Reckless 33

70 12 5
                                    

Oh lala! I'm so over the moon! Goal achieved!

HAPPY 1.8K READS RTHI!!!

🥰🥰🥰







Maaga kaming nagising dahil nga sa morning sickness ng buntis na si Myrtle. Todo suka ito at halos isubsob na sa inidoro ang mukha pero wala namang lumalabas sa bunganga.

Agad namang dumalo ang asawa nito at hinagod hagod ang likod ni Myrtle. Dahil ngang nanghina ay napasandal pa ito kay Raymond at saka ang ending eh kinarga nalang ang huli patungo sa hapag kainan dahil kakain daw.

I decided to take a bath first total ay 5:30 palang naman. Binlower ko ang buhok ko para matuyo at nagsuot ng t-shirt at shorts na hanggang tuhod. Tapos isang grey na bunny slippers na pa welcome home daw ng dalawa sakin.

Humarap muna ako sa salamin saka inayos ang buhok at itsura ko bago ako dumalo sa hapag. Pagkarating ko doon ay nakapagluto na si Kori. Sa buong barkada, siya ang pinakamagaling na cook dahil chef ang mommy niya kaya nakahiligan na rin niyang magluto.

"Namiss ko ang luto mo Kori." Sabi ko sabay kagat ng sandwich na sikreto niyang recipe.

"Matagal ka kasing nawala Sam. Alam mo naman kung gaano ako kagaling." Nagmamayabang ito dahil may ipagyayabang naman talaga siya.

"Magtigil ka Kori kung ayaw mong tadtarin kita ora mismo. Bago pa ako mapikon sayo. Itikom mo yang bunganga mo." Asik naman ni Rania.

"Sorry my loves. Pero namiss ko lang talaga ang bunso natin eh." Paghingi nito ng paumanhin sa kasintahan.

"Che! Namiss mo mukha mo. Hala edi kung namiss mo. Yakapin mo at ng madama niya." Pagtataray nito. Ang init talaga ng ulo. May regla ba to?

"Nagseselos ka ba?" Pagkuway tanong ni Kori kay Rania at tumigil muna sa pagkain.

"Ako? Magseselos? Nekenek mo Kori-maw! Pag naging pink na ang uwak saka na ako magseselos. Hindi ako magseselos sayo no?"

"Syempre magseselos ka kasi mahal mo ako."

"Huwaw! Ang kapal ng mukha? Mahal? Eh sinagot lang naman kita dahil naaawa na ako sayo. Mukha ka kasing aso na bubuntot buntot sakin kaya napagkakamalan kang stalker. Kaya para masave ka sa kahihiyan sinagot na kita para hindi ka na sumunod." Napikon na nga talaga so Rania at tuluyan ng umalis patungo ng salas.

Nagsisunuran ang barkada at tinapik ko si Kori. Alam kong nasaktan ito dahil sa matatalim na salitang ibinato ni Ran. Nakita ko itong nakaupo na sa pang isahang sopa. Pumanik naman ang mag asawa at ayaw nga ng gulo dahil iniiwasan nilang mastress si Myrtle.

"My loves..."

"Ano?!"

"Tama na." Huminga ng malalim si Kori at tumingala.






"Tama na. Kasi ang sakit sakit na. Wag mo ng ipamukha sakin na hindi ako mahalaga. Na wala akong kwenta. Na naging tayo lang dahil naaawa ka. Please lang. Maawa ka naman sakin. Kung awa man lang ang nararamdaman mo. Mabuti pang itigil nalang natin to. Total ay ako lang naman ang nagmamahal sa relasyong ito diba?" Kori began to cry. Pero matigas talaga ang loob ni Rania. She was staring at the wall. Never blinked. Never showed emotion. Crossed arms on the chest.

Pero napatigil ang mabigat na drama ng biglang may nagdoorbell. May inaabangan bang bisita ang mag asawa? Napalabas din ang mga ito ng kwarto at nakisuyong ako nalang ang magbukas sa nasa labas.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako ng bigla akong yakapin ng kung sino man ang pinagbuksan ko. Hindi ko siya makita kasi nakayuko ako. Pero sapat na ang pabango niya na nasamyo ko para mapangalanan kung sino.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon