Nagustuhan ni elma ang kapayapaan na binibigay sakaniya ng lugar na ‘yon. Ilan linggo na ang lumipas at pabalik-balik siya kasama si elias.Alas-tres na ng hapon at muli silang magkikita para sabay pumunta, nagbihis si elma na maong jumper at inipit niya ng pusod ang buhok ng magkabilaan. Humagikgik siyang humarap sa salamin bago lumabas.
“Hoy, Eli lumabas ka d’yan nakita kita!” napakamot naman si eli habang lumalabas sa isang malaki at pabilog na poste. Tumawa naman si elma at sumasayaw pang naglalakad.
“Tss…” he hissed childishly. “Punta muna tayo sa silid-aklatan para kumuha ng libro bago umalis”. Kunot-noo naman si eli at para bang nabigo na naman.
“Ayos!” nagthumbs-up pa si elma at masaya niyang pinakita kay eli pero inis pa rin ang itsura. Bakas ang dismaya at pagka-pikon. Kaya naman nagtaka si elma sa itsura ng kaibigan.
“M-Musta na pala sugat mo?” biglang tanong ni elias. “Patingin nga…” hindi siya pinatapos ni elma at huminto siya sa harap ni elias.
Hinarangan siya ni elma nang nakapamaywang. Nagtaas naman ng kilay si eli sakaniya, “Hm… anong ginawa ko sa’yo?” tanong ni elma sabay nguso.
Tinignan ‘yon ni eli at suminghap tsaka tumingin sa ibang direksyon.
“’Hindi na kita nagantihan lagi mo nalang akong nakikita kapag nagtatago ako”, bulong ni eli na para bang nagsusumbong siya.
“Huh? Bakit mo naman kase ako gagantihan?” tanong ni elma.
Napatingin na si eli sakaniya, “Naaalala mo nung nasa loob ako ng simbahan kasama ko si josh at si kuya luke tapos bigla mo’kong ginulat sa likod! ‘Y-Yan tuloy… inaasar na’ko nila kuya luke”, dismayado at pagkahiya naman ang naging tono ni eli.
“Ngek! Eh bakit ka nila aasarin eh lahat naman tayo nagugulat ah?”
Sa totoo n’yan, nang ginulat ni elma si eli noong nakikipag-kwentuhan siya kina luke at josh ay napasigaw si eli at ang pangalan ni elma pa ang nasabi niya. Kaya naman tinutukso siya nila luke na dahil lagi niyang iniisip si elma kaya ‘yon ang nasabi niya.
Nagbuga naman ng hininga si eli, “Hayaan mo na ‘yon. Tara na nga” hinawakan nalamang niya ang palapulsuhan ni elma at naglakad papunta sa silid-aklatan.
“Hmp, okay!” kibit-balikat ni elma at napatingin sa kamay ni eli na hawak-hawak ang kamay niya.
Nang nakapasok na sila sa silid-aklatan, nanlaki ang mga mata niya at napangiti. Napatingin naman sa kaniya si eli at nagtaka kaya naman sinundan niya kung saan nakatingin si elma.
Nakita ni elma si David na naka-upo at iniikot ang tingin na para bang may hinahanap.
Nanliit ang mga mata ni eli sa batang lalaking tinititigan ni elma at mas kunot noo-ng naglakad nang hindi niya pa binibitawan ang kamay ni elma.
Kumaway si elma, “David!” sigaw niya na napatingin sakaniya ang ibang mga batang tahimik na nagbabasa kaya naman napatikom siya ng bibig.
Tumigil sina eli sa paglalakad at lumalapit naman si david na hindi nawala ang tingin kay elma. Ngunit napukaw ang atensyon ni david sa kamay ni eli na hawak ang kamay ni elma.
“David! Hindi na kita nakita! Anong ginagawa mo dito?” inosenteng tanong ni elma habang malalim ang tingin ni david sa batang si elias.
Bumaling na siya kay elma tsaka ngumiti. “Hm, hinihintay kita” wika niya.
“Talaga?” gulat na tanong ni elma at kinagat ni eli ang kaniyang pang-ilalim na labi, “Ah! Oo nga pala david, si elias bagong kaibigan ko. Uhm, kaibigan mo na rin siya!” masayang sinabi ni elma.
BINABASA MO ANG
I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)
RomanceNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung wala sa mundo ang taong mamahalin mo, kung hindi nasa langit pala? A sossy, cold-hearted and insensitive...