Chapter 3
***Sinusuklay ko ang mahaba Kong buhok sa harap ng salamin habang nasa gilid ko si Philip na kakapaligo ko palang.
Monday ngayon at Hindi ako sinasama sa pag titinda dahil wala rin namang gaanong tao sa tiangge.
Wala rin naman akong ginagawa tuwing weekdays dahil Hindi ako nag aaral sa eskwelahan gustuhin ko man.
Ayaw ni mama dahil delikado daw para sakin. Okay lang naman sakin dahil may isang dating guro dito sa Isla bago iniwan ng asawa. May mga libro sya na pwede Kong pag aralan at minsan tinuturuan nya ako.
Sinuot ko na ang korona ko at tumayo na. "Tara na Philip." Tawag ko sa alaga at kinuha ang libro ko sa History at plastic na pinag lagyan ko ng Tupperware ng pagkain.
Hahatidan ko ng pagkain ngayon si Rhys at Hindi ko alam Kung bakit ako na-eexcite. Siguro dahil Alam ko na ang pangalan nya at Alam Kong Hindi sya masamang Tao?
Lumabas na ako ng kwarto ko at sumunod agad sakin si Philip. Nakasalubong namin si mama sa Sala na bumaba agad ang tingin sa hawak ko at Kay Philip na malinis na.
"San Kayo pupunta?" Tanong ni mama habang nakatingin sa plastic na hawak ko bago nag angat ng tingin sakin ang Hindi mabasa nyang mga Mata.
Bumaba ang tingin ko Kay Philip na nakatingin sakin. Mag sisinungaling na naman ako. "Mag aaral lang po malapit sa talon at naisip Kong mag dala ng pagkain dahil baka magutom po kami ni Philip." Pagsisinungaling ko bago mag angat ng tingin ulit Kay mama.
Tinitigan muna ako ni mama bago tumango. "Siguraduhin nyo lang na Hindi Kayo lalabas ng Isla." Sabi ni mama bago na kami tinalikudan.
Nakahinga ako ng maluwag kahit kakagaling lang sa pag sisinungaling. Nakakailang sinungaling na ako.
Nag baba ulit ako ng tingin kay philip at maliit syang nginitian bago naglakad na palabas ng bahay.
Hindi maaraw ngayon at presko ang hangin Kaya napangiti ako habang naglalakad. Malayo lang ng unti ang Kubo.
Tumigil ako sa paglalakad at hinubad ang tsinelas ko at binuhat nalang sa isang kamay. Malaki akong napangiti ng ramamdahan ang buhangin sa mga paa ko.
Dinipa ko ang mga kamay ko at masayang tumakbo habang tumatama sakin ang preskong hangin at naririnig ang mga Alon sa dagat.
Natawa ako ng habulin ako ni Philip Kaya mas binilisan ko ang takbo ko.
hinihingal ako ng unti ng malapit na kami sa kubo. Wala sya sa labas ng kubo kaya nilipat ko ang tingin sa dagat dahil baka lumalangoy sya pero wala sya dun.
Nasa loob sya ng kubo?
Napalunok muna ako bago dahan dahan ng naglakad papunta sa Kubo. Tumitibok ng mabilis ang puso na inangat ko ang kamay ko at tinignan muna si philip bago kumatok na.
"Rhys?" Tawag ko sakanya sa loob ng kubo. Lumayo ako ng unti para pag bubuksan nya ang pinto.
Lumipas ang ilang segundo, napakunot ang nuo ko ng hindi nya binubuksan ang pinto. Tulog ba sya? Nakatulog sya sa gutom?
"Rhys?" Tawag ko sakanya pero napatingala din ng biglang bumukas ang pinto at magkasalubong ang kilay ng gwapo nyang mukha.
Madiin nya akong tinignan bago nilipat sa likod ko ang tingin nya. "Where's your--" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng agad akong bumaba para pigilan si Philip sa pag atake kay Rhys.
"Philip!" Saway ko sakanya at pilit syang pinipigilan sa pag sugod.
"Philip?" Tanong ni Rhys at pinantayan ako sa pag upo. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa sobrang lapit ng mga mukha namin.
BINABASA MO ANG
LUST [COMPLETE]
General FictionWARNING: R16+ | SPG Sinful Series (7 Deadly Sins): LUST Know for her extraordinarily enchanting beauty is Vanadey Anise Arellano, The Philippines top model, Who is keeping a big dark yet fantastic and magical secret. And well, she's secretly married...