Third's POVSa bayan ng Oracio - isang lugar na kung saan nakatira o nakadestino ang mga militar at mga pulisya.
Tahimik at payapa sa lugar na 'yon ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na sa labas na puno ng katahimikan ay ang magulo at maingay na pamilya sa loob ng tahanan.
"Iyak na naman! Patahimikan mo 'yan! Oh ako ang magpapatahimik diyan sa anak mo!" Sigaw ng isang lalaki habang padabog na tumayo sa hapag kainin. Napapikit naman si Adina- ina ni elma habang mariin ang pagkakahawak sa kutsara't tinidor na sana'y ilalapag sa plato ng kaniyang asawa.
Patuloy sa pag-iyak ng isang one year old na bata na si elma sa kaniyang crib.
Lalapitan na sana ng ama ang anak pero biglang binuhat ito ni Adina at dinistansya sa asawa.
Alam niya na sa ano mang oras ay masasaktan ang kaniyang anak sa kamay ng kaniyang asawa. Nagawa na nitong saktan ang anak at maaaring maulit pa ito sa panibagong pagkakataon.
"Parang awa mo na balthazar, sundin mo ang napagkasunduan natin. Pagsisilbihan kita pero huwag kang lalapit sa anak ko." Matapang na sinabi niya ito habang nakatitig sa ibang direksyon.
"Hah!" Naglabas ng malakas at pilit na tawa ang asawa at hindi pinapakita ni Adina na naiiyak na siya. "Anak mo? Baka anak ko rin, yan! Kaya may karapatan ako sa anak mo!" May diin ang huling sinabi niya at napatingin sakaniya si adina na puno ng pagtataka dahil sa sinabi.
"K-Kahit kailan hindi mo tinuring na anak si Elisha. Simple lang ang hinihingi ko, balthazar. Maawa ka sa bata". Bakas ang takot ni adina sa kaniyang mukha ngunit hindi niya ito pinapakita sa kaniyang asawa.
Humahakbang papalapit si balthazar sa anak at asawa pero patuloy naman sa pag-atras si adina habang dumadaloy na ang kaba at takot.
At a sudden, he gripped the both cheeks of his wife with just one hand while the wife appear to refrain her senses thus unable to defend herself as well her daughter.
"B-Bitawan mo'ko... Balthazar y-yung bata s-si eli-sha naii-pit", pautal na nagsasalita si adina habang ang asawa niya ay nang-gagalaiti sa galit.
"Sinabi ko sa'yo hindi ba, na ipalaglag mo nalang 'yang batang 'yan. Alam mo naman na ayokong magkaroon ng batang babae, di'ba?! Makulit lang talaga ang ulo mo at binuhay pa 'yan kaya kung may pwedeng sisihin dito sa pamilyang 'to, ikaw 'yon!"
Kumuha ng pwersa si adina at naitulak ang asawa. Hingal na hingal siya habang hinehela ang batang umiiyak na si elma.
"Gusto kong pagbalik ko dito wala na 'yang batang 'yan. Naiintindihan mo?!" Sigaw ni balthazar.
Napatalon naman sa gulat si adina at rinig na rinig niya ang pintig ng puso niya. Lalabas na sana ng bahay si balthazar nang lumingon ulit siya sa mag-ina.
"Aalis ako at bibigyan kita ng oras. Oras para ilayo sa'kin 'yan. Kapag umuwi ako at andito pa ang anak mo, hindi lang mga luha mo ang lalaganap sa buong bahay na'to kung hindi dugo ng batang 'yan"
Mas napahigpit ng hawak si adina sa kaniyang anak at sa mga oras na 'yon hindi niya alam ano ang dapat gawin.
Hindi niya magawang ma-protektahan ang kaniyang sarili kaya wala siyang lakas upang protektahan ang anak sa abusado niyang asawa.
Hinang-hinang naglalakad si adina sa may terminal ng bus. Hindi niya alam saan siya dinadala ng kaniyang paa at wala na siyang sapat na lakas upang makapag-isip. Ang tanging nasa isipan niya, ay ang ilayo ang anak sa kaniyang asawa. Sa lugar na alam niyang maaalagaan ang kaniyang anak.
Huminto siya sa malaking gate na kulay itim. Inakala niya na isa itong mansyon o bahay ngunit nang may nakita siyang mga batang naglalaro at sa hindi masabing dahilan, biglang guminhawa ang loob niya kahit paano.
BINABASA MO ANG
I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)
RomanceNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung wala sa mundo ang taong mamahalin mo, kung hindi nasa langit pala? A sossy, cold-hearted and insensitive...