Chapter 11

16.5K 361 14
                                    


Chapter 11
***

Pagkatapos ako ni Rhys tulungan na mag buhat, matagal kaming nag titigan at gusto naming mag usap pero nag pipigil kami dahil lahat nakatingin samin.

"S-salamat." Sabi ko nalang sakanya at tumango lang sya habang madiin na nakatingin sakin.

"Welcome, Vana." Aniya at madiin pa ulit akong tinignan bago inayos ang buhat sa sako ng gulay.

Pumunta ang tingin ko sa buhat nyang sako at nag alala na baka hindi sya sanay sa gawaing ganun pero sa ganda ng pangangatawan nya, mabilis na nawala ang pag aalala ko.

"Tara na, lods." Tawag sakanya ng mukhang kasamahan nya din na kargador. Lumipat sakin ang tingin ng kasamahan nya at agad itong namula at nahihiyang kumaway sakin.

Napatingin ako kay Rhys ng marinig ang malalim nyang paghinga. Madilim ang mukhang nakatingin sya sa kasamahan at lumambot din ng tignan ako.

"Una na ko." Aniya at nababasa kong gusto nya pa akong makausap pero napipilitan nalang na umalis.

Napahinga ako ng malalim. Ako din naman, gusto syang makausap. Bumagsak ang balikat ko ng hindi ko man lang natanong kung san sya tumutuloy o kung kanino sya sa palengke nag tatrabaho.

"Naku! May nagayuma na naman ang engkanto!" Paratang ni Rica kaya napatingin ako sakanya at sa mga tao sa paligid namin.

Nginisian ako ni Rica pero nababasa ko ang inggit sa mga mata nya. Nag iwas nalang ako ng tingin at tinignan sila Juris at masama silang nakatingin kay Rica.

"Ang bilis din naman! Hindi ko man lang nakita na napainom mo ng gayuma ang bagong mukhang dayuhan na pogi na yun!" Sabi ni Rica at tumawa. "May bagong imbento ba kayong gayuma? Pabango ba?" Dagdag ni Rica at mas malakas na tumawa.

"Inggit ka lang na naman!" Asar sakanya ni Toni kaya napatingin ako sakanya at nagkatinginan kami.

Gumaan ang puso ko sa pag asang magkaayos kami ni Toni. "Sus Toni! Umamin ka na! Gusto mo din ang bago na yun." Sabi ni Rica sakanya kaya natahimik si Toni at ako din.

"Tama na yan. Mag bukas na tayo." Sabi ni Juris at nag umpisa na nga kaming mag bukas.

Gaya ng dati, nakaupo lang ako sa likod dahil hindi nila ako Hinahayaan.  Napapansin ko din na madaming naglalakad papunta sa palengke. Dahil ba kay Rhys?

Napasimangot ako. Siguro nag eenjoy ang mga kababaihan sa palengke. Naaasar ako at nag seselos ng mapaayos ako ng upo ng makita si Rhys kahit sa madaming tao dahil sa tangkad nya at kagwapuhan.

Madami agad ang kinilig na tiga tiangge lalo na si Rica kaya naasar ako pero nawala din ng magkatitigan kami ni Rhys.

Magkatitigan lang kami habang nilalagpasan nya ang pwesto namin at habang mabilis na tumitibok ang puso ko.

Sinundan ko lang ng tingin ang papalayong bulto ni Rhys at huminto sya sa owner hindi kalayuan samin.

Napakunot ang nuo ko at ngayon lang napansin na bakit dito sya nag park? Malayo ang palengke dito at dito sya nag park.

Ginawa nya ba yun dahil alam nyang minsan nasa tiangge ako? Iniwasan kong kiligin dahil ibig sabihin nun mas mahihirapan sya sa pagbubuhat ng sako ng gulay.

Pinanuod kong may ayusin si Rhys sa likod ng Owner at nang matapos ay nilingon ako at nginitian ng maabutan akong nakatingin sakanya.

Namula ang pisngi ko habang magkatitigan kami. Masaya syang humiwalay sa titigan at seksing sumakay ng owner. Ilang segundo simula ng buhayin nya ang makina ang lumipas bago nya paandarin.

LUST [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon