Samantha's POV
Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay saka ko naisipang lumabas para sipatin ang sarili sa vanity mirror. Napangiti ako sa repleksiyon doon.
May kumatok sa pinto kasabay ng pagbukas nito ang pagpasok naman ni nay Elsinore.
"Ang ganda mo talaga iha."
Napangiti naman ako sa komento niya. Hindi naman ako gaanong kagandahan.
"Ah.. nay Elsinore, ilang katulong ba ang nandito sa bahay na to?"
"Merong dalawang chef dito, isang tagahugas ng plato, Sampung tagalinis ng bahay, Labinlimang hardinero, mga humigit kumulang walumpung guwardiya at ako na mayor doma ng bahay."
Napanganga ako ng husto. Seryoso? Gaano ba to kalawak at bakit ang dami daming tao? Kung ganon napakayaman talaga ng boss na yun. Bilyon siguro ang net worth nun.
Lumabas kami ng silid. Pagkakita ko, isang grand staircase ang bumungad sakin.
"Palasyo ba to nay?" Hindi ko naiwasang maitanong. Kasi malapalasyo talaga eh.
"Ito ay minsanang tinatawag na Royal Mansion o di kaya ay Palace Royale."
Napatango nalamang ako. Grabe naman ang kidnapper ko. Sa palasyo ang hideout. Nagpatuloy kami sa pagbaba sa hagdanan.
Isang napakaeleganteng chandelier ang nasa ceiling ng salas ng mansion. May mga black leather seats at black sofas sa mga gilid tapos may isang mahabang pasilyo.
"Dito papunta ang kusina." Turo sakin ni nay Elsinore. Pagkarating namin. Isa isa niya akong ipinakilala sa mga naroon.
"Everyone! Siya ang señorita..-"
"Ahmm... Ako po si Alaine Samantha Guevara. Pero Samantha nalang po." Pagpapakilala ko sa sarili.
"Sila ang dalawang chef dito. Head chef, Lander at assistant chef Kriza. Ang tagahugas si Dana. Ang sampung tagalinis ng bahay. Erin, Angela, Blue, Priscilla, Dante, Pia, Sheila, Neriza, Lana at Roselle."
"Nice to meet you po." Sabi ko sabay bow sa harapan nila. Nagkatinginan sila. Bakit? May mali ba akong ginawa.
"Uhmm.. señorita. Hindi niyo na po kailangan na mag bow sa harapan namin. Nakakahiya po sa inyo." Nag aalangan na sabi ni Roselle.
"Ayos lang yun. Hindi naman ako ang amo niyo eh."
"Bilin yun ni boss." Sagot ni Blue.
Nagsibalikan na sila sa trabaho nila.
"Nay, bakit po kayo magtatrabaho dito sa masamang boss na yun. Your life is at risk."
"Wala kaming magagawa. Mabait naman si boss eh. Labinlimang taon na akong nagtatrabaho dito. Malaki ang pasahod saka napagtapos ko lahat ng mga anak ko. May maayos na silang buhay ngayon. Masaya na ako dun. Kung sa iba ang katulong ay nasa 20,000 pag nag abroad ka, triple ang pasahod dito. Gawin mo lang ang trabaho mo ayos na yun."
"Hindi ba kayo pinilit?"
"Hindi naman. Nagkusa kami. Nakiusap saka tinulungan niya lang kami. Sa loob ng isang taon, nakakauwi kami. Pwede rin kaming umuwi pag merong namatay o malubha sa pamilya namin. Tapos pag hindi ka naman umuwi sa isang taon maaaring maipon yun at makauwi ka ng higit sa isang araw na pamamalagi sa pamilya mo."
"Ganon ho ba? Sa tingin niyo nay, pauuwiin ba niya kaya ako?"
"Yun ang hindi ko masasagot."
...
..
.
•°•°•°•°•°•°•°•
Third Person's POVSa madilim na silid na iyon. Nandoon ang binata kasama ang kanyang mga tauhan. Ibat ibang mga baril at mga dahas ang nadoon. Katatapos lang ng transaction nila mula sa isang negosyante.
Napangiti siya. Tuso ito pero mas tuso siya. At sa huli ay nakuha parin niya ang gusto niya.
"Boss." May inabot sa kanya ang kanang kamay na si Gabriel Knights.
Napakuyom Ang kanyang kamao at umigting ang kanyang mga panga. Naglagablab ang mga mata niya.
"Ginigipit nila ako. Hindi na ako natutuwa sa kaartehan nila."
"Anong gagawin natin boss?"
"Bibigyan natin sila ng regalong hinding hindi nila makakalimutan." Sabay ngisi.
Pumasok sila ng Royal Building. Doon makikita mo ang napakaraming mga animoy sundalo. Lahat sila ay naka itim at may mga suot na arm band na may simbolo na wolf na may korona at may mata na kulay pula.
Sabay silang nagsiyukuan pagkadating ng boss nila bilang tanda ng paggalang.
"Natatanggap na naman ako ng isang pagbabanta. Hindi na nadala ang mga to."
"Sino boss?" Tanong ng isang tauhan.
"AIP Mafia." Maikli niyang sagot.
Nagkatinginan ang mga nandoon. Alam nila na isang madugong labanan na naman ang magaganap. Hindi talaga tumitigil ang Mafia na ito. Mahilig silang managad at nandadamay ng mga inosenteng tao at mga sibilyan.
Sa madaling salita, ang mafia na ito ay isa sa mga mafia na may maitim na layunin. At ang sakim na lider nila ang dahilan ng lahat ng ito.
.
.Harry Morton
.
."Ngayong gabi.. maghanda ng lahat ng mga gagamitin. I do declare... A wipe out."
"Pero boss bawal yun diba?"
"Magtitira ako ng limang mahihina na siyang lulumpuhin natin. Ibig sabihin, hindi ako lumabag sa underground rule na bawal patayin ang lahat. May buhay pa namang natira diba?"
Napanganga ang mga nakarinig.
"Ang mga bilanggo na mula sa AIP, iyon ang itira. Pakawalan ang mga yun. Sa ngayon, simulan na ang torture. Ilabas sila." Utos pa niya na agad namang tinalima ng mga ito.
Iniharap sa kanya ang mga ito.
"Alam niyo ba na wala talaga kayong silbi? Matagal na panahon na na hinayaan ko kayong mabuhay. Let's put you into good use."
May tauhan siyang nagsisigarilyo. Lima sila. Inutusan niya na pasuin ang limang bilanggo. Sunod niyang pinasugatan ang mga ito sa kanyang sampu pang tauhan. He smirked. Talagang nasiyahan siya.
"Bryce, ano ang atraso ng mga to sayo?"
"Nirape niya ang kapatid ko. At hindi lang yun, pinapatay niya ang pamilya ko."
"Ikaw Lee?"
"Yang isang yan... Tinulungan na nga siya ng pamilya ko pero pinapatay niya ang tatay ko. Na siyang dahilan upang atakihin sa puso ang ina ko ma kinasawi nito."
"Remuel?"
"Silang dalawa, pinatay ang mga anak at ang asawa ko. Mga hayop!"
"Peter..."
"Ang hayop na yan ang dahilan kung bakit naging miserable ako ngayon. Isinusumpa ko sa puntod ni Annie na ipaghihiganti ko siya."
"Wow! Galit na kayo niyan? Oh sige.. dahil hindi naman ako madamot at mabait akong amo, sige papayagan ko kayong lumpuhin ang mga yan. Sa kahit anong paraan. Basta lang manatili silang buhay."
"Maawa kayo boss.."
"Naawa ba kayo sa mga walang muwang na pinatay niyo? Ang lahat ng pinagsamantalahan niyo? Ang mga naagrabyado niyo? Walang awa ang nararapat sa inyo." Tinabig niya ang mga ito.
Eksaktong pagkarating niya sa pinto ng palapag na yun ang pangingibabaw ng mga sigaw ng mga bilanggo na tinotorture ng apat na naageabyado nila. Napangisi siya. Magaganap na ang wipe out.
BINABASA MO ANG
RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCE
RandomAlaine Samantha Guevara; a woman with a lot of dreams, hopes, passion and goals in her life. She was the one whom you'll call 'amazing'. But later did she know that her life was at stake. Will she be able to make it? Will she make it work knowing t...