Chapter 7

18.4K 385 43
                                    


Chapter 7
***

Hindi mawala ang sinabi ni Toni sa isip ko. Nakalimutan ko bang maging Diwata dahil kay Rhys?

Kakatapos lang naming mag gabihan at nasa kwarto ko ako ngayon kasama si Philip. Naalala ko ang sinabi ni Toni na sya na ang mag hahatid ng pagkain kay Rhys.

Napakagat labi ako dahil sa kung anong nararamdaman. Pwede ko parin namang bisitahin si Rhys diba?

Tinignan ko si Philip na nakahiga sa lapag habang nakatingin sakin. "Pwede pa naman diba?" Tanong ko sakanya kahit hindi nya ako maintindihan.

Naisip ko si Rhys at Toni na magkasama kaya sumulpot na naman ang galit sa puso ko. Tama si Toni na dapat hindi ako makipag lapit sa lalaki pero hindi ko kayang maiwan na silang dalawa lang ni Rhys.

Galit akong tumayo at kumuha ng jacket dahil malamig na sa labas. Kumuha din ako ng flashlight at tinignan muna si philip bago dahan dahan ng lumabas ng bahay.

Siguradong nag papahinga na si mama sa kwarto nya. Pag labas ko ng bahay natigilan ako ng makasalubong ko si ate Jen, ang laging nag lilinis sa kusina.

Nginitian nya ako kaya maliit kong ginantihan ang ngiti nya habang tinatago ang flashlight sa jacket ko.

Nagulat ako ng iabot nya sakin ang Tupperware ng pagkain. "Hindi mo kasi kinuha ngayon at sana hindi ka naman pinag da-diet ng pinuno." Aniya. Inabot ko na ang pagkain at nginitian sya.

"Maraming salamat po, ate jen." Pasalamat ko at pinauna muna sya bago maya maya ay mabilis ng tumakbo.

Hawak ang flashlight at pagkain, mabilis akong tumatakbo papunta kay Rhys kaya hingal na hingal ako.

Natigilan ako ng makita ko si Rhys na nakaupo lang habang masayang nag aasikaso si Toni na parang hindi masakit ang paa nya.

Aksidente kong nagalaw ang flashlight patungo kay Rhys kaya nakuha ko ang atensyon nya.

Mabilis syang tumayo at nakakunot nuong tumingin sa gawi ko dahil sa dilim. Nang mag tama ang mga tingin namin, madiin nya akong tinignan at mabilis na tumakbo papunta sakin.

Tumitibok ng mabilis ang puso ko habang Pinapanuod syang tumakbo papunta sakin. Napaangat ako ng tingin sakanya ng huminto sya sa harap ko at sobrang lapit nya sakin.

"Vana." Tawag nya sakin habang nakababa ang tingin sakin.

Rhys. Tawag ko sakanya sa isip ko.

"Bakit ngayon ka lang? Hinintay kita." Tanong nya habang madiin na nakatingin sakin na parang binabasa ang laman ng isip ko.

Nag iwas ako ng tingin at binigay sakanya ang pagkain na dala ko. "Dala ko." Sabi ko sakanya at nilahad ang Tupperware sakanya. Mukhang nilutuan na sya ni Toni pero sana kainin nya parin.

Hindi ko alam Kung aalis na ba ako ngayong nakita ko na sya at nabigay ang pagkain sakanya. Tinapak ko na ang isa kong paa patalikod ng hawakan ako ni Rhys sa siko.

"May problema ba, Vana?" Tanong nya habang madiin na nakatingin sakin. Napakunot pa ang nuo ko ng may mabasa akong takot sa mga mata nya.

"Wala, Rhys." Sabi ko sakanya kahit dahil sakanya nakakalimutan kong maging diwata. Nag iwas ako ng tingin dahil sa intensidad ng tingin nya.

"Kung ganon, samahan mo kong kumain." Aniya kaya napaangat ako ng tingin sakanya at sinasabi na naman ng mga mata nya na gawin ko.

Hindi ako makatanggi pero pano ang sinabi ni Toni?

Vana, yun diba ang pinunta mo? Ang Hindi sila maiwan na dalawa?

Nilagpasan ko si Rhys at naglakad na papunta sa kubo habang iniilawan ang dinadaanan. Nagkatinginan kami ni Toni at seryoso lang syang nakatingin sakin.

LUST [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon