Chapter 23

15.5K 369 38
                                    

Author's note: Make sure to re-read chapters 1, 12 and 13 before reading this chapter.

Warning: SPG | R-16.
Chapter 23
***

PRESENT

Suot ang black pants, sleeveless white turtle neck at khaki coat na tinernohan ko ng white chunky rubber shoes and jewelries ay tapos na ang off the duty model outfit ko with my hair in low bun.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nilingon si Neri na nag aayos na din. Kakatapos lang ng shoot at uuwi ako ngayon dahil weekend bukas. Kahit sa ginawa ni Rhys nakaraan, kaylangan ko paring umuwi gaya ng pangako ko para hindi ako makasuhan.

Napahinga ako ng malalim. At wala naman sigurong mabubuo hindi ba? Isang beses lang yun.

Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog yun at si Rhys pala yun. "Wife." Tawag ni Rhys sakin.

"Hmm?" Sagot ko lang dahil may iilang staff kaming kasama.

"Madaming fans sa labas." Aniya kaya dahan dahan akong tumango at tinignan ang inaayos ni Neri na bigay ng mga fans.

"I'm heading home again. I'll be back, wait for me." Aniya at dahan dahan akong tumango.

"Wag mong bilisan ang patakbo." Mahina kong sabi dahil sigurado akong mabilis na nagmamaneho si Rhys ngayon para makauwi at magpalit ng sasakyan.

Ganun lagi ang ginagawa nya pag madaming fans sa shooting. Pag wala naman, hinihintay ko lang na mauna ang staff bago ako pumasok sa magandang sasakyan ni Rhys.

"Okay." Aniya at binaba ko na ang tawag.


Naghihintay kami ni Neri sa lobby ng building habang hinihintay si Rhys. May iilang fans parin sa labas at madaming flash ng camera kaya sinuot ko ang shades ko.

"Vana." Tawag ni Neri sakin kaya napalingon ako sa itim na van na pumarada sa harap ng building.

Tumayo na kami ni Neri at lumabas na ng building. Lumabas din ang dalawang guard para alalayan kami ng mas dumami ang mga fans, flash at tilian.

Nginitian ko silang lahat kaya nagtilian sila at mas lumakas pa ng may tinignan sila.

Napakunot ako kaya tinignan ko ang harap ko at nagulat ng si ethan yun na naka leather jacket.

Tumikhim si Neri dahil alam naming dalawa na mas lalala ang issue.

Huminto ako sa paglalakad ng makalapit kay ethan at tinanggal ang shades.

"Vana, gusto ko sana humingi ng tawad dahil sa issue na yun in person." Aniya kaya napaiwas ako ng tingin at napunta yun sa bintana ng sasakyan ni Rhys kung saan nararamdaman ko ang madiin na tingin nya.

May umusbong na galit sa puso ko sa nangyayari ngayon. Mas lalala lang ang issue na 'to sa ginagawa ni ethan.

At pano nga kung nag seselos talaga si Rhys sa issue na 'to? Ang asawa ko..

"Okay lang." Sabi ko nalang at agad na napababa ng tingin ng may sunod sunod na flash ang tumama sa mata ko.

Agad na humarang si Ethan sa harap ko at yumuko para takpan ako. Nagulat ako sa sobrang lapit namin at napatingin sa sasakyan ni Rhys.

"Tama na sa picture please. Pakipatay po ng flash." Awat ni Neri sa fans.

"Pasensya na talaga." Sabi ni Ethan kaya nag angat ako ng tingin sakanya at sasabihin na sana ang gusto kong sabihin.

"Sasabihin ko sa kanilang lahat na hindi totoo ang iniisip nila." Sabi ni Ethan kaya nanahimik na lang ako.

Wala namang magagawa yun at hindi naman 'to ang unang beses na maissue ako sa ibang lalaki.

LUST [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon