Reckless 01

566 48 32
                                    

Sumikat na ang araw at ang sinag nito ay pumasok sa bintana ng kwartong iyon. Isang magandang umaga ang sumalubong sa dalagang si Samantha. 

"What a day! Andami ko pang aasikasuhin." Sabi niya sabay kinusot ang kanyang mga mata. Saglit siyang nag-inat ng kanyang braso bago napagpasyahan na bumangon na sa kanyang higaan.

She still has a lot of things to do which turns out to be urgent and pressing matters. Ayaw din naman niya na masira ang kanyang mga plano sa araw na iyon.

Pero bago pa man siya humarap sa salamin ay nagwala na ang cellphone niya na nakalagay sa bedside table. Kinunot niya ang kanyang noo, waring nagtataka kung sino bang hampas lupa ang tumatawag sa kanya.

Rania Girl Calling....

She sighed dramatically when she saw the caller ID. It's not as if she can turn down this call dahil for sure ay sigurong magbubunganga na naman ang babaeng ito.

"Hello?" tanong niya dito.

"Hello dzai? Asan ka?"

"Condo." maikling sagot niya. She started to rummage her closet to find something suitable to wear this morning.

Of course, Rania knows her much. Matagal na silang magkaibigan kaya alam na nila ang likaw ng bituka at utak ng isa't isa.

"Hmm."

"Well. Ligo na ha? Magmomall tayo today. Let's buy our needs for tommorow. Remember graduation rites have been done last week,"  masiglang sabi nito. For sure para na naman itong tuta na nagniningning ang mga mata dahil nakakita ng pagkain. Rania will always be Rania.

"I know. We need to go to the admin para makuha ang transcript natin."

"Mabuti naman. Tatawagan ko nalang sila Myrtle saka yung bebe niya."

"Yeah. Yeah. Babye na."


Narinig nalang niya ang busy tone ng cellphone niya tanda ng pagbaba ng tawag kanina. Pinagpatuloy niya ang paghahalungkat ng mga gamit hanggang sa makita niya ang isang simpleng damit na alam niyang babagay sa mood niya sa araw na iyon.

  ***


Samantha's POV

Haaysstt... Yung babaeng yun talaga. Kahit kelan mukhang mall. Pero ok nalang yun. Kesa naman magmukmok ako ngayon sa loob ng condo. Mas mabuti naring lumabas ako at nang hindi ako mabore. Saka mabubusy narin naman ang mga yun kasi magsisipagtrabahuan na kami.

Well that's life. Alangan namang bawalan ko sila. Bonding narin namin to. And honestly, hindi talaga ako mahilig mag shopping. Yung sakto lang sa mga basic needs ko. Not a shopper really.

Pagkatapos kung maligo ay pumili nalang ako ng mabuting isusuot. I picked a black snickers. White maong shorts saka lilac colored upper. Actually meron siyang intricate design. Sleeved and fitted.

(Refer to media above. Picture not mine. Ctto.)

Inilugay ko lang ang buhok ko total medyo basa pa ito. Hindi kasi ako masyadong fund sa paggamit ng hair blower. So heto na nga. Pumara na ako ng taxi. And I texted Rania

Message:

Rania Girl, kita nalang tayo sa Metro. Pupunta ako sa may waffles. Hindi pa ako nag breakfast dahil tinatamad akong magluto ngayon.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon