Chapter 10

18.2K 381 18
                                    


Chapter 10
***

Lumipas ang ilang araw at ganun parin ang trato ni Toni sakin at nahahalata na ni sandy yun na ayaw ko sanang mangyari dahil sya ang pinakabata samin. Para na namin syang bunsong kapatid.

"Tara na sandy." Tawag ni Toni kay sandy at nauna ng umalis. Tinignan muna ako ni sandy bago malungkot na sumunod kay Toni.

Napahinga nalang ako ng malalim. Siguro hindi sya sanay na may alitan samin. "Diwata Vana." Tawag sakin ni Juris kaya tinignan ko sya.

Puno ng katanungan ang mukha nya at alam kong mag tatanong na sya. "Diwata, anong nangyari sainyo ni Toni?" Tanong nya kaya matagal ko syang tinignan.

Dapat ko bang sabihin sakanya ang tungkol kay Rhys? Umiwas ako ng tingin. Pero napag planuhan na naming tumakas mamayang gabi kaya Hindi na kaylangan?

"May pinagtalunan lang kami." Sagot ko sakanya at tinignan nya muna ako bago tumango.

"Mauna na ako Diwata." Paalam nya sakin. Pinanuod ko muna silang umalis bago bumalik na sa bahay.

Nadaanan ko ang mga batang nag lalaro ng manika at niyaya nila akong makipag laro sa kanila. Naka indian seat sila sa lapag at nakapabilog. Binigyan nila ako ng space at nakangiting ginaya ko ang upo nila.

Inabutan ako ni nene ng isa nya pang manika kaya nag pasalamat ako. "Anong nilalaro nyo?" Tanong ko sakanila habang inaayos ang damit ng manika.

"Baby baby-han." Sagot nila kaya napakunot ang nuo ko at mahina ding natawa ng kunyari ay nag luluto sila gamit ang maliliit nilang laruan pa at sinusubuan ang manika nila.

Natatawang ginaya ko ang ginagawa nila. "Diwata, asan ang asawa mo?" Tanong ni nene kaya gulat ko syang tinignan.

"Huh?" Tanong ko sakanya. Nagkibit balikat sya at sinuklayan ang buhok ng manika nya.

"Nasa ibang bansa kasi ang asawa ko." Sabi ni Nene kaya nagulat ako.

"Sakin na sa korea." Sagot naman ni Princess.

"British." Sosyal na sabi ni patty kaya napa pikit pikit ako sakanila. Ganto pala sila mag laro.

"Ikaw diwata?" Tanong ulit ni Nene.

Tinignan ko sila at napababa ng tingin ng maisip si Rhys.. bilang asawa. Namula ang pisngi ko at nahihiyang napangiti.

"Ano ba Kayo! Bawal si Diwata sa mga lalaki." Sagot ni Patrick kaya natauhan ako.

"Bawal din lalaki sa isla bat nandito ka?" Galit na tanong ni Nene sakanya dahil parang binasag ni Patrick ang imagination nila.

"Tama na yan." Saway ko sakanila bago pa sila mag away ng tuluyan. "Bawal pa sainyo ang asawa na yan. Bata pa Kayo." Sabi ko sakanila at tumango naman sila.

"Pero pwede ka na diwata mag asawa? Gusto ka na naming mag asawa!" Masayang sabi ni nene.

"Bawal nga." Tutol parin ni Patrick kaya napahinga ako ng malalim.

"Well, pwede na akong magka boyfriend sa edad ko." Sabi ko sakanila kaya kinikilig nila akong tinignan at mahina akong natawa lalo na ng maisip si Rhys.

"Pero hindi pa ako ready mag asawa." Dagdag ko at tinignan si Patrick. "At tama si Patrick. Bawal.. o hindi pa sa ngayon." Sabi ko sakanila.

Pag nakaalis na si Rhys sa isla at may matutuluyan at trabaho baka pwede ko na syang ipakilala kay mama sa susunod diba? Tama. Hindi pa ngayon.

Hinayaan ko na silang maglaro ng sila nalang at bumalik na sa bahay namin. Naabutan ko si mama sa pwesto nya lagi. "Mama, mag aaral po ulit ako sa may talon." Paalam ko sakanya at didiretso na sana sa kwarto ko ng madiin akong tinignan ni mama.

LUST [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon