Elma and Eli started to show their affection although both of them aren’t aware and prepare. Ang alam nila ay magkaibigan sila at ayaw nilang mawala ang isa’t-isa. Pero ang hindi nila alam ay nabubuo na ang istorya sa pagitang nilang dalawa.When Eli met elma, he learned to love other people not himself alone. At a young age, he know how to become selfless.
“Ugh!” napadaing si eli. Nasa may narra tree sila at iniipitan ni elma si eli ng braid sa buhok.
“M-Masakit? Sorry…”
Umiling naman si eli, “Hindi man. Nabigla lang ako. Sige, ituloy mo”, tsaka siya ngumiti.
Ginantihan naman ni elma ng ngiti si eli. “’Wag kang matakot tinuruan ako ni sister meralda!” wika niyang may halong bilib sa sarili.
Tumawa naman si eli. Tuwang-tuwa siya sa tuwing nakikita ang kaibigang ngumingiti.
Ngunit, nag-iba ang ekspresyon ni eli nang may naalaala. “Elma, bakit nga pala kayo magkasama ni Joshua kanina?” ang tono niya ay may halong pang-intriga.
“A-Ah… Oo may sinabi siya sa’kin kanina. Hinintay pa nga niya ‘kong matapos kumain eh kase raw may mahalagang sasabihin s’ya”, wika ni elma habang tinutuloy ang pagtatali sa buhok ni eli. Habang si eli ay kung ano-ano na ang naiisip tungkol sa pag-uusap nila Joshua at elma kanina.
“Anong sinabi n’ya?” tanong ni eli.
“Ops! Secret lang! Sabi n’ya hindi ko raw pwedeng sabihin ‘yun sayo” tsaka siya ngumuso.
Napakunot naman ang noo ni eli, “Bakit naman hindi?” nag-iba na rin ang timpla ng mood ni eli.
Nagkibit-balikat naman si elma, “Hindi ko alam”. Sakto naman natapos ang pag-iipit ni elma ay biglang hinila ni eli ang kamay ni elma tsaka niya tinatapat sa dibdib niya.
Nararamdaman niya ang malakas na tibok ng puso no Eli.
“Eli tumakbo ka ba? Bakit ang bilis tumibok ng puso mo?” tanong ni elma.
Tinitigan ni eli ang mga mata ni elma habang hinawakan niya ng madiin ang kamay ni elma na nasa kaniyang dibdib.
“Tingala ka sa langit. Anong nakikita mo?” tanong ni elma.
Tumingala naman sa taas si elma at napapikit pa, “Nakakasilaw eli, ang sakit sa mata ng liwanag!”
Agad naman tinakpan ni eli ang mga mata ni elma gamit ang kamay nito.
“Wala naman akong makita ngayon, Eli. Ang dilim”Inalis na niya ang kanyang kamay sa mata ni elma at sinusuri naman ni elma sa mukha ni eli kung ano ba ang gusto niyang iparating.
“Maliwanag man o madilim, kahit na pumikit ako ikaw pa rin ang naaninag ko, elma. At sa tuwing nangyayari ‘yon, laging gan’to ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong problema sa’kin o kung may mali ba pero elma sa tuwing andyan ka, ramdam ko na lagi akong buhay”
“Anong sinasabi mo, eli?”
“Kaya kung may nililihim ka sa’kin, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan . Alam kong wala naman dapat akong pangambahan pero kapag naiisip kong may sikreto ka sa iba, gusto nalang kitang angkinin bigla”
Hindi man maintindihan ni elma ang sinasabi ng kaibigan, hindi rin alam ni eli kung ano ang nararamdaman n’ya kaya nasasabi n’ya ang lahat ng ‘yon.
Kaya mahirap para sa dalawa na malaman ang sagot lalo na at parehas pa silang bata pa.
Naguguluhan si elma sa mga naririnig sa kaibigan at naguguluhan din si eli dahil sa kaniyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)
RomanceNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung wala sa mundo ang taong mamahalin mo, kung hindi nasa langit pala? A sossy, cold-hearted and insensitive...