Reckless 29

91 20 11
                                    

I rode the helicopter as the sun sets slowly in the west. I looked back and I saw his retreating figure. Nakayuko siyang naglalakad pagkatapos ay tumingala sa kalangitan at unti unting hindi ko na nakita.

Madilim na ang paligid ng marating namin ang siyudad. Inihatid talaga ako ni Rover sa condo ko dahil yun daw ang utos ni Steven at binigyan niya din ako ng cash para may magamit ako habang hindi pa ako nakakapagwithdraw.

At last, nagkapaalaman narin kaming dalawa. Pumasok ako sa unit ko at napaluha ng bahagya. I miss this place. Wala paring pinagbago. Pinuntahan ko ang kwarto ko at nakita kong medyo maalikabok na ang mga gamit at ang mga sapin ng kama.

Binuksan ko ang mga bintana at pumasok ang malamig na hanging pandisyembre na siyang humaplos sa balat ko. Hinalughog ko ang aking kabinet at nakita ko doon ang hinahanap ko. A spare bed cover, blanket and pillow. Agad kong nilinis ang higaan ko at pinalitan ng cover. Saka ako nag vacuum at inilabas sa laundry area ang mga tinanggal kong beddings.

I let it be washed inside the washing machine saka ako dumako sa kusina. And there is my last hope. Balik cup noodles na naman buti nga at may isa pa dito at swerte ko dahil di pa siya expired. Matapos nun ay tinuloy ko ang pagbabanlaw ng mga beddings at nagsampay na.

I did some dusting and vacuuming since hindi naman makalat ang condo ko. Sadyang inalikabok lang sa tagal ko nang hindi nagagawi dito. Bukas ko nalang papalitan ang mga kurtina ko. Nagtungo na ako sa kwarto at natulog.

🌅🌅🌅

Morning came at nagising naman ako ng maaga sa kabutihang palad. Matapos noon ay itinuloy ko ang pagtatanggal ng mga kurtina saka ko ito nilabhan. Nagpadeliver nalang din ako ng breakfast since tinatamad na akong lumabas. Buti nalang at nadito pa ang laptop ko at gumana pa siya. Sunod ay nagsend ako ng mensahe sa lahat ng mga kaibigan ko na gusto kong makipagkita sa kanila this evening.

Habang naglilinis ako ng kwarto ay aksidente kong nasipa ang isang kahon na nasa ilalim ng kama ko. Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko. Nakapaloob doon ang diary ko at mga pictures ko noon. Of course kasama ko sila mom at dad. Naalala ko na naman ang sinabi noon sakin ni mommy bago sila naaksidente.

"Anak, hindi ko alam kung anong oras pa kami makakabalik ng mommy mo. But please do take care of yourself. Alagaan mo ang sarili mo habang wala kami. Tapos yung secret room na nakakabit sa kwarto mo...

Diba sabi mo noon na gusto mong puntahan yun? I give you the permission to do it. But not now. In due time, malalaman mo rin kung bakit hindi ko muna yun pinabubuksan sayo. I want you to be safe my princess.

Alalahanin mo na lahat ng ginagawa namin ng mom mo ay para din lang sayo. At kung dumating na ang oras na yun. Sana mapatawad mo kami sa paglilihim sayo." Mahabang sabi ni daddy.

"Ano bang sinasabi mo jan dad? May pasecrect secret pa kayong nalalaman ni mom."

"Basta baby, makinig ka sa amin. Mag iingat ka palagi. Yung kwintas na binigay ko sayo nung debut mo... Wag mong wawalain yun at magagamit mo yun sa susunod na panahon." Sabi naman sa akin ni mom sabay halik sa pisngi ko.

Dagli akong pumasok sa loob ng walk in closet ko at pinindot ang tamang numero at nabuksan na nga ang vault ko. Doon ay nakita ko ang isang kulay blue na kahita at inabot ko yun. Ng mabuksan ko ay tumamabad sa akin ang kwintas na regalo nila mommy sakin nung debut ko. Isang star sapphire ang pinakapendant nito na napapalibutan ng black diamonds at ang mismong kwintas ay ginto. Meron itong kasamang platinum ring na kinuha ko rin.

Napatingin ako sa orasan at nakita ko na it's already 3 p.m. kaya nagpasya na akong maligo dahil kikitain ko pa ang mga kaibigan ko. Nagbihis ako ng simpleng dress lang na blue at white and blue stripes (refer to multimedia above. P.S hindi akin ang pic ctto.)

Tapos nun ay isinuot ko ang singsing sa gitnang daliri ko sa kanang kamay. At sinunod ko naman ang kwintas ko. Humarap ako sa salamin at nasilayan ko ang kagandahan ng mga binilin sakin nila mommy na mga bagay.

Napapikit ako habang hawak ko ang pendant nito. Dinama ang pagkakataon na alalahanin ang nakaraan. Ipinaloob ko sa damit ko ang kwintas dahil ayoko na makatawag ito ng pansin sa labas. Naglagay ako ng kaunting makeup at saka nagsuot ng flats.

Pagkalabas ko ng building ay agad akong pumara ng taxi. Tanging dala ko lang ay ang wallet ko na naglalaman ng pera (na ibinigay e Rover) at ang mga cards ko.

Tinanaw ko ang mga gusaling nadaanan ko. Some changed, some were still the same. Hindi ko maiwasang alalahanin if ano na ba ang lagay ng mga kaibigan ko. If ok lang ba sila? If namiss ba nila ako? If hinanap ba nila ako? Kung ano na ba ang ganap sa buhay nila?

But all ends the same. I have no answer in my question. Napabuntong hininga nalamang ako saka tumingin sa malayo at paglakbayin ang utak ko pabalik sa Isla Royale. Kung maayos na ba ang lagay ni Loraine. Kung ayos lang ba si Steven. Kung kumakain ba siya sa tamang oras. Kung may sumugod na naman ba doon. O kung busy ba siya at kinalimutan nalang ako dahil nagising na naman ang kapatid niya.

Hindi ko rin alam ang sagot sa mga isiping naglalaro sa utak ko ngayon. It feels like I'm torn in between two worlds. Ang buhay ko rito o ang buhay kasama siya. Magulo ang utak ko at gusto ko nalang umiyak. Pero wala akong magagawa kung hindi ang maghintay ng sign at tamang pagkakataon. I need to settle what's in my plate first before getting what's inside the pan.

Naputol ang malalim kong pagiisip ng pumawin ng driver ang atensiyon ko. Saka ko nakita na nakahinto pala kami.

"Ma'am nandito na pi tayo." Untag niya.

"Ah.. salamat po manong. Heto po. Keep the change." Saka ako bumaba ng sasakyan. Time to face them.




🍁🍁🍁🍁🍁
Sa humingi ng update. Eto na be oh. Nagsisimula nang gumulo ulit ang eksena. Kapit lang Sapphirians!!!

Mamayang gabi (if possible) ay mag aupdate ako ng Reckless 30. Pamasko ko sa inyo. But I will also give you a dare!


Dapat umabot ng 1.5K reads muna ang story before ako mag update ng 31 and sana maging 500 na yung vote. Hehe! (Hoping). At ang pinakaactive kong reader ay pamamaskohan ko ngayong pasko. Hintay lang at mag didm ako sayo. 🥰🥰

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon