Ang pusong nabubuhay na puno ng galit at paghihinganti, ay ang pusong maaaring madurog sa huli.Ngunit, ang pusong 'yon ay nagbago. Sa pusong may malalim na galit. Na kung sino man ang manghimasok ay maaaring malunod. Pero may isang taong sumisid sa pusong 'yon.
Binago niya ang pananaw ko sa mga Salvedo. Hindi ko a-akalain na mamahalin ko ang isang anak nila at mas mamahalin ko pa.
Andito ako ngayon sa simbahan. Nakasuot ng kulay puting bistida at masasabi kong ito ang pinaka-paboritong damit ko ngayon dahil, binahiran ko ito ng katas ng mga bulaklak na binibigay sa'kin ni lucas noon.
Dinurogdurog ko ang mga bulaklak hanggang sa maging pino ito at ang katas nito ay pinahid ko sa buong bestida na'to.
Gusto kong dalhin ang mga bulaklak na binigay niya sa'kin na kung saan nanalantay ito sa aking damit.
Iniisip kong sa paraan na 'to, yakap-yakap niya 'ko.
Habang tinititigan ko si Lucas, bigla nalang akong naluluha pero sinilay ko pa rin ang ngiti sa aking labi.
He's wearing a tuxedo and his black hair were firmly fixed with his forehead being protrude that made him more handsome.
Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kaayos at mas bumata ang kaniyang itsura.
"Do you take Lucas Salvedo to be your husband, to cherish friendship and love today, tomorrow and for as long as the two of you live to trust and honor him, to love him faithfully, through the best and the worst, for richer or for poorer and through sickness and in health. Will you faithfully solemn yourself to love this man forever and ever?", The priest asked.
"I do", I mouthed while my tears continuously to pour.
Sa mga ngiti niya, ayos na'ko. Kahit pa ilang luha na ang ibuhos ko ngayon dahil ang importante magiging masaya siya.
Muli kong tinitigan ang singsing na suot-suot ko na binigay sa'kin ni lucas noon maayos pa ang lahat.
Noong tanging kaming dalawa lang ang meron sa isa't-isa at walang humahadlang.
Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa paninikip nito. Patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko kasabay ng pagbuhos ng mga ulan.
Hindi ko 'to alintana dahil gusto kong makita siya, makita siya sa kasal niya na hindi ako ang magiging kabiyak.
"Do you take Josefina Vicente to be your wife, to cherish friendship and love today, tomorrow and for as long as the two of you live to trust and honor her, to love her faithfully, through the best and the worst, for richer or for poorer and through sickness and in health. Will you faithfully solemn yourself to love this woman infront of you forever and ever?"
"I do", lucas said with a low baritone.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa sangay ng puno na tinataguan ko at naging malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha sa'king mga mata.
"If there are any objections, speak now or forever hold your peace", the priest added.
Kinagat ko ang labi ko at dali-daling tumakbo.
Tumakbo papalayo.
Sa bawat pagpatak ng luha ko at ang bigat ng nararamdaman ko tulad ng ulan na bumubuhos sa'kin ngayon, gusto ko nalang mawala.
Bigla akong napatigil dahil naging mabagal ang pagtakbo ko nang may sinabi ang pare. Hanggang dito ay narinig ko.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride"
Sa mga salitang binatawan ng pare, para akong pinagbagsakan ng kampana.
Naging musika ang kampana at sa mga oras na'to, tanggap ko na.
BINABASA MO ANG
I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)
RomanceNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung wala sa mundo ang taong mamahalin mo, kung hindi nasa langit pala? A sossy, cold-hearted and insensitive...