Chapter 6
***Nakatayo lang ako sa buhangin habang si Rhys ay patuloy lang na lumalangoy. Sobrang lamig na at mukhang hindi sya aahon pag nandito pa ako.
Huminga ako ng malalim. "Rhys, aalis na ako. Umahon ka na." Dahan dahan kong sabi na tama lang para marinig nya.
Madiin nya akong tinignan at sinuklay ang basang buhok gamit ang mga daliri. Huminga ulit ako ng malalim bago dahan dahang tinalikudan sya.
Madaming gumugulo sa isipan ko tulad nalang ng bakit galit si Rhys? At kanino? Sakin ba o kay Ken.. o sa date namin ni ken? Bakit ayaw nyang suotin ang wig?
Pano ko sya matatakas?.. ayaw nya bang umalis dito?
"Good night, Vana." Sabi ni Rhys kaya napatingin ako sakanya. Naabutan ko syang madiin parin na nakatingin sakin at may kadiliman parin ang mukha nya.
Galit parin sya?
"Good night, Rhys." Sabi ko sakanya at ilang segundo kaming nagkatinginan bago ko na sya talikudan at naglakad na pauwi.
Sana umahon na si Rhys. Sa gabi na Yun, nahirapan akong matulog dahil sa nangyari at sa mga katanungan sa isip ko.
Kinabukasan, Monday kaya hindi ako kasama sa pagtitinda. Nginitian ko si Juris at Sandy na nag aalalang nakatingin sakin.
"Diwata, hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Nag aalalang tanong ni Juris.
Maliit ko syang nginitian. "Nahirapan lang makatulog kagabi." Sabi ko sakanya at tinignan si sandy ng kumapit sya sa braso ko.
"May problema ba diwata?" Nag aalala paring tanong ni Sandy na agad kong nakangiting inilingan.
"Wala, sandy." Nakangiti kong sabi at naalala ulit ang nangyari kagabi at ang madilim na mukha ni Rhys.
Pinigilan kong mapahinga ng malalim dahil baka isipin nila na may problema ako.. na meron naman talaga.
"Hello, girls!" Sabay sabay kaming lumingon nila Juris kay Toni na kanina pa naming hinihintay.
Nag alala ako ng paika ika syang naglalakad habang nakaalalay sakanya ang mama nya na si Tita Tristana.
"Hindi muna ako makakasama. Natapilok ang inyong mama." Pabiro at natatawang sabi ni Toni kaya sinaway sya ni Tita Tristana.
Tinignan ako ni Tita Tristana at nag paumanhin. "Pasensya na diwata kay Toni." Paumanhin nya at nag bow pa sakin kaya nahiya ako.
"O-okay lang po." Mabilis kong sabi. Hindi parin ako sanay sa pag bow sakin ng mga tao dito sa isla at mukhang hindi ako masasanay.
"Pasensya narin sainyo Juris at sandy, hindi makakatulong sainyo ngayon si Toni." Paumanhin ni Tita kila Sandy at ayos lang naman sakanila.
"Okay lang po Tita." Sabay nilang sabi kaya nginitian sila ni Tita Tristana bago nilipat ang tingin sakin at nginitian din ako.
Sinuklian ko ang ngiti nya bago Binaba ang tingin ko sa paa ni Toni at mukhang masakit talaga yun dahil iba na ang kulay ng isa nyang paa.
"Mag pahinga ka muna, Toni." Nag aalala kong sabi sakanya. Nginitian nya ako at pabirong inirapan ako.
"Aba! Talaga Diwata!" Natatawa nyang sabi kaya pinagalitan ulit sya ni Tita Tristana.
Nahihiya akong tinignan ni Tita Tristana. "Pasensya na Diwata." Aniya at maliit ko lang syang nginitian at tinanguan.
Umalis na sila Juris at sandy habang tinulungan ko namang alalayan si Toni kaya puro pasalamat sakin si Tita Tristana kahit sabi ko na okay lang.
Pag balik ko sa bahay, kagaya ng dati, busy si mama sa naging kita ngayon. Lumapit sakin si Philip Kaya nakuha ko ang atensyon ni mama.
BINABASA MO ANG
LUST [COMPLETE]
General FictionWARNING: R16+ | SPG Sinful Series (7 Deadly Sins): LUST Know for her extraordinarily enchanting beauty is Vanadey Anise Arellano, The Philippines top model, Who is keeping a big dark yet fantastic and magical secret. And well, she's secretly married...