Chapter 2

74 5 0
                                    


HEAVEN

I let him hold my hand and take me anywhere. Hindi ko rin naman alam kung saan nga ba talaga 'ko.

"Wait, I have a question," I said.

"Go ahead," nakapamulsa ang kanang kamay niya habang ang kaliwa ay hawak-hawak ang kamay ko.

"Meron bang tawag sa lugar na'to? I mean a specific place, something like that?"

He nod, "Meron naman depende sa lugar na gusto mong puntahan."

I widely open my eyes as I shockingly faced him. Is this somehow a place for travelers? May mga destinasyon din pala ang lugar na 'to, ang buong akala ko ay tuloy-tuloy ka lang sa paglalakad kung saan puro mga hamog at ulap lang.

"Paano 'yon?" nagtataka ko pa rin tanong.

"Saan mo ba gustong pumunta?"

Kumunot ang noo ko na para bang nag-iisip. "Hindi ko alam e. Wala naman akong alam at gustong puntahan."

"Then, I'll take you anywhere. Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Ako ang bahala," tsaka niya 'ko kinditan! Oh what the---

Naglakad na kami ulit at sumalubong sa'min ang makapal na abo. May pasand-effect pa. Grabe hindi ako makapaniwala na nasa langit na talaga 'ko. Kung man sinong may makapal at bukas ang palad, paki-sampal naman ako! Lalo na ngayon na may humahawak sa aking kamay, a man whom I guess... 30-years-old? Or just same age as me? Ang linis kase ng pangangatawan niya at ang ganda pa ng hubog ng katawan. Kung patay na rin siya, ibig sabihin... Sayang. Sayang dahil namatay agad ang tulad niya. Wait, tama na 'yan Martha! Nagkakasala kana naman at alalahanin mong nasa langit ka.

Sa aming paglalakad, nakapunta kami sa isang magandang tanawin na may dagat din dito.

"Is this a beach?"

Napaawang ang labi ko dahil matagal na rin akong hindi nakapunta sa beach at hindi lang ito ordinaryong beach, dahil para kang nasa paraiso ka sa sobrang linis ng tubig na kulay asul.

"Parang gano'n na nga. Isla Cerulean ang tawag dito, lugar na sa langit mo lang mapupuntahan."

"Really?" Naglakad ako at dinarama ang buhangin sa aking paa. Kumikinang ang mga ito at may bahid ng asul.

I stop when I noticed something weird.

"Bakit-" hinawakan ko ang mga kumikinang na buhanging asul.

Nag-iiba ang mga kulay. Una nagiging blue tapos nagiging white rin. Kaya naman mukhang mixed ang kulay ng sand. May halong blue at white.

"You're thinking why the sand is blue?"

"H-how?"

"Cerulean is a sky-blue color. Kapag pinagmamasdan mo ang kalangitan sa mundo, cerulean ang nakikita mo."

For the nth time around, I faced him with my disgusting weird expression everytime I get shocked. He chuckled to my reaction.

"Wow, I'm speechless," bulong ko.

Ibig sabihin ang Isla Cerulean ang nakikita ko sa tuwing tumingala ako sa langit?

Ngumiti siya nang nakita niyang manghang-mangha ako sa nadidiskubri. Habang ako, hinawakan ko pa ito at pinagmamasdan.

Pero napapansin ko na nag-iiba ito ng kulay. Ayon nga sa nabanggit ko, nagiging blue ang white at ang white ay nagiging blue sand? Wait... Now, I'm confused.

"Teka nga, bakit gano'n? Bakit yung ibang white sand nagiging blue?"

Hindi pa rin nawala ang tingin ko sa mga buhangin. Parang magic lang.

I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon