"What?!" Natawa ako sa sinabi niya."W-Wala! Tama na, panalo na'ko", umayos siya ng upo at biglang tumayo tsaka niya nilahad ang kanang kamay niya.
Hinila ko ang kamay niya para maupo, "Hindi pa tayo tapos, mananalo pa'ko"
"Tss. Competitive talaga", ngumisi siya at tinuloy na nga namin.
Isa nalang ang sa'kin at lima pa ang sakaniya. Hindi, mahahabol niya pa'ko, may chance pa.
He faked his cough, "Have you ever tied in a situation wherein you have to saved yourself before anyone else?"
I pouted and blink my eyes. Iniikot ko ang mga mata ko at hindi binababa ang isang finger ko na para bang hindi para sa'kin ang tanong niya, tsk.
"Hey, walang madaya. Bawal 'yan dito", seryoso ang mukha niya pero ang tono bakas ang pang-aasar. Badtrip naman 'to!
Binagsak ko sakaniya ang tingin at mariin kong binaba ang natitirang daliri ko. Okay, he won.
I slowly clap my hands but I glanced at him with a sarcasm.
He crossed his arms and smirked, "What now?" He asked.
"Hindi ako naniniwala, kahit naman siguro sa isang pagkakataon nagawa mong piliin ang sarili mo laban sa ibang tao, right? Are you saint? A patron? Tsk, at once I'm sure naging selfish ka rin"
Umiling siya at malalim ang tingin niya sa mga mata ko na parang may hinuhukay. "Hindi ako gano'n"
I laugh bitterly, "I doubt it"
"I told you we are different", natahimik ako dahil sa ekspresyon niyang walang emosyon, "Nung buhay pa'ko, sinabi ko sa sarili ko na ako naman. Ako muna. Pero hindi ko kaya, parang habang buhay kong pagsisisihan ang hindi pagpili sa buhay ng ibang tao. I want them to live more so they can know what is the deepest meaning of life, it is not just about breathing and collecting the things you want. For me... Life is about love. If you have love, then you can survive"
Kumunot ang noo ko at hindi pabor sa sinabi niya, "Mali ka, Eli", his brows furrowed, "Money, money is the way for survival. Sa pera kahit ano pwede mong makuha at magawa. Kapag ba nasa mall ka sasabihin mo pabili po ng prada na bag, eto po yung bayad ko, pagmamahal. Keep the change. Like, hello? Sa mundo, hindi tinatanggap ang pagmamahal, dahil pera ang importante. Pera ang mahalaga para mabuhay"
"Pero nagiging masaya ka nga ba sa tuwing nakukuha mo ang gusto gamit ang pera? Tanong niya.
"O-Oo! Oo naman!" Sagot ko.
Tumango siya, "Kung gano'n, hindi ka nagsisisi na namatay ka na? Dahil sabi mo nga, masaya ka noong buhay ka pa dahil nakukuha mo lahat ng gusto mo. Hindi ba?"
Natahimik ako sa sinabi niya. Totoo nga ba? Na bago ako mamatay, nakuha ko ang gusto ko?
Tumango ako pero hindi ako sigurado.
He left a sighed. Tumayo siya at binulsa ang isang kamay at ang isa naman ay nilahad sa'kin. "Tara, may pupuntahan tayo"
"Wait... Uulitin na'tin ang laro, I-I'm...", nagtaas siya ng kilay, "not satisfied"
"Why?"
"Well, para mas makilala ulit natin ang isa't isa. Yeah, umupo kana". I smiled at him pero he look so serious.
BINABASA MO ANG
I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)
RomanceNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung wala sa mundo ang taong mamahalin mo, kung hindi nasa langit pala? A sossy, cold-hearted and insensitive...