Benjamin's PoVNarito ako ngayon sa opisina ko. Habang nagtitipa ako sa aking laptop biglang may kumatok.
"Sir, I'll be informing you po meron kayong meeting kay Mr. Gonzales, uhm important meeting po 'yon and after po no'n meron kayong interview sa Filtered Magazin, featured daw po kayo for their new release"
Tumango ako isinara nang dahan-dahan ang aking laptop, "Anong oras 'yan?"
Tumingin ang sekretarya ko sa hawak-hawak niyang folder. "Around 2pm po ang kay Mr. Gonzales then 3pm naman po ang interview sir"
Muli akong tumango at tatayo na sana ako nang biglang nanikip ang dibdib ko. Lumapit sa'kin ang secretary ko upang alalalayaan ako at sumabay pa ang pag-ubo ko.
"Sir, magpahatid po kayo sa hospital. Matagal na ho yata kayong may nararamdamang kaka-iba. Ipatingin niyo na po sa doktor"
Imunuwestra ko ang palad ko bilang pagpigil sakaniya.
"Ayos lang 'to. May gamot ako sige na magtrabaho kana"
Binigyan niya akong tubig at natataranta siyang lumabas ng opisina ko. Sinandal ko ang aking ulo sa inuupuan ko at huminga ng malalim.
Binuksan ko ang drawer ko kung saan andoon ang mga gamot ko. Kumuha ako ng isang tableta at ininom ko 'yon. Dalawa nalang ang natitira at mauubos na ang gamot na binibay sa'kin ni arturo.
Ni-rekomenda ito ng kaibigan kong si Arturo. Salamat sakaniya at may mga gamot akong hindi na kailangan ng bayad. Iyon ang sinabi niya sa'kin, dahil kaibigan niya naman daw ako kaya libri na ang gamot ko. May kaibigan siyang doktor kaya naman pinagkakatiwalaan ko ang mga sinasabi niya.
Lalo na't wala akong pamilya, siya lang ang laging andyan para sa'kin at ang mga kaibigan niya ay nagiging kaibigan ko na rin.
Tumingin ako sa aking relo at medyo maaga pa kaya naman kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ko si arturo. Nakatatlong missed calls na ko sakaniya ngunit wala pa rin at baka abala sa meeting kaya naman nagsend ako sakaniya ng isang text.
To Arturo:
Maaari mo ba'kong padalhan ng mga gamot? Naubusan na'ko. Bayaran ko nalang ibibilin ko sa secretary ko. Salamat!Agad naman siyang nakapag-reply.
From Benjamin:
Gano'n ba, sige magkita tayo sa opisina ko, mga ala-una. 'Wag mo na rin bayaran ano ka ba. Magkaibigan tayo para ngang kapatid turing ko sa'yo eh. Tanggapin mo na bilang pagkakaibigan.Balak ko sanang umapila dahil may interview ako pero nakakahiya sakaniya lalo na't ayaw niyang ipabayad ko ang mga gamot.
Ginawa ko nga at dumaan muna ko sa opisina niya. Habang naghihintay ako sakaniyang opisina lumilipas ang oras at lagpas alas-dos na wala pa rin siya. Tinatawagan ko siya ngunit hindi siya sumasagot habang ang sabi ng kaniyang secretary ay papunta na raw.
Tumatawag na rin sa'kin ang aking secretary at ibinalitang andoon na si Mr.Gonzales habang ako ay umaaasang darating si Arturo.
Mag-aalastres na ngunit wala pa rin siya kaya naman napagdesisyunan kong umalis na. Tinawagan ko ang secretary ko at ibinalita niyang umalis na siya sa restaurant na madalas namin pagmeetingan.
Ipinagbahala ko ang mahalagang meeting para sa gamot.
"Sir, umalis na po si Mr. Gonzales. Diretso na po ba tayo sa office niyo?" Tanong niya sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)
RomanceNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung wala sa mundo ang taong mamahalin mo, kung hindi nasa langit pala? A sossy, cold-hearted and insensitive...