Martha's POVHis eyes stuck somewhere far. Para bang may inaalala siya nung nabubuhay pa. Ako naman tumitingin sa paligid at baka makita si Eli.
Really?! Why am I seeking his presence, now? Aba hindi ako ganito kapag may nakikilala akong ibang tao, get yourself back, martha!
Nagbuga ako ng hininga at bumaling nalang muli kay Sir ben na hanggang ngayon ay ang layo hg tingin.
I wonder what would be the lesson that I might learn from him.
"Piliin mong magpakatotoo sa mundong puno ng panloloko", he suddenly said na para bang narinig niya ang nasa isip ko.
Hindi nawala ang tingin ko sakaniya, "Minsan kase hindi natin pinapakita sa iba kung ano ang nasa isip at damdamin natin kaya akala nila sumasang-ayon tayo", tumingin siya sa'kin. "Kung may mali, sabihin mo. Pwede kang magtiwala pero kailangan mo rin alamin kung sino ang kakaibigan mo. Kung ayaw mo sa isang tao, sabihin mo. Martha hija, iyon ang katangian na meron ka noong nabubuhay ka pa. Kaya walang nagbabalak na manloko sa'yo, dahil totoo ka"
Napaisip ako sa sinabi niya. Kaya ba walang kumakaibigan sa'kin maliban kay Ezrah? Hindi dahil sa takot lang sila, kung hindi dahil hindi nila ako maloloko? Gano'n na ba talaga ang intensyon ng mga tao ngayon?
"Pero kailangan mong ipakita na may laman 'yan", tinuro niya ang puso ko. "Sa tagal ng panahon na nakasara 'yan, walang humamak na pumasok. Ganiyan din ako noon pero nang nakikilala ko ang aso kong si Pal. Natuto akong magmahal"
Bigla siyang tumayo at napatingala ako sakaniya, "Halika, may pupuntahan tayo"
Lumilinga-linga ako at baka makita ko sa Eli. Baka bumalik siya at makitang wala na'ko.
"Makikita mo ang hinahanap mo, hintay ka lang", kalmado ang kaniyang boses at walang ekspresyon.
I bit my lower lip, "Saan po tayo pupunta?"
"The last lesson"
I slowly stood up at sumama nga sakaniya. As we're walking in the park bigla akong nagtanong.
"Can I ask?"
"Go on"
"I was just curious, iyong batang lalaking nakita niyo po noong una kayong tumapak sa langit. Bakit hindi niyo po siya kasama ngayon?"
"He is now in the kingdom of almighty"
Tumango ako, "Eh bakit po kayo nandito, kung gano'n?"
"Upang makilala mo rito sa langit at bukod pa do'n, may hinihintay ako"
I pouted while thinking what would it be. Bigla ulit siyang nagsalita.
"'Yong batang nakilala ko rito sa langit, ay ang batang nakita kong nasagasan sa tren"
Napalingon ako sa sinabi niya and I felt goosebumps here in heaven!
"Ibig sabihin may connection ang bata sa inyo?" Sabay turo ko pa sakaniya.
Tumango siya, "Ang batang 'yon ay ang unang amo ni Pal. Inabandona siya ng mga magulang niya katulad ng aso. Kahit saan kami magpunta ni Pal, binabantayan niya ito. Kaya sa huling pagkakataon, nagpapasalamat siya dahil nasa mabuting kamay na ang kaniyang alaga"
BINABASA MO ANG
I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)
RomanceNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung wala sa mundo ang taong mamahalin mo, kung hindi nasa langit pala? A sossy, cold-hearted and insensitive...