ako ng seafood dahil mukhang sobrang sarap habang si Rhys naman ay steak. Mabilis din namang dumating ang order namin at masaya kaming kumain kahit hindi ko gaanong nagustuhan ang lasa ng order ko.
Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa hotel room ni Rhys. Nakaupo ako ngayon sa malambot na sofa sa harap ng malaking flat screen TV.
Sa lumipas na araw, puro netflix ang ginagawa ko. Sabi ni Rhys, sikat daw to. Nag eenjoy ako sa panunuod ng mga series at movies at madami agad akong natapos habang sigurado akong hindi nag eenjoy si Rhys.
Pero nanunuod parin kasama ako. Napangiti ako dahil dun.
Sobrang saya ko habang nanunuod dahil feeling ko nasa loob ako ng movie, gaya ng nararamdaman ko pag nagbabasa.
"Hug me." Paglalambing ni Rhys sa tabi ko habang hindi mawala ang tingin ko sa TV. Enola Holmes ang pinapanuod ko ngayon dahil madaming nag sasabi sa YouTube na maganda yun at nirerekomenda nila.
Alam ko naman ang YouTube dahil mahilig manuod si Toni dun at nakikinuod ako sakanya.
Dinipa ko lang ang mga braso ko ng hindi sya tinitignan. "Hug me not hug you." Dahan dahan na reklamo ni Rhys at napangiti ako sa sobrang cute nun pero hindi parin sy tinitignan at nakadipa parin ang mga braso.
Mas lumaki ang ngiti ko ng dahan dahan akong niyakap ni Rhys mula sa gilid ko dahil nasa tabi ko sya. Binaon nya ang mukha nya sa leeg ko at pinalupot ang mga braso sa bewang ko.
Hinimas ko ang pisngi ni Rhys. Yayakapin din naman ako. Natatawa kong sabi sa sarili. Tumuloy na ako sa panunuod habang mahigpit akong niyayakap ni Rhys at naglalaro sa balikat ko.
Namangha ako sa kagwapuhan ng kapatid ng bida at hindi ko maiwasang purihin sya. "Ang gwapo." Puri ko sakanya.
Agad akong napalingon kay Rhys ng higpitan nya ang yakap sakin. "Hey, your boyfriend is here." Seksing bulong ni Rhys sa tenga ko.
"Bakit? Totoo naman eh." Sabi ko sakanya kaya matalim syang nag angat ng tingin sakin.
"Rhys!" Natatawa kong sigaw sakanya ng ihiga nya ako sa sofa. Kinubabawan nya ako at diniin ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
LUST [COMPLETE]
General FictionWARNING: R16+ | SPG Sinful Series (7 Deadly Sins): LUST Know for her extraordinarily enchanting beauty is Vanadey Anise Arellano, The Philippines top model, Who is keeping a big dark yet fantastic and magical secret. And well, she's secretly married...