Reckless 43

58 7 2
                                    

At exactly 3:00 a.m. lumabas na ako ng kastilyo. Tangan ang isang maleta. I asked one of our pilots para ihatid ako sa pinakamalapit na airport. I took a straight flight to the Philippines and it will take time.

Pagkalapag ng chopper ay agad akong umupo sa waiting area. My flight will be 15 minutes from now. While sitting there, pinagdiskitahan ko ang phone ko. And I saw tons of messages coming from my friends. Nag aalala sila sakin nung nakidnapp ako. Hinanap pala ako ni Steven sa kanila. I just sent them an apology and assured them that I am fine. Hindi pa ako pwedeng makipagkita sa kanila. I still have unfinished business.

"Calling the attention of passengers of flight B384 bound to the Philippines. Please proceed to gate 3." Ang anunsiyo na yun ang nakapagpabalik sa isip kong naglalakbay.

(Gawa gawa ko lang ang flight number na yan ha? Hindi ko alam kung tama ba. 🙄)

Naglakad na ako papasok ng gate 3. Matapos ang maraming checking ay nakaboard narin ako sa eroplano. This time ay wala akong disguise. Wala parin namang nakakakilala sakin dahil nga nakadisguise ako palagi kapag nagpapakilala bilang Empress ng Mafia. I colored my hair back to its original and I wore light makeup.

"Welcome aboard. This is flight B384, non-stop, bound to the Philippines. Please put on your seatbelts and place your luggages on the head bin or under the seat in front of you. This is Captain Alvarico, your pilot for this trip. Have a nice flight ahead!"

(Tama ba yung pinagsasabi ko? Pasensiya na wala pa akong masyadong alam sa flight flight na yan guys. Magreresearch palang ang ate niyo. 😂😂)

Naramdaman ko ang unti unting pag angat ng eroplano sa ere. Pinikit ko muna ang mga mata ko at nirelax ang sarili ko. Hindi ko namalayang nakatulog ulit ako.

Lunch time na nung may nangalabit sakin. Stewardess pala ng plane. Base sa nameplate niya, she's Yssa.

"Ma'am would you like to have something to eat?" Magalang na tanong niya. In fairness sa kanya ha? Maganda siya. Halatang half blood. Matangkad, matangos ang ilong, perfect ang curve ng kilay, mahahaba ang pilik mata at sexy. All in all, isa siyang anghel na naglalakad.

"Uhmm... I would like to have some chamomile tea and ham sandwich please."

"Would that be all ma'am? It's already lunch anyway." Mahinang inusal niya yung huling parte.

"Yes miss. I am not in the mood to eat heavy lunch. I prefer light snacks instead. Can you also give me a pack f gummy bears or gummy worms too?"
Tumango naman agad siya. Ewan ko ba. Gusto kong kumain ng gummy ngayon.

Minutes later and she served me what I ordered. Isang maliit na tea pot kung saan binrew ang tsaa tapos plato na may tatlong ham sandwiches at tig isang pack ng gummy bears at gummy worms. Nagpasalamat naman ako sa kanya bago siya tumango at umalis na para icheck ang iba pang pasahero.

I opened my watch and checked kung asan na kami. Remember my watch that is a secret computer? Yes it is what I'm wearing now. Malayo pa pala kami. Kahit mag zumba pa siguro kami dito sa loob ng eroplano ay talaga namang kaya pa kahit sampung kanta ang iplay. Psh! Nakakabagot pala. Mabuti nalang at sinidate nila ako nung dinala nila ako sa isla dahil kung hindi, malamang nagreklamo na ako dahil sa sobrang pagkabagot at pagkaburyo sa loob ng eroplano.

I just decided to read some files regarding my mission this time. Hinahanapan ko parin talaga ng butas ang mga pangyayari. Pero kalaunan ay nawala din ang atensiyon ko doon ng biglang may nagtitili. Syempre may pagkachismosa ang ate niyo kaya nakiusyoso narin. Malay mo ano nang ganap diba?

And I was shocked. May isang babae kasing manganganak na sa may ally. Nagkakagulo ang mga tao at ang iba naman ay nagpapanic na. Pinakakalma naman sila ng mga steward at stewardess ng eroplano. May isang gwapong lalaki ang lumapit sa babaeng manganganak.

Agad na may inilabas na stretcher at mabuti nalang may isa pang spare room na walang nag oocuppy kaya doon muna paaanakin ang babae. Napag alaman ko na doctor pala yung lalaking lumapit. Pero nagulat ako nung bigla niya akong hinaklit saka dinala rin sa silid kung saan paaanakin ang babae.

"Te..teka lang.." pilit kong tinatanggal ang kamay niya na nakahawak sa palapulsuhan ko.

"We can't waste a minute miss. I need you to help me. Just assist me." Sabi niya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang umoo nalang. Mabuti nalang pala at doctor si mommy kaya maalam din ako sa ganito. Nasubukan ko narin kasing sumama sa mga medical mission nila ni daddy noong highschool palang ako.

Pagkarating namin sa silid ay agad na nagsuot siya ng gwantes. Binigyan niya rin ako ng isa at dali dali ko namang isinuot. Namimilipit na sa sakit ang babae.

"Kalma po tayo ma'am ha? In one, two, three. Iri po!"

"Hhhmmmmmpppp! Ho! Ho! Ho!"

"Iri pa ma'am nakikita ko na po ang ulo ng bata." Mas ibinuka pa niya yung legs ng babae.

"Aaaahhhhhhh!!" Her cries made my heart constrict. Nakahawak na siya sa side ng higaan at tagaktak na ang pawis niya. Namumutla narin siya saka ang dami na ng dugo.

"Ready the IV fluids." Utos niya sakin.

"Asan?"

"May nakalagay jan sa itim na bag na yan. Tapos yung dissecting kit narin jan."

"Ha? Bakit dissecting kit?"

"Yun lang ang meron ako. Pakikuha ng forceps saka yung scissors jan."

Kinuha ko naman agad ito. May alcohol narin akong inihanda saka towels narin.

"May sinulid ka ba doc?" Tanong ko sa kanya?

"Aanhin mo?"

"Wala tayong umbilical clip. Hindi naman pwedeng yung forceps ang gamitin natin hanggang makarating tayo sa airport dahil medyo may kabigatan ito at yung umbilical cord ni baby ay malambot pa."

"Maghanap ka sa labas. Wala akong dala. Bilisan mo." Talaga naman kung makapag utos si Doc ha? Tsk!

Lumabas ako ng room saka humingi ng sinulid sa isang stewardess. Buti nalang at meron sila nun. Agad akong bumalik at inihanda ko rin ang sinulid. I made a strong and thick 9 inches long na pantali gamit ang sinulid na paulit ulit na pinagpatong patong.

Nailabas na naman yung baby. Agad kong inabot yung scissors at forceps kay doc. Gamit ang forceps ay kinlip niya yung umbilical cord saka namin tinalian gamit ang sinulid at pinutol na nga.

Agad naming inilagay sa may chest ng babae yung baby niya na niyakap naman niya at naluluha pa siya habang pinagmamasdan ito. It touched me seeing a mother's love to her child.

Nilinis na ni Doc yung ibang mga kalat doon. Saka nilagyan ng towel ang baby para hindi lamigin. Wala kasing dalang kahit anong gamit ng bata ang babae dahil hindi pa naman daw niya due ngayon pero napaaga yata ang panganganak niya.

Inirecord ni Doc ang oras ng pagkakapanganak kay baby saka kinabitan ng suwero yung babae na ngayon ay nakatulog na dala ng pagod.















🍁🍁🍁🍁🍁
There it is!

Shameless exposure pala sa mga characters ng papalapit ko na story na gagawin. Sana ay abangan niyo yung mga yun.

Starring:

Yssa (Stewardess)
Captain Alvarico (pilot)
Doctor Clifford

Lalabas po sila sa series na gagawin ko which is Entice Men Series.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon