Reckless 7

166 32 7
                                    

Gabriel's POV

Heto ako ngayon. Pinagmamasdan ang mga tauhan ng Royal Mafia na busy sa pagkuha ng mga sandata. Hindi ko na talaga mapipigilan si boss sa mga plano niya. Once he set his mind on something ay hindi na ito maaaring mabago.

Wala din naman akong balak sumuway sa kanya. He is tenfold better than me. I can die in a snap on his hands. Hindi man lang siya pagpapawisan sakin. Ever since he made his name known, bullets stopped being lethal.

Mabilis siya, pulido at mautak. Iyan ang mga edge niya sa kung bakit siya palaging nananalo at kalmado parin kahit sa anumang gyera.

Mabuti rin naman siyang tao I can say. Marami man siyang napatay pero marami siyang nailigtas. Marami man siyang nadaya pero marami siyang natulungan.

Pumapatay siya ng mga taong halang ang kaluluwa. Siya na mismo ang nagtutulay sa mga yun tungong kabilang buhay. Nandadaya siya ng mga korakot na tao at mga tusong negosyante. At nagbibigay siya ng trabaho sa libo libong mga tao at nag dodonate sa mga bahay ampunan.

At isa ako sa mga natulungan niya.

.
.
.

Flashback...

Labinlimang taon palang ako. Isa na akong ulila. Naging palaboy ako sa kalsada. Napasali sa mga basag ulo sa kanto at eventually ay natutong magnakaw. Oo, nagnanakaw ako ng pagkain at maliit na halaga ng pera.

Isang gabi ay napagplanuhan ng grupo ko na maghanap ng target na mas mayaman daw para naman mas matagal kaming hindi magnakaw. Edi napasali narin ako.

At nung gabi ding yun nagkrus ang landas namin ni Boss. Siya kasi ang kaisaisang dumaan sa lugar na yun. Labimpitong taong gulang siya nung mga panahong iyon. Nakasuot siya ng tuxedo at itim na slacks. Hindi siya naka kotse o nakamotor. Marahil ay magpapahangin lang.

"May parating!" Signal ng pinakalider namin.
Tinambangan namin siya.

"Ibigay mo samin ang pera mo!!" Sigaw ulit ng lider.

"Ang pera ay pinaghihirapan. Hindi ipinamimigay. Bakit ko ibibigay sa inyo ang perang pinaghirapan ko? Kung gusto niyo... Kunin niyo." Wika pa niya. Napahanga ako sa mga talinghaga na yun.

"Ano pang hinihintay niyo. Bugbugin siya." Sabi ni lider. Pero ako, hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit.

Nagsimula na silang icorner si Boss pero siya, cool parin na nakatayo. Nakapamulsa at nakangisi.

Nang susuntukin na sana siya ni Marco, isa sa mga basag ulo, ay sinalo niya ang kamao nito saka pinilipit. Dinig na dinig ko ang paglagutok ng mga nasira at nabaling mga buto sa kamay niya. Saka niya ito ibinalibag. Akmang sisipain siya ni Rico sa likod ay dumapa siya kasabay ng pagpatid niya sa huli. May ginalaw siya sa batok nito at tumba ang loko.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon