Reckless 02

290 45 27
                                    

Nakaupo ang binata sa isang swivel chair. Nakahawak siya ng kopita na naglalaman ng kulay dugong alak. Pinaglalaruan niya rin ito paikot sa loob ng babasaging baso. Habang tinatamaan ito ng sikat ng araw na animo'y nagdadala ng kislap sa kristal na bagay na yaon.

Nakatitig siya sa kawalan. Isang matalim na titig na animo'y kung sino man ang matamaan ay agad na malalagutan ng hininga.

Tanging paghinga niya lamang at ang ingay ng orasan na nakasabit sa dingding ang siyang pumapailanlang na tinig sa loob. Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa apat na sulok ng kwartong iyon.

Sa harapan niya ay isang envelope na may lamang mga impormasyon at litrato. At hindi siya magkakamali. Sa mga panahong ito, babawiin niya ang anumang nararapat na sa kanya.

Napatingin siya sa mesa nung magsimulang tumunog ang kanyang telepono. Hindi na niya tinignan kung sino ang caller at agad na sinagot ang tawag.

Nanahimik lamang siya at banayad na huminga. Ni 'ha', ni 'ho' ay wala siyang sinabi... Naghihintay lang na sumagot ang tumatawag.

(Boss, nakauwi na siya.) Anang kabilang panig.

"Mabuti. Bantayan mo siya ng maigi. Walang galos o kahit ano."

(Masusunod po.)

Binabaan niya ito ng telepono at napangisi siya sa kung ano man ang pumasok sa isipan niya. Ang mga matang may masidhing damdaming sinasalamin. At ang mga ngiting may ikinukubling lihim.

'Hindi pa tapos ang lahat. Hintayin mo lang ako Alaine. Akin ka lang.' bulong nito sa sarili saka inisang lagok ang alak sa kopita.

Humagod sa kanyang lalamunan ang swabe nitong tapang at lasa pero hindi man lang siya ngumiwi. His face remained emotionless. 

Naglakad siya palabas ng silid tungo sa pasilyo at huminto sa isang silid na napalilibutan ng magagandang disenyo. Napangiti siya ng mapait at napakuyom ang mga kamao niya. Ini-lock niya balik ang pinto at lumabas ng kwarto saka nagtungo sa meeting room.

"Boss." Bungad sa kanya ng mga tao doon. Sabay sabay silang nagsiyukuan tanda ng paggalang.

Ang iba ay nanginginig parin dahil sa presensiya niya. Hindi matatawaran ang bigat ng atmospera sa loob buhat ng dumating siya.

Naupo siya sa pinakadulong upuan at nakinig lamang sa diskusyon ng mga tauhan. Nasa humigit kumulang limampung katao ang nandoon. Hindi pa kasali ang mga nagbabantay sa labas ng pinto.

"Boss... Hindi parin namin natapos ang pag iimbestiga sa krimen .."

Hindi pa nga natatapos ang sasabihin ng tauhan ay galit na niyang inihampas ang kamao sa lamesa na nagpanginig sa mga ito. His eyes are badly shouting war.

Kasabay noon ang pagkabutas ng lamesa. Nahintakutan ang mga nandoon.

"Dalawang taon." Huminga siya ng malalim, pero hindi niya kinayang makapagtimpi. Like a a grenade that has it's pin off, he burst.

"IT HAS BEEN TWO FUCKING YEARS PERO WALA PARIN KAYONG NAKUKUHANG MATINONG IMPORMASYON!! MGA INUTIL!"

Kasunod ng tatlong nakakabinging putok ng baril ang pagbulagta ng lalaking nagreport kanina. Others never said a word but some of them surely sqeaked in fear.

"Gabriel, send the private plane now."

Dagling sumunod naman ang kanang kamay nito na tumango lamang at kinuha na ang cellphone sa bulsa nito.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon