Chapter 25

19.8K 419 27
                                    


Chapter 25
***

Pinanuod namin ni Rhys na sumikat ang araw habang magkayakap kami. Mahigpit na nakayakap sakin si Rhys habang nakapatong din ang binti nya sakin para hindi ako lamigin kahit sa coat na nakakumot sakin.

Sobrang ganda ng langit lalo na't kasama si Rhys.. ang asawa ko. Nilingon ko si Rhys at maliit na napangiti ng bigyan nya ng maliliit na halik ang likod ko.

"We should be going now." Mahinang bulong ni Rhys habang madiin na nakatingin sakin.

Hindi ako agad sumagot.

Ayoko pang umalis. Kahit nakahubad at nakahiga lang sa lona ay kumportable ako. At kahit nasa ibang bansa kami at nawawala pa na siguradong madami ng naghahanap samin ay ayoko paring umalis at harapin kung anong nag aabang samin.

Gusto ko dito muna kasama si Rhys. Pero imposible yun.. sa ngayon. Pag ayos na ang lahat, mas madami pa kaming magiging oras na magkasama ni Rhys.

"Okay." Mahina kong sabi kaya bumangon na si Rhys. Akala ko babangon na si Rhys para tumayo ng ilapit nya ang mukha sakin binigyan ako ng halik.

Napangiti ako at ginantihan ang halik nya. "They might look for us here at maabutan nila tayong ganto." Sabi ko sakanya kaya agad na nag salubong ang mga kilay ni Rhys.

"Not happening." Sabi ni Rhys at mas tinakpan ang hubad kong katawan bago inabot na ang mga damit namin.

Inunahan ako ni Rhys bihisan bago ang sarili. Nang makapag bihis na si Rhys, nag baba sya ng tingin sakin at madiin kaming nagkatitigan bago nya ako inalalayan makatayo.

Sobrang lapit namin ni Rhys ng makatayo ako at kitang kita ko ang sobrang gwapong mukha ni Rhys.

"I love you so much, Vanadey Arellano Luster. Forgot to tell you that last night." Mahina at puno ng pagmamahal nyang sabi.

Kumapit ako sa balikat nya at puno ng pagmamahal syang tinignan. "Mahal kita, Rhys. Mahal na mahal." Sabi ko sakanya at nangilid ang mga luha. Matagal na nung nasabi kong mahal ko ang asawa ko.

Puno ng pagmamahal nya akong hinalikan at tinumbasan ko ang halik ni Rhys.

"Let's go?" Tanong ko sakanya at nakangiting tumango si Rhys.

"Let's go." Aniya at tinignan ang hinigaan namin kagabi. "Gonna miss that." Aniya kaya namula ako at natawa.

Nilingon nya din ang maganda at payapa ng dagat. "Thank you so much." Aniya kaya nawala ang ngiti ko.

"Rhys." Saway ko sakanya. Hindi ko parin makalimutan ang pagbitaw ni Rhys sakin at pag iwan nya. Akala ko may masama ng nangyari sakanya.

"Wife, I know nothing bad is going to happen to me. Because I'm with my fairy and my queen." Aniya at hinimas ang pisngi ko.

Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi nya. "T-tara na." Sabi ko sakanya at nag umpisa na nga kaming mag lakad papunta sa kagubatan.

Mahigpit ang kapit ni Rhys sakin at todo alalay sakin dahil nahihirapan ako sa heels na suot.

"Want to wear my shoes?" Tanong ni Rhys habang naglalakad kami at nakahawak sya sa bewang at siko ko.

Mabilis akong umiling. "You might step on something sharp. Hindi ko kakayanin yun." Nag aalala kong sabi sakanya.

Nag angat ako ng tingin kay Rhys at naabutan ko syang maliit na nakangiti. "Kinikilig ka?" Pang aasar ko sakanya at hindi sya sumagot.

Ilang oras din kaming naglakad ni Rhys sa kagubatan pabalik sa hotel. Nakakapagod pero masaya dahil kasama ko si Rhys.

LUST [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon