Reckless 48

85 4 3
                                    

Agad kaming nagplano para bumiyahe pabalik ng isla pero agad kong naisip ang pagkakaroon ng faulty na sitwasyon. I mean, if his and my parents were best of friends and we had a picture together when we were young then hindi pag-ibig o away nila ang sanhi ng gulo sa pagitan ng Mafia namin.

"Kailangan nating pumunta sa Underground Main Office. Prime Tower." Sabi ko kay Steven.

"And why is that?"

"I find the situation faulty. We need to inform the higher ups that we are not enemies. Ayokong nagtatago tayo na parang mga kriminal habang wala naman tayong kasalanan. I think someone plots the whole event."

"And how can you tell them?"

"Just bring that box and I will bring my own explanation to them. You don't need to speak there. Pwede kang umupo lang doon. Ako na ang bahala."

"Wow darling! You really hurt my ego always. I feel like I don't have a role in this situation."

"It's not like that. And wala akong pakialam sa ego mo Steven. Ang importante ngayon ay makaalis na tayo dahil nagsasayang ka ng oras kakadada jan. Edi sana marami na tayong nagawa diba? Saka wag mo nang itanong ang role mo. May role ka naman. Bitbitin mo ang kahon sabi ko."

Agad na nagdilim ang kanyang mukha pero keber! Wala akong pake. Mas importante ngayon ang misyon ko. I fished my phone from my pocket and dialled.

"Nasaan na ang eroplano ko? Kailangan ko yung ngayon din."

(Wala parin...)

"Diba ang sabi ko ihanda ninyo? Anong ginawa niyong dalawa? Natulog lang?"

(Eh kasi si ano eh. Sabi di mo pa gagamitin.)

"Oh don't give me fvcking excuses twins. Get the plane ready. Ako na ang magmamaneho."

(WHAT?! No way! Sisirain mo lang eh.)

"Then provide me a pilot dimwit at nang hindi masira ang eroplano mo."

Agad kong binabaan ng tawag ang mga bwisit at slow kong pinsan saka ako nagtungo sa kwarto para mag ayos na. It will take a day bago makarating ang eroplano nila. Total wala naman yun sa isla dahil hindi kakasya at walang runway doon.

Pumasok si Steven sa kwarto at nag empake rin. Alam ko na nasaktan ko siya kanina kaya hindi niya ako kinikibo ngayon. When I was done packing, agad akong lumapit sa kanya.

"Ano?" Agad niyang tanong. Ang sungit pa ng tono niya.

"Wala."

"Ano nga?"

"Nakikinood." Tumigil siya sa pag eempake saka ako hinarap.

"Bakit? May palabas ba dito?" Wala na. Tagalog na palagi ang ginagamit eh. Galit nga.

"Sorry na please." Nagpuppy eyes ako sa kanya habang nakayakap sa bewang niya.

"Sorry na darling. Please?" Siniksik ko ang ulo ko sa may chest niya at mas hinigpitan ang yakap. Pero hindi parin siya nagsalita.

"I love you." Kapagkuwa'y sabi ko.

"Tsk!" Inihiwalay niya ako sa kanya tapos ay pinagkatitigan ng maigi. I remained silent and I was lost in his beautiful pair of grey orbs.

"Ouch!" Pinitik niya ang noo ko kaya napahimas ako doon sa pinitik niya.

"Don't pout. You look..."

"Ano?"

"You look cute when you do that." Sabi niya na sanhi para magback flip ang puso ko.

"Psh! Akala mo madadala mo ako jan?"

"No. But one thing is for sure."

"Ano na naman?"

"And that's I love you too." He kissed my temple. Lord! Baka pwedeng tumili? Gusto ko talaga eh kaso nakakahiya naman diba? Kaya tumikhim nalang ako. I hugged him again and I sighed. Sana maayos na ang gulo.

"Darling."

"Hmm?"

"Why do you love me?" Agad akong napaangat ng tingin.

"Bat mo natanong?"

"Just because. Now answer me. Why do you love me?"

"I just love you. End of the answer period amen lord."

"I've hurt you."

"In the past."

"What if I hurt you again?"

"Will you really? If you hurt me again then I will accept you again. In every phone in the world, there's a reboot."

"But your heart is not a phone."

"Yes it isn't. Because my heart is more than that. I can't reboot my feelings but I can love you for as long as I live. And if ever natatakot ka dahil nasaktan mo ako noon. Think again darling. Baka nakakalimutan mo na mahal mo rin ako so kakawawain nalang kita. Hahaha!"

"You're so mean."

"And you're a bad boy."

"I'm not a boy anymore. I'm your man!"

"Sure ka?"

"Tss!" I laughed out loud.

"I proved myself a long time ago. Our first night, remember?" Agad akong nag blush sa sinabi niya kaya sa hiya ko sinapak ko siya.

"Bwisit ka! Tabi nga jan! Pasabugin kita eh. Tabi at ng makaalis na tayo. Gather our things. Parating na ang eroplano." Sabi ko saka nagmartsa palabas ng silid.

"Darling don't leave me here! Get your luggages!" Sigaw niya nung nasa may hagdan na ako.

"Ewan ko sayo! Bahala ka na jan! Bitbitin mo na yan!" Sigaw ko pabalik.

"It's heavy!"

"Diskartehan mo! Bahala ka na! Wag kang pahahalatang bakla ka masyado!!" Ayan ang huli kong sinigaw saka lumabas ng bahay at nagtungo sa garage.

Ilang minuto muna ang binilang ko bago siya lumabas ng bahay. Inilagay niya sa likuran ng kotse yung mga bagahe namin saka siya pumunta sa passenger seat.

"Uhmm... Darling. Paki?"

"Huh?"

"Pakilock ng pinto ng bahay. Matagal tayong hindi makakabalik dito. Secure everything."

"You're so serious about making me your slave."

"Aha! Alam ko namang hindi ka tatangi." Bumelat ako kaya nagroll eyes siya.

Pagkatapos niyang malock ang gate at ang bahay namin ay pinaharurot ko na ang kotse. I need to get to the airport as fast as I can. Nararamdaman ko na may mga espiya sa paligid na hindi namin namamalayan.

"Darling. When we arrive at the Prime Tower and settled everything, where will we go next?"

"Ako babalik ako sa isla panigurado. Pero ikaw. Ewan ko sayo. Ah ganito nalang! Bumalik ka sa Isla Royale at sa Royal Building at ipaalam sa mga tao na magkakampi tayo. Ganon din ang gagawin ko sa mga tao ko. Pero lalabas dapat na ceasefire ang lahat para hindi mahalata ng kalaban na naayos na natin ang gusot na to. Tapos ihahanda ang mga tao para sa malaking paglusob na magaganap." I smirked. I see fire and war!











🍁🍁🍁🍁🍁
Hello everyone! So ayan na po. Naghahanda na sila. Abangan ang next episode/ chapter. Medyo busy ako sa Dreame kaya isa isa lang muna. Alright? 😝

Pero promise na before January ends ay tapos na ang story na to para mapost na yung Entice Men Series.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon