“Sunog! ‘Yung mga bata! Tulong!” Isang madre ang sumisigaw. Nagkakagulo ang mga madre at mga bata sa bahay-ampunan.May mga batang bumili ng paputok at hindi iyon alam ng mga ibang madre kaya naman palihim ang mga batang nagpaputok ng fireworks sa may balcony. Ngunit nang may natamaan silang wire circuit na nakalaylay lalo na’t masyado silang malapit sa mga kuryente, doon nagsimula ang trahedya sa loob ng bahay-ampunan.
“Mang kalos… S-Sunog ba ‘yon?” biglang tanong ni Joshua habang nasa may truck sila pabalik sa ampunan.
Napatingin naman ro’n si Elias napakunot ang noo.
Napalunok naman si mang kalos at biglang binilisan ang pagtakbo ng sasakyan. Doble-doble ang kaba ng dalawang bata at hindi magawang makapag-salita. Mahigpit naman ang pagkakahawak ni elias sa pintuan habang nakadungaw sa may bintana.
Nang nakababa na sila sa may labas ng ampunan, nakompirma nga nilang nasusunog ito.
“Elias, Joshua! Sandale!” sigaw ni mang kalos at bigla naman silang tumakbo sa loob ng ampunan. Para bang nag-uunahan sa kung sino ang sasagipin at kung may magagawa ba sila sa laban ng sunog.
May mga madre sa isang sulok at iyon ang mga madreng pino-protektahan ang mga bata laban sa sunog. Ngunit, may mga madreng nakakalat at patuloy sa paghahanap ng mga ibang bata.
“Kuya! K-Kuya Luke! An… Andito na’ko!” sigaw ni Joshua habang bumubuhos ang mga luha.
“J-Joshua… Joshua hijo saan ka pupunta?! Sigaw ng isang madre at hindi naman ito pinakinggan ni Joshua at pumasok sa loob ng simbahan.
Pumasok si Joshua sa may simbahan na kalahati na ang nasusunog. "Kuya! Kuyaaaaa!” nababasag na ang boses niya pero hindi pa rin siya sumuko at siya'y nauubo na dahil sa usok.
Parang isang domino ang sunog… sunod-sunod at patuloy ito sa paglaganap .
Meron siyang narinig na sirena na sa tingin niya ay bumbero ito.
May sumunod sa kaniyang isang madre, iyong madre kanina. Hinihila niya si Joshua palabas n simbahan ngunit nag pupumiglas siya.
“W-Wala dito ang kuya mo!” sigaw ng madre at napatingla naman sakaniya si Joshua. “H-Halika na...”
Hindi niya alam at bigla siyang nanghina. Inalalayan naman siya ng madre at dumaan sila sa gilid ng simbahan sa parte kung saan hindi gaanong malaki ang sunog.
Nasunog ang kabilang binti ni Joshua kaya naman iika-ika siya maglakad. Ngunit, hindi siya pinabayaan ng madreng kasama niya. Sakto naman ay may dumating na mga bumbero para pakalmahin ang sunog sa chapel.
Hinang-hina si Joshua at hindi alam anong gagawin dahil hindi niya pa nakikita ang kuya niya na ligtas.
“Meron nakitang isang katawan!” sigaw ng isang bumbero at sa tabi niya ay may isang bumberong buhat-buhat ang isang lalaking may sunog sa ibang parte ng katawan.
Inalis ni Joshua ang pagkakahawak sakaniya at kahit hirap ay pinilit niyang tumakbo papalapit sa bumbero.
Dinaluhan ito ng mga ibang madre at sakto namang may dumating na ambulansya.
Malabo na ang mga paningin ni Joshua at ang nakikita nalamang niya ay ang isang lalaking walang malay at sunog-sunog ang katawan.
Nang nakalapit siya, tila ba pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Isang lalaking hindi na makikila dahil sa sunog na katawan habang may yakap-yakap na isang sketch pad.
“S-Sandale…”bulong niya habang hinahabol ang paghinga, “Sandali, kuya ko ‘yan! Kuya!” sumigaw na siya at sa mga oras na ‘yon nagawa niyang maging malakas, malakas upang umiyak at manghina.
BINABASA MO ANG
I Love You, In Heaven(ILM SERIES #1)
RomanceNOTE: CONTAINED EXTREME EMOTIONS, LANGUAGES, FLAWED CHARACTERS, UNREALISTIC EVENTS & ROLLERCOASTER PLOT. SO, READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung wala sa mundo ang taong mamahalin mo, kung hindi nasa langit pala? A sossy, cold-hearted and insensitive...