Reckless 17

119 22 2
                                    

Gabriel's POV

It's been a week since naganap yung insedenteng paghabol kay Samantha. Boss is not in the private island now. Bumalik siya sa Royal Building dahil may gagawin pa daw siya para sa mafia.

Since then, ako na ang nagbantay kay Samantha ayon narin sa utos niya. And I pity her. Awang awa ako sa kanya. Two days after umalis ni boss, nakita ko yung mga pasa niya. Aksidenteng naitaas niya yung manggas ng suot niyang dress kaya ko nakita.

Until now hindi padin ito gumagaling. We tried to make her eat but she's refusing. Pakiramdam ko tinotorture niya ang sarili. Halos tubig lang din ang iniintake niya at hindi siya bumabangon sa higaan niya. In this whole week, tatlong beses lang siyang kumain. At worse? Mansanas lang yun.

She'll cry for hours and sleep for hours. Hindi nga niya binuksan ang bintana niya. Totally isolating herself ftom the rest of the world. Hindi ko man alam ang lahat pero naiintindihan ko ang sitwasyon.

"Iho, eto, baka kumain si señorita." Inabot sakin ni Yaya Elsinore ang isang mangkok na may chicken soup. She's also trying her best to help her.

"Sige ho. Sususbukan ko." Sabi ko sabay tanggap ng mangkok. Napabuntong hininga ang matanda saka bumaba na.

Kumatok ako ng tatlong beses saka ako pumasok. She's awake pero halatang wala siyang pake sa lahat ng nangyayari sa paligid niya. Nakaupo siya sa kama. Nakasandal sa headboard nito at nakatingin lang sa harapan. Hindi kumikilos at hindi rin halos kumurap. Ang pantay na paghinga lang niya ang tanging palatandaan na buhay pa siya.

"Samantha, kumain ka naman kahit konti lang. Magkakasakit ka niyan." Mahinang sabi ko sa kaya. Tumingin siya sakin the she sarcastically smirked. Ang mga mata niya ay walang emosyon at parang bangkay siyang nakatitig.

"Mas mabuti yun. I will be really happy. Makawala narin ako sa impyernong to." Wala sa sariling usal niya gamit ang paos na boses habang nakatingala sa kisame ng kwarto. Bumuntong hininga siya.

"You can't just die without fighting." Giit ko sa kanya. Totoo naman eh. Kung gusto niyang tumakas dapat malakas na siya. Which I doubt kung matatakasan niya ba si boss. Pero kahit na. Walang masama sa nag tatry.

"Para ano? Para paulit ulit akong masaktan? Para Paulit ulit akong mahirapan? Para Paulit ulit akong magtatanong sa sarili ko kung bakit nagkaganito ang buhay ko? Ganon ba yun? HA?!" Napataas na yung boses niya at nagbagsakan na naman ang mga luha niya.

I hate seeing a woman cry. Naaalala ko ang mama ko.

"Sshhh! Tahan na. Alam kong masakit. Alam kong naguguluhan ka. Pero you can't just possibly accept a defeat. Ipakita mo na kaya mo. You deserve to know. You deserve to be free." Pag aalo ko sa kanya. This is the only thing that I can do to her right now, ang palakasin ang loob niya.

"Wala akong pake. You can say that. But still you're not me. Just kill me now. You can't help me in every way possible."

"Yes I can't. It's only you who can help yourself. Now eat." Malumanay kong sabi sabay kuha doon sa soup.

Pero nagulat ako nang natapon lahat ng laman ng mangkok dahil ihinagis niya ito. Nag kapirapiraso ang babasaging mangkok. Saka siya tumungo sa banyo at nagkulong.

Napabuntong hininga nalang ako. Nilinis ko na ang kalat saka ako bumaba ng kusina. Bibigyan ko muna siya ng oras para mag isip.

Bandang alas kwatro na nang hapon. Natapos ko na rin yung mga gawain ko. It's been 8 hours since the incident so might as well check her.

"Samantha, papasok ako ha?"

"..."

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pagkapasok ko, wala siya sa silid. Kaya napadako ako sa cr ng kwarto niya.

"Samantha?" Mahinang tawag ko sabay katok. Pero ilang minuto na ang lumipas at wala paring sagot.

Pinihit ko ang seradora ng pinto.

"Pakshet!" It's locked. She's been there for 8 hours.

Bumaba ako saka tinawag si yaya Elsinore.

"Ya! Yung susi po ng cr ni Samantha. Nagkulong po siya sa cr ng walong oras na."

"Jusko! Hala hala. Heto.." taranta narin siya. Sabay na naming tinungo ang silid niya.

Pagkabukas namin ng cr. Tumambad samin ang walang malay na si Samantha. She's on the bathtub na pinuno niya ng tubig. She's so pale.

Taranta naming binuhat siya at hiniga sa kama saka ngalingaling tinawagan ang private doctor.

...

.
.

"Kumusta siya doc?" Tanong ko sa doktor pagkatapos niyang suriin si Samantha.

"So far, stable na ang kalagayan niya sa ngayon. She was stressed saka mahina rin ang immunity niya. Top of that, she's really starving. Sa ngayon, kelangan niya lang kumain saka uminom ng vitamins. We will run a few tests to her kapag nandito na si boss. She fainted kanina. I don't know if that was with the lack of oxygen pero wala namang traces ng entrance ng tubig sa lungs niya." Mahabang paliwanag nito na ikinahinga ko ng maluwag. Thanks god nothing bad happened to her.

"Sige ho doc. Salamat." Sabi ko bago pa man lumisan ang doktor na tanging tango lang ang isinagot.

Kriinnnggg!

Boss Calling...

"Hello boss."

(How's she?)

"Uhmm.. boss she's... She fainted." Alangang sabi ko.

(WHAT?!) Napataas ang boses niya at tila may nahulog sa background nito.

"You need to talk to doctor Ramirez."

(...)

"Naaawa na ako sa babae boss. Tinangka niyang magpakamatay. Hindi ko alam kung ano ang nangyari but she's torturing herself..."

Toot..toot..

End Call...

....

...

..

.

Napaupo nalang ako sa kamang hinihigaan ni Samantha.

"You know what? A beautiful woman should never end her life because of pain. You need to do your best to make it alive.

Naaalala ko ang mama ko sayo. I wanna help you out but I know it's dangerous. Much more than here. Sa ngayon ang kaya ko lang ay tulungan ka at iligtas ka sa kapahamakan.

I'm doing this dahil itinuring na kitang kaibigan Alaine Samantha Guevara." Sa isip isip ko sabay ayos sa buhok niya.

❦︎𝔸𝕦𝕥𝕙𝕠𝕣'𝕤 ℕ𝕠𝕥𝕖❦︎

Hello Sapphirians! I hope you all enjoy reading. And feel free to comment and chat me. Cheeze!!

Give your predictions guys!!

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon