Chapter 30

13 2 0
                                    


Lumipas ang linggo matapos ang kaarawan ni elma, hindi na niya muling nakita ang batang lalaking nakasama niya. Masayang masaya si elma sa mga regalo at pabating natanggap niya galing sa mga kalaro.

Nagdidilig si elma tuwing umaga at nakasanayan niya na ito. Bilang lang ang mga batang nakakasama niya kahit na maraming bata ang nasa bahay-ampunan. Iniisip ng mga bata na iba si elma sa kanilang lahat dahil malapit siya kay sister meralda. Kaya naman inakala ng ibang bata ay espesyal si elma.

“Kulang pa tayo ng isa. Uhm, paano n’yan?” tanong ng isang bata na naglalaro sa kaniyang mga kalaro.

Lumilingon-lingon sila upang makahanap ng isa pang bata upang isali sakanilang laro. Sakto naman ay nando’n si elma at nagdidilig.

Lumapit ang mga bata sakaniya at inaanyaya upang sumali. “Elma, gusto mo bang sumali sa amin? Kulang kase kami ng isa pa at kung papayag kang sumali ay kompleto na”, sambit ng isang bata.

Laking tuwa ni elma na tumango at abot-tenga ang ngiti. Hindi kase siya nakakapaglaro at tanging kasama niya ay si sister meralda. “Sige ba! Teka… magpapaalam lang ako kay sister meralda”

Nagtinginan muna sila bago sumagot kay elma, “Hm… Kailangan mo pa ba talagang mag-paalam kay sister meralda? Hindi ba ay hinahayaan niya naman tayong makipag-laro kahit kanino?”

Ngumuso si elma sabay tango, “Baka kase pagalitan ako ni sister dahil iyon ang sinabi niya sa’kin dati. Kailangan ko muna raw magpaalam sakaniya”. Ang totoo niyan ay inaasahan na ni elma na hindi siya papayagan ni sister.

Simula nang naaksidente si elma noong anim na taong gulang palang siya, pinagkasunduan nila sister na limitahan ang pakikipaglaro ni elma sa ibang mga bata at dahil do’n ay lubos ang pagsisisi ni elma sa kaniyang sarili dahil naparusahan pa ang mga kasama niyang kalaro.

Masunurin si elma at hindi ka makakarinig sakaniya ng pagreklamo.

Patuloy siya sa paghahanap kay sister meralda at nakita niya ito sa may opisina nila sister grace.

“Oh, elma…” pumasok siya sa opisina at nagmano kina sister grace at sa iba pang mga madreng andoon. “sandali lang ho sister grace”, permiso ni sister meralda at tumango naman si sister grace at hindi nawala ang tingin nito sa batang si elma. 

Lumabas na nga sina sister meralda at elma at doon na nagpaalam ang bata kung pwede bang makipaglaro sa ibang bata.

“Hindi pwede” tipid na sagot ni sister at lumuhod kay elma upang magpantay sila. “Naiinip ka ba? Tulungan mo nalang ako sa mga dekorasyon. May mga bisita tayo bukas, eh. Ano? Tara?” masayang tanong ni sister.

Gano’n nga ang ginawa ni elma. Sa oras na  sana ay naglalaro siya ay nauwi sa pagtutulong kay sister meralda. Sinabihan niya nag mga kalaro na hindi isya kasali ngunit naiisip ng mga ibang bata ay dinidistansya lamang si elma sa kanila.

Lumipas ang mga buwan, at mas nagiging mahigpit si sister meralda. Hindi niya ito sinasaktan o pinagbubuhatan ng kamay o kahit salita man lang ngunit napagdadamutan naman si elma ng kalayaan.

“Sister…” sa kalagitnaan ng pagbabasa ni sister meralda ng mga dokyumento sa opisina ay bigla siyang tinawag ni sister grace. “Kamusta na si elma?” tanong nito.

“Ayos naman po sister grace. Lumalaki siyang matalino at masunurin”, bakas sa mukha ni sister ang saya at pagiging kontento.

"Mabuti naman kung gano’n”. Sumimsim si sister grace ng tsaa habang pinapanood niya si sister meralda na ginagawa ang trabaho. “Lumalaki na si elma tulad ng mga ibang bata kaya naman ayos lang siguro sa’yo kung kasama na niyang matulog ay ang mga kasama niyang mga bata at hindi sa kwarto mo, sister”

I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon