Reckless 9

153 30 4
                                    

Location:

Underground Main Office. Prime Tower.

°•°•°•°•°•°•°•°

Nakaupo sa kanya kanyang seat ang tinaguruang hukom ng underground society. Sila ang labindalawang sumisimbolo ng katiwasayan, kaayusan, integridad, pagyabong, kayamanan, lakas, impluwensiya, katapangan, tatag, pagkakapantay pantay, kapangyarihan at hurisdiksiyon.

Nakaupo silang lahat na animoy may malalim na iniisip. Kasabay ng pagbuntong hininga ng pinakamakapangyarihang hukom na hukom ng hurisdiksiyon ay pagbukas ng main portal ng silid na iyon.

Umabot kasi sa kanila ang balita tungkol sa pagkabura ng AIP Mafia kasama na ang pagkamatay ng pinuno nito na si Harry Morton. Nakita ang labi nito na palutang lutang sa dagat.

At ang binatang bagong dating ang alam nilang may gawa nito.

"My greetings, highest masters." Wika ng bagong dating.

Sumenyas naman ang hukom ng kaayusan na maupo ang huli na agad namang tinalima. Nakaupo ang mga hukom sa isang paarkong stage.

"Is it true that you killed Morton?" Tanong ng hukom ng katiwasayan.

"Si signor!" Pagkumpirma naman ng inakusahan. Puno ng kumpyansa sa sarili at hindi ito takot dahil sinalubong niya ang tingin ng mga hukom na siyang iniilagan ng karamihan.

"And what is the reason for that reckless move?" Umigting ang panga ng hukom ng kapangyarihan.

Initsa ng huli ang note na kinuha niya sa bulsa ng kanyang coat. At agad namang pinagpasapasahan ng labindalawang hukom. Pagkatapos nilang mabasa ang sulat na iyon ay napapasinghap sila, mamumutla at manlalaki ang mata.

"Explain." Mahinahong utos ng hukom ng impluwensiya. Pero hindi mo maitatago ang panginginig ng boses nito.

"Sirs! It was never my intention to take charge over higher underground matters. But forgive me for I did not refrain myself from doing so. It is clear in that note he sent that he wants me dead. And I cannot let that matter slide." Pagdedepensa niya sa sarili.

Ang note na yun ay naglalaman ng pagbabanta at opisyal na simbolo ng kamatayan ng underground society. Isang nakababahalang usapin.

Nangangahulugan lamang ito ng pagsuway sa kataastaasang batas ng underground society.

"Did you do... Wipeout?" Tanong ng hukom ng pagkakapantay pantay. Nangunot ang noo nito sa antisipasyon sa sagot ng huli.

"No sir. There are five of his men still alive. And I know that I never violated that rule of wipeout. Only I admit my self wrong from ending a higher underground matter." Animo nagsasalaysay lang ng naubos na paninda.

Napabuntong hininga ang mga hukom. May punto ang binata. Hindi nga niya nalabag ang rule na iyon. He is indeed a genius one. Sa loob ng sampung taon na pagiging kasapi ng underground society ay saulado na niya ang mg protocol na pinatutupad dito.

Sa edad na labingwalo siya napasapi sa organisasyong ito. Hindi na katakataka ang katalinuhan at abilidad niya.

He is just 27 but he is one the of the most powerful and influential leader of Mafia. At hindi ito basta bastang naaabot ng kung sino man. Most mafia bosses ay nasa edad 30 pataas at siya, naging Mafia boss na sa edad na 18.

"I was disappointed to know that we can't decide whether what will we do with Morton. But since your intentions were clear, we understand. But I don't let it slide either. I will not freeze your businesses because I am afraid that it will destroy the balance on the world trade. After all you hold most influence in that field.

I decided that you will still get all of Morton's power and treasures. But you will not raise your position this year. You can't participate in any rank up on the society. And one more thing,  you will not commit any violations or it will be your end." Desisyon ng hukom ng hurisdiksiyon.

"I oppose signor! Why can't I just get rank up? I don't want Morton's money. Please reconsider!" Nagulat naman siya sa desisyon ng hukom. Hindi niya matatanggap na mananatili siya sa isang posisyon lamang. Matapos niyang gawin ang lahat ng pahahanda para dito.

"That's final Wolfgang!!" Umalingawngaw ang sigaw ng hukom ng hurisdiksiyon. Tanda na pinal na ang desisyon.

Wala nang nagawa ang huli sa desisyon ng hukom. Pinal na ito at di na mababago pa.

He did his last bow to them and left the room immediately. Ayaw na niya ng pagsasayang ng oras. After all, marami pa siyang aasikasuhin at sumaglit lang siya para paunlakan ang tawag ng mga hukom.

They want to have audience with him to confirm everything. At hindi naman sila nabigo.

"He never  wants to loose." Sabi ni George Davies.  ang hukom ng katiwasayan. Napapakot pa ito ng noo. May katandaan na ang lalaki. May swabeng bigote.

"That young man surely will be successful in getting what he wants." Usal ni Damian Wilson ang hukom ng kaayusan. Nakasuot ang matanda ng malaking salamin sa mata.

"Si! He never wants to stay in one low position." Napapahilot ng sintido ang hukom ng integridad na si Liam Rodriguez.

Sabay silang napabuntong hininga. Namomroblema sila sa pasaway na batang yun. They all act as his parents before they were elected as the next masters of underground society.

Alam nila na sa oras na buo na ang desisyon nito ay hindi na ito mababago pa. At kailangan nilang bantayan iyon.

Bantayan ng maigi ng hindi ito mapahamak. Lalo na at alam nila ang naganap tatlong taon na ang nakakalipas ang siyang dahilan kung bakit nito gusto na umangat sa pwesto sa underground society. Ang labis na nagustuhan na maghiganti at alamin ang katotohanan sa likod ng insidente.

'You need to slow down young man. Hindi magugustuhan ng taong yun ang lahat. Kailangan mo pa ng ibayong kapangyarihan para makapaghiganti. You need to think straight boy. After all bata ka pa naman. But you are indeed hard headed Laurice Adam Steven Wolfgang.' sa isip isip ng ninong niya. Ang hukom ng hurisdiksiyon.

Tinanaw nalamang nila ang papalayong pigura nito. Kasabay ng pagsara ng portal ang pagtayo naman nila. Kabilang na si Wolfgang sa mga binabantayan nila.

Malihim man ito pero walang nakakalusot sa kanila. Tinungo na nila ang kanya kanyang opisina para magtrabaho sa mga nakabinbing papeles ng underground society.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon