Reckless 35

76 14 0
                                    

May nabasa akong comment na gusto niya raw makita ang abs ni Steven. Pwes eto na be! Topless na topless yan. 😝 (See multimedia above)
~~~~~~~~~~~~~




Nagtungo kaming dalawa sa labas para kumain. Pero napagpasyahan kong dalhin nalang siya sa isang karinderya dahil yun ang pinakamalapit at gutom na gutom na nga ako. Naka t-shirt lang siya at itim na pantalong maong.

Pagkarating namin sa lugar, napansin ko agad ang paggala ng mga mata niya sa paligid. Nang masigurong walang banta ay saka siya pumasok ng lugar. Pero agad sumama ang mukha niya.

"Ano pang tinatanga tanga mo diyan? Halika na dito. Ayan upo!" Hinigit ko siya paupo sa bangko. Magkaharap kaming dalawa sa may dulong mesa.

"Dito ka lang ha? Mag oorder lang ako. Ok?" Bilin ko sa kanya saka naglakad na patungo sa kung saan naroon ang estante ng mga nakadisplay na ulam.

"Ate apat na kanin po. Isa nito, isa nito. Saka apat po nito. Dalawang malamig na coke narin po."

Agad namang naibigay ang order ko saka ko ito ipinalagay sa mesang inuokupa namin. Ng makaalis ang nagserve ay kumuha na ako ng kanin at ulam saka ako nagsimulang kumain. Pero nagtaka ako dahil hindi man lang siya kumuha ng pagkain. Naguguluhang nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Bakit di ka kumakain?"

"Is this really edible?" Tanong niya na nagpanganga sakin.

"Nakita mo namang kumain ako diba? Ano bang problema?"

"Y..you know. What's that brownish, I mean black food and this orange I don't know... And this..." Gusto kong bumunghalit ng tawa dahil para siyang ewan na nakacontort ang mukha habang nakaturo sa mga inorder ko.

"Ehem! This one is dinuguan. Made from pork entrails and blood. This is bopis (tama ba spelling? 😅). And this  are my favorite inihaw or pork barbeque. Come on try it. Masarap ang mga yan." Nag aalangan man ay naglagay siya ng kanin at barbeque sa plato niya. Pansin ko lang na ayaw niyang kainin ang dinuguan.

Kaya nakaisip ako ng malagim na plano. Mwehehe! Saktong pagkanganga niya dahil sususbo na sana siya ay bigla kong pinasak sa bibig niya yung kutsara kong may dinuguan.

Napaubo siya at nabilaukan dahil nagulat nga siya kaya imbes na manguya ay lulon agad. Agad kong inabot ang tubig sa may pwesto ko.

"Sorry. Sorry. Ikaw kasi eh. Ayaw mong kumain. Masarap naman diba?"

"Ehem! Ehem! It's.. it tastes good." Sabi niya saka nagpatuloy ng kain. Napangiti ako. Matapos naming kumain ay nagtungo ulit kami sa may counter para magbayad na.

"Here." Inabot niya sakin ang card niya.

"Anong gagawin ko diyan?" Takang tanong ko.

"Pay."

"Pftt.. hindi sila natanggap ng card. Cash lang. Ate magkano po yung sa table 23?"

"200 lahat iha."

"Heto ho." Sabay abot ko sa kanya ng pera. Pagkalabas namin ng karinderya ay nagulat ako nung magtanong siya.

"Are you sure, it's just 200? I mean, we ordered 10 servings of food and..."

"Yes. Mas mura kapag sa karinderya ka kumain kesa sa mga kilalang restaurant. Kasi sa mga restaurant pati pangalan nila binili mo. Saka mas mahal ang renta ng mga yun sa kinatitirikan ng establishimento nila." Napatango tango siya habang nakikinig sa paliwanag mo. Tsk! Di ko alam kung tatawa ako o maaawa sa kanya dahil nga ang ignorante niya sa mga bagay na to. Kung sabagay, ikaw ba naman ay kumita ng milyones kada araw.

Lulan na kami ng kotse nung biglang nagring ang phone niya.

"Sagutin mo na kaya?" Sabi ko na tinalima naman niya.

"Hello?"

"What?!"

"Ok ok. I'll be there." He heaved a deep sigh. Alam kong malaki nga ang problema.

"Bakit daw? May nangyari bang masama kay Loraine?"

"No. It's not in the island darling. The HQ is now under red alarm. The Killer Eagle Mafia is on the move and they are doing everything to destroy me."

"Bumalik ka nalang kaya doon? Mahihirapan ang mga tao mo na depensahan ang base niyo."

"I should but I can't let you be alone here. There might be..."

"Walang mangyayaring masama sakin. Sabi mo nga diba? Ang HQ ang inaatake ngayon. Ibig sabihin lang non, hindi nila ako kilala. Don't worry Steven. I'll be safe." I assured him and held his hand. Labag man sa kalooban niya ay kailangan niya naring magmadali. Eksaktong ibinaba niya lang ako sa building ng condo unit ko ay pinakaripas na niya ng takbo ang kotse.

Pumasok na ako ng building pero napansin kong may lalaking nakatayo sa may hagdan ng emergency exit. Nakasuot ito ng itim at blue na terno at may earpiece. Ay aba! Pormado si koya ah! Pero nang napadako ako sa elevator, bago pa man sumara ay may humarang na kamay dito.

Pumasok yung si kuyang naka outfit. Mariin niya akong tinitigan. In fairness naman sa kanya, may panlaban din naman ang face niya.

Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa mga numero ng floor na daraanan namin. Nasa 35th floor pa kasi ang unit ko. I was busy tapping my foot when he pressed the earpiece.

"Sir. Target confirmed." Sabi niya. Ay detective pala siya. Perfect!

"Si no me equivoco. Si!" Hala spokening foreign pa homaygad! Lumingon siya sakin kaya ibinaling ko sa iba ang paningin ko.

"¿Quién sabe?"

"¡Y tanto!" Saka niya ulit pinress yung button ng earpiece niya. His eyes travelled along my body. Saka nagtagal sa may dibdib ko. Patay! Rapist pa ata si kuya. Naiilang narin ako sa distansya namin kaya laking tuwa ko nung biglang tumunog at bumukas ang elevator.

Dali dali akong naglakad palabas niyon pero napansin ko parin ang pagsunod nung lalaking mukhang detective.

"Excuse me." Sabi niya. His accent is thick. Alam mo na agad na hindi palasalita ng English.

"Y..yes?" Kabadong tanong ko pabalik. Syempre may respeto parin naman ako kaya ako nasagot.

"Perhaps, uhmm... Are you Señorita Guevara?"

"Ha? Yes why?" Alanganing tanong ko. Señorita na naman.

"I see. It's an honor meeting you face to face Señorita. But do forgive me for interrupting your business today. I am just under order from the higher council."





🍁🍁🍁🍁🍁

Oh lala! Ayan na be! Ano na? May nahihinuha na kayo?

New goal! Reach 2k reads before I post the next Chapters. 3 Chapters na pinost ko tonight kasi marami ng nakahandang ipost dito. 😜



RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon