Umiiling ako habang nakakunot ang mga noo ko. "H-Hindi... That's not true. You were lying. S-Si mommy ang first love niya! Alam ko 'yon! Since I was young, alam ko 'yon. I witnessed how they really love each other! How they look so sweet infront of me! Now, tell me. How is that possible? How can you say that? The only woman that my dad ever loved was my mom. Siya lang!"She bite her lower lip habang nangingiyak ang mga mata. Biglang bumigat ang pakiramdam ko at sumikip ang dibdib ko. Noong nabubuhay pa'ko... walang sinasabi sa'kin si daddy na may minahal siyang iba. Laging si mommy lang at alam ko 'yon.
I tried to speak again, "... and the man you're talking about is... My... Dad?!" I added.
Napataas ang boses ko at bigla siyang nagulat. I felt Eli's hand on mine. Ngayon ko narealize na hindi na nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.
Kahit na hinawakan niya ang kamay ko hindi ko na magawang maging kalmado. Like, for a moment I will explode because of my... Anger.
Now, my face were burning like Red. Nagsalita muli ako na para bang kailangan kong ilabas 'to.
"The moment I saw you, hindi nga 'ko nagkakamali. Lahat nakukuha mo. With these gold surrounded. You wanted to claim all. Eli... And now my dad?!"
"Wife...", Eli whispered.
Dahan-dahan humakbang papalapit sa'kin ang babae.
"Martha..." She whispered with a shock in her face.
Umatras ako. Bigla nalang akong may naalala noong nabubuhay pa'ko... Ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko. Ang pamilya ko.
I gritted my teeth. "Ibig sabihin... Ikaw ang kabit niya?!" I saw her eyes being teary, "You...", turo ko sakaniya at napatayo ako sa kinauupuan, "Liar"
Nalaglag ang panga niya, "T-This can't be happening..." She whispered, "You're not supposedly in here, darling" kalmado ang boses niya habang umiiling siya. "You're not supposedly to be mad... Anymore"
Bumagsak ng dahan-dahan ang mga balikat ko at nag-iba ang ekspresyon. At parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Gumaan ang pasan-pasan ko pero andito pa rin ang sakit.
Napaawang ang bibig ko na parang gusto ko pa magsalita pero wala ng lumalabas.
Bigla naman hinawakan na ni Eli ang aking palapulsuhan, "Martha..." Bulong niya sa'kin at humarap sa babae. "Excuse me".
Hinila niya 'ko at nakatulala pa rin ako sa babae papalabas ng kubo.
Dinali ako ni Eli dito sa mga hardin. Gulat pa rin ako at hindi ko alam bakit gano'n nalang ulit ako naging impulsive.
Galit pa rin ang nararamdaman ko sa loob dahil sa nalaman. Gulat naman dahil sa hindi ko malaman bakit gano'n ang inasta ko sakaniya, lalo na at nasa langit kami.
Kung sa mundo, normal ang magalit at magmura pero dito kahit gustuhin ko hindi ko magawa.
Pero ano 'to? Why I feel so alive?
"Martha..." Hinarap ako ni Eli at ako naman ay nakitingin sa pintuan ng kubo, "Hey, look at my eyes" pagsingit niya.
Tumingin ako nang dahan-dahan. I swallowed. "W-Why... Am I feeling this?" Biglang kinurot ang puso ko.
Oo... Galit ako dahil ang sakit malaman na iba pala ang sinasabi ng katotohanan sa matagal kong pinaniniwalaan.
I was betrayed by my own past.
BINABASA MO ANG
I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)
RomanceNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung wala sa mundo ang taong mamahalin mo, kung hindi nasa langit pala? A sossy, cold-hearted and insensitive...