Samantha's POV
Nagising ako sa sinag ng araw. I realized na nasa higaan ako. Sa kwarto ko dito sa Palace Royale.
So.. panaginip lang ang lahat ng yun? Ay naku! Ang halay talaga ng utak mo Samantha. Pinukpok ko ang ulo ko. Nagloloko na kasi. Navirus yata.
Patayo na sana ako dahil maghihilamos ako ng biglang...
"Pakshet! Bat hindi ako makatayo? Saka ang sakit ng ano ko..
Wait... So totoo yung kagabi?" Napaiyak na naman ako. Ang hayop na yun! Magbabayad siya.
Napagpasyahan kong maligo nalang. Nagbabad ako sa warm water. Doctor si mommy kay maalam ako sa mga ganito. Ipinikit ko ang aking mga mata.
Naalala ko na naman ang mga kaibigan ko. Are they ok? Are they searching for me? Pakiramdam ko nasa ibang dimension ako eh. Nasa malayong lugar na di kayang abutin ng internet.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Nakakita ako ng simpleng damit. Yung hindi masyadong gown tignan. Yun nalang ang isinuot ko.
Pagkatapos ay nakita ko na pumasok si nay Elsinore.
"Iha, gising ka na pala. Kumain ka muna ng agahan."
"Ah.. salamat po nay."
Tinignan ko yung nakahain. Bacon, wheat bread, hotdog, gatas at itlog saka isang platito ng ubas.
"Andami naman yata nay."
"Hamona. Utos yan ni boss eh. Ewan ko kung anong meron dun."
Naalala ko na naman ang lapastangang iyon. Napakuyom ako ng kamao.
"May problema ba Samantha?"
"Ah wala naman nay. Nandito pa siya sa loob ng bahay?"
"Oo. Nasa opisina si boss. Bakit naman. Gusto mo bang lumabas?"
"Sana."
"Sige kumain ka muna at ipagpapaalam kita." Saka ito lumabas ng silid.
Natapos na ako sa pagkain ngunit hindi parin bumabalik si nay Elsinore. Ano kayang nangyari? Napagpasyahan kong ilabas nalang ang mga pinagkainan ko.
Pagkarating ko sa kusina ay walang katulong doon kaya napagpasyahan kong hugasan nalang ang pinagkainan ko. Hindi naman ako ignorante saka mas mabuti na to ng malibang ako.
"Ay señorita! Bakit po kayo naghugas? Ako na po diyan." Sabi ni Dana. Remember her?
"Ah wag na. Kaya ko na to. Saka gusto ko rin naman maghugas dahil bored ako." Sagot ko.
"Ah sige po." Saka siya umalis.
Pagkatapos kong maghugas ay nakasalubong ko si nay Elsinore.
"Oh nandiyan ka pala. Pumayag na si boss na lumabas ka. Para daw mapasyal ka naman sa hardin."
"Nako mabuti naman. Sige nay labas na tayo." Aya ko sa kanya.
Pagkalabas namin, namangha ako sa ganda ng tanawin. When it was beautiful from afar, it is more beautiful and vibrant face to face.
Napangiti ako dahil ang ganda ng umaga ngayon. So tranquil and the slight breeze makes it less hot.
"Iha, ibibilin muna kita kay Gabriel ha? May aasikasuhin pa kasi ako."
"Ayos lang yun nay. Pero kaya ko nang mag isa."
"Ayaw ni boss."
"Hmmp! Ang bwisit na kapreng yun."
"May sinasabi ka?" Tanong ni Gabriel.
"May narinig ka ba? Nalaman mo?"
Natahimik naman siya.
"Hoy! Ikaw na may malaanghel na pangalan pero walang galang! Bakit kayo nagtatrabaho sa hudyo na yun ha? Sindikato ba siya?"
"Wag mo akong tanongin. Kay boss ka magtanong." Nakakaburaot talaga. Asaaaaarrr!!
Pero hindi ko na siya bibigyan ng pansin. Iginala ko ang mga mata ko upang mamemorize ko ang kabuoan ng lugar.
"Miss Samantha..."
"Bakit?"
"Pagpasensyahan mo sana si boss. Alam ko naman na mahirap sayo na malayo sa kinagisnang lugar mo."
"Oo nga pala, bat niya ba ako ipinakidnap?"
"Hindi ko rin alam. Misteryosong tao siya. Sampung taon na kaming magkasama pero may mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sa kanya."
"Ahh... Anong klaseng tao ba talaga si Steven?" Nanlaki ang mga mata niya sa inusal ko. Mali ba akong nasabi?
"Ano nga ulit ang sinabi mo?"
"Anong klaseng tao siya?"
"Hindi. Yung tawag mo sa kanya kanina."
"Steven. Bakit?" Takang tanong ko
"He let you call him with that name?"
"Wala naman sigurong masama sa pagtawag sa pangalan niyang yun."
"Kasi... Hindi niya gusto ang pagtawag sa pangalan na yan. Naalala ko na napatay pa nga niya ang isang tauhan namin dahil lang tinawag siya nito sa pangatlong pangalan niyang yan."
"Ganon ba? Sige hindi ko nalang siya tatawagin ng ganon. Pero kasi bagay sa kanya yung pangalan na yun eh " bulong ko sa sarili.
"Anong... Klase siyang tao? Bakit kayo boss ng boss sa kanya."
"Ah yun ba? Si boss, totoo nga siyang boss. Mafia boss to be exact."
"ANO?!"
"Oo. Anong kagulat gulat doon?"
"Akala ko fiction lang ang mafia mafia na yan."
"Hahahaha! Totoo sila."
"Does that mean, pu.. pumapatay siya?"
"Kung kinaakailangan. Maaari ring paggusto lang nila."
"Hindi ba siya nakukulong?"
"Laws were never a scare to them. Laws are just words."
Pakiwari ko ay kinapos ako ng hininga. He's a beast. No a demon! And this.. his palace is a place called hell.
"Pero miss Sam, lahat ay may rason kung bakit siya nagkaganon. And I believe you are the key to everything."
"Hindi ako sigurado diyan. I never knew him. Wala kaming koneksiyon. Nakakapagtaka kung bakit ako nadawit dito."
"Siguro kasi... Ikaw nalang ang umalam miss Sam."
"Bagay nga talaga sayo ang pangalan mo. Gabriel. Mabait ka naman pala. Hehe."
"..."
Nagpasya nalang akong libutin pa ang kabuoan ng lugar. Hay! Sana pang makauwi na ako. Pero hindi ko alam kung matutupad ba ang kahilingan ko na yan.
Pumasok na ako ng medyo mainit na sa labas. At dumeretso na ako sa kusina. Nakita ko doon si chef Kriza. Sa pagkakaalam ko kasi, mamimili daw ngayon ng mga sangkap sa pagluluto si head chef Lander.
"Chef Kriza."
"Bakit po señorita? May gusto ka bang ipaluto?"
"Ay naku wala! Napansin ko lang kasi na wala kayong masyadong pastries eh."
"Ay sorry ha. Wala si chef Lander eh. Hindi ko pa masyadong master ang bagay na yan. Ano bang ipaluluto mo. Maaari ko namang subukan."
"Actually, gusto ko talagang magluto. Uhmm.. pwede ba akong magtry? Promise, hindi ako mag iingay. Saka ako na ang magliligpit ng mga kalat. Namiss ko na kasing gumawa ng chocolate chip cookies." Alangan kong sabi.
"Kung gusto mo. Sige, pero atin atin lang to ha. Total matagal pa namang lumabas yung si boss sa opisina niya. Siguro naman hindi rin magsusumbong si Gabriel. Nautusan eh."
Napatawa kaming dalawa. Cool! Mas matanda lang pala sakin ng ilang buwan si Kriza.
BINABASA MO ANG
RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCE
AléatoireAlaine Samantha Guevara; a woman with a lot of dreams, hopes, passion and goals in her life. She was the one whom you'll call 'amazing'. But later did she know that her life was at stake. Will she be able to make it? Will she make it work knowing t...