Goryo's POV~Flashback~
Ala-singko palang ng umaga, gumigising na'ko para pumunta sa bakery. Sa edad kong labing-tatlong gulang, ang bakery na'to ang pinakagusto kong puntahan.
"Pabili ho ne'to, magkano 'to?" Tanong ko sa nagtitinda sabay turo sa cinnamon.
"Ilan ba hijo? Bentsingko lamu anam (25 cents, anim)"
Binigay ko ang bayad pero hindi pa rin ako umalis do'n. Umupo ako sa gilid ne'to at kinain ko ang binili.
Wala na'kong mga magulang dahil namatay sila sa gera at inampon ako ng mga sundalo.
Ngunit, hindi biro ang nasa kamay ng mga Hapon sa dalawang taon na paghihirap. Kinupkop nila ako, pinakain at binihisan para sa huli kalabanin ang sariling bansa. Sa kabila ng lahat, hindi ko magagawang pagtaksilan ang bansa ko.
Tumakas ako at pumunta rito sa Pampanga. Hindi ko rin naman gustong pinapakain nga nila ako pero pinagmamalupitan naman.
Nagtrabaho ako ng kahit ano, para mabuhay. At masasabi kong nagbago ang buhay ko simula nang lumipat ako rito.
Labing-walong gulang na'ko at mas napalapit ako sa bakery na'to, bukod sa mura ang mga tinapay dito, eh sobrang sarap ng mga tinitinda.
Nang natapos ang pananakop ng mga Hapon sa ating bansa ay muling bumalik ang mga Amerikano sa Pilipinas at patuloy pa rin na nagsi-tayuan ang mga istraktura. napag-iwanan ang bakery na'to. Walang bumibili at nagiging luma na.
Sa bagong pinapasukan ko na isang coffeeshop at bakery, naka-ipon ako ng pera para sa pag-aaral ko. Pumasok ako sa sekondarya at naghanap ng iskolar. Sa umaga, isa akong baker sa isang bagong tayo na coffeeshop na amerikano ang may-ari. Pinagsasabay ko ang trabaho at pag-aaral hanggang sa nagbago ito nang pumasok ako sa isang bagong tayo na bakery, na Morning Shop.
"3 muffins and 2 cinnamon, please!" Narinig ko ito galing sa counter ngumiti ako at itinuloy ang ginagawa.
Ginilasan ko ang paggawa pero bakas ang saya ko. Habang nag-aaral ako, nagbabasa rin ako kung paano gumawa ng mga tinapay. Nag-ipon pa'ko para makabili ng libro bilang gabay.
"Yo, ako na diyan may pasok ka pa hoy", tumabi sa'kin si Felix, isa rin baker na tulad ko.
Lumingon ako sakaniya, "hindi ayos lang, hindi na muna ako papasok ngayon. Nagpadala na rin ako ng liham kay Profesor Asuncion na hindi ako makakadalo sa kaniyang pagtuturo" lumingon ako sa labas at binalik na ang tingin sakaniya, "maraming lumuwas ngayon kaya maraming kostumer" tsaka ako ngumiti sakaniya.
Dumaan ang mga araw, at hindi ko na naitapos ang kolehiyo. Bukod sa, hindi ko na masustentuhan ang sarili sa pag-aaral mas naging abala rin ako sa bakery.
Nakapila kami lahat ng mga empleyado habang ang nasa harap ay ang tagapamahala namin na nagsasalita na nagsasalita sa gitna.
Namimili siya ng ng sesisantihin niya at magpapasok ng bago. Para sakaniya, ang pabago-bagong empleyado ang sangkap para mas dumami ang mga kostumer.
Nang natapos na, lumabas muna kami ni felix para magpahangin.
"Diyos ginoo, kinabahan ako do'n ah! Akala ko mawawalan na rin ako ng trabaho", umupo si felix sa gilid at ako naman ay malalim ang iniisip.
BINABASA MO ANG
I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)
RomanceNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung wala sa mundo ang taong mamahalin mo, kung hindi nasa langit pala? A sossy, cold-hearted and insensitive...