Chapter 11

11 3 0
                                    


Third's POV

EARTH

Sunday ( 11:34 am)

"Nabalitaan niyo, sinugod daw si Ma'am Martha kanina sa hospital!" Bulong ng isang waitress na kasamahan ni Marites sa trabaho habang nasa burol sila at nakikilamay.

"Hala totoo? Parang noong isang gabi lang nag-eskandalo pala-"

"Shhh! Ano ka ba!" Pagpigil naman ng isa pa nitong kasamahan.

Bigla silang nanahimik nang napalingon sakanila si Marites.

Lumipas ang mga minuto at nagsi-alisan na ang mga nakiramay.

"Condolences" yumuko ang babae, "Kung nasaan man ngayon ang anak mo paniguradong payapa na siya at ligtas"

Pilit na ngumiti si marites sa mga bumisita sa burol ng kaniyang anak na si Gabriel.

"Abuloy namin, tes. Magpahinga ka rin, hija", bilin sakaniya ng isang kamag-anak niya na lumuwas pa galing probinsya.

"Salamat po", yumuko siya.

Tinapik ng matanda ang balikat ni Marites, "Alis na kami baka gabihin pa kami sa byahe"

Tumango naman ito.

Mag-isa nalang siya ngayon at halos kulang siya sa tulog, gano'n din sa kain. She feel so hopeless and lifeless without her son.

She suddenly cried out loud, seeing her son laying in a casket looking so pale and lifeless. She mourned the death of her son that she can't even bear to live anymore.

Tumayo siya at lumapit sa kabaong ng kaniyang anak, ayaw man niyang madampian ng luha ito pero hindi niya mapigilan.

"I...I'm so sorry, Gab! Sorry, hindi ka nabantayan ni mama. S-Sorry, anak! Sobra-sobra ang pagsisisi ko. S-Sana mapatawad mo si mama, a-anak!"

Patuloy siya sa paghagulgol at dinarama ang sakit at oras na nakikita niya ang anak bago ito ilibing.

Loosing someone without saying goodbye is painful. Like, something is missing and it's hard to find out.

Patuloy siya sa pag-iyak hanggang sa tuluyan siyang nakatulog. Katabi nang kaniyang anak, parang ramdam niyang niyayakap siya sa kaniyang pagtulog.

Umaasa siyang kahit sa panaginip makita man lang niya ang anak. Kahit makahingi man lang siya ng tawad dahil sa pagsisisi na nararamdaman niya.

Ngunit sa lalim ng kaniyang tulog, bigla siyang nakaramdam na may humahawak sakaniyang braso kaya naman nagisingbsiya at napasigaw.

"Gab!"

Hingal na hingal si Marites at nang bumaling siya sa braso niya ay may kamay na nakahawak.

"Marites, ayos ka lang? Binabangungot ka ata, tignan mo pawis na pawis ka!" Histerya ng bumisita sa kanila. Isa sa kaibigan ni Marites sa trabaho na si Mona.

"Wala may napanaginipan lang", sambit niya habang hinihingal pa.

Kumuha ng tubig sa Mona at binigay niya kay Marites, "Oh tubig, uminom ka muna", nagbuga siya ng hininga, "Tes, 'wag mo naman pababayan sarili mo, kung buhay si Gab hindi niya gugustuhing nakikita kang ganiyan", bumaling naman si marites sakaniya, "Sige na, magpahinga ka na muna. Ako muna magbabantay"

I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon