Samantha's POV
Nagising ako sa isang slightly lit room. Kulay crema at lavender ang dominateng kulay ng napakalawak na silid na ito. At nasa isa akong napakalaki at napakalambot na kama.
Hindi ako maaaring magkamali. Alam ko sa sarili ko na kinidnapp ako. I was expecting some old houses with me sitting on a rusty chair, hand tied and blindfolded. Pero none of them is happening to me.
Surprise kaya to ng mga kaibigan ko sakin kasi palapit na ang birthday ko? Pero hindi naman ganito kalaki ang kwarto ko para masabing inayusan lang nila at ni-repaint.
Nagtataka na talaga ako. In my three o'clock, may nakita akong mas maliit na pinto. Mabilis akong naglakad upang tuntunin ito. Pagkapasok ko... Daebak!! Cr pa ba to? Ang laki naman yata?
Merong dalawang bathtub. Yung pang-hot and cold. Isang shower at tatlong steel cabinets. Nung binuksan ko ang mga ito. Unang tumambad sakin sa kulay green na cabinet ang mga roba at tuwalya. Tapos yung puting nasa gitna naman body washes, shampoos, sabon at kung ano ano pang pabango. Sa pangatlong cabinet na kulay dilaw, mga undies at isang lagayan ng mga nadumihang damit.
Ayos yung pagkakadisenyo ng buong bathroom. Nagpasya akong bumalik sa loob ng silid. Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko eh.
Nakita ko ang malaking vanity mirror. Pero hindi ako maaaring magkamali, iba na ang suot ko ngayon. Hindi ako nagsuot ng dress sa park.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may mali ba. So far wala naman. Well, aside sa batok ko na medyo masakit pa nga. Pero keri pa naman.
Napatingin ako sa malaking pinto. Ang pinto palabas ng silid. Tinakbo ko ang distansiya nito. Ipinihit ko ang seradora at ...
.
.
..
.Laking panlulumo ko nang hindi ito nabuksan. So, totoo ang lahat ng to? Hindi panaginip? Nakidnapp ako at hindi ko alam kung asang lupalop ako ng mundo ngayon.
Napatingin ako sa malaking bintana. Pero nalula ako ng dumungaw ako. It was atleast a hundred feet. Good lord! Alam ko na sure ang kamatayan ko pag nalaglag ako dito.
Pinagsawa ko ang mga mata ko sa isang napakagandang tanawin sa harapan ko. Ang mga luntiang halaman na ginawang labyrinth sa harapan. At ang hilera ng mga puno sa parang bago ang labyrinth.
Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin. I don't know what will happen in the next few hours and days. Pero kahit anong gawin ko, wala akong magagawa para iwasan ang nagbabadyang mangyari. I'm just hoping that I will be fine.
Napalingon ako ng bumukas ang pintuan. Isang may katandaang babae ang nakita ko.
"Good afternoon señorita. Ako po si Elsinore. Ako po ang inatasang mag-asikaso sa inyo. Heto po ang pagkain niyo."
Ipinasok niya ang isang tray na may lamang mga plato ng pagkain at inumin.
"Ahmm... Ma'am, pwede ho ba akong lumabas?" Pagbabakasakali ko.
"Hindi po. Kabilinbilinan ng boss na wag kayong palabasin sa silid na ito. Kung tumakas daw kasi kayo ay papatayin niya kami." She paused tapos lumuhod sa harapan ko. Hindi ako nakahuma at napanganga nalang.
"Señorita. Pakiusap po... Wag po kayong lumabas ng silid. Hindi niyo po kilala si boss. Kung sakali, isang pitik ng daliri niya lang at magwawakas ang aming mga buhay." Umiiyak na siya.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi niya pag aari ang buhay ng sinuman sa amin. Napakahalang ng kaluluwa niya.
"Ok lang po yun ma'am."
"Wag niyo akong i ma'am señorita."
"Uhmm... Nay. Pwede ho?"
"S..sige iha."
"Umhh.. nay Elsinore, nandito ba siya?" Tanong ko sa kanya habang kumakain pa ako.
"Wala naman si boss dito."
"Talaga nay?! Kung ganon pwede akong lumabas di po ba?" Isang malungkot na ngiti ang iginawad niya sakin. Saka siya umiling. Tanda ng pagsasabi ng hindi.
"Pero nay. Nakakalungkot sa kwarto. Saka ano po. Hindi ko ho kayo ipapahamak. Pangako po, hindi ako tatakas."
"Señorita. May mga surveillance cameras ang buong paligid. Aside sa mga kwarto na walang nilagay. Kaya malalaman at malalaman ni boss ang gagawin natin. Mapaparusahan niya ako. Saka ikaw. Nag aalala ako sayo. Nung dumating ka dito nag alala ako sayo ng husto. Tulog ka nang mga panahon na yun. Ikaw palang ang babae na dinala ni boss dito. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan mo o may kailangan ba sayo si boss upang dalhin ka dito. Sa tingin ko naman isa kang inosente at hindi ka naman mukhang babaeng nagbebenta ng aliw." Mahabang litaniya niya saka mahinang napahagikgik.
"Ah.. hindi ho. Isa akong designer." Depensa ko naman.
"Pasensiya ka na iha. Hindi muna kita mailalabas ngayon."
"Kelan ba siya uuwi?"
"Si boss ba? Tatlong araw mula ngayon."
So tatlong araw pa akong magkukulong sa silid na ito?
"Nay Elsinore. Hindi po ba talaga pwede? Promise po. Sa loob lang ako ng bahay. Hindi ako lalabas. Please po. Please."
Nahabag yata ang matanda sakin kaya siya napa oo.
"Ikaw talaga. Hala sige! Pero sa loob ka lang talaga ng bahay. No more no less. Ayos lang sakin na maparusahan kesa naman malungkot ka."
"Salamat po nay. Ambait bait niyo po."
Niligpit niya ang mga pinagkainan ko.
"Maligo ka muna señorita. Mamaya nalang tayo magkwentuhan. Dadalhin ko muna to sa kusina ng mahugasan nila."
"Ah sige po. Asan po ba yung mga damit ko?"
"Ayung kulay ginto. Dyan sa pader. Halika!" Saka niya ako iginaya sa pader na walk in closet naman pala.
Napanganga na naman ako. This wardrobe is beyond compare. Marami akong mga designer na mga damit at mamahaling brands but this. This is the exclusive collection. Alam ko iisa lang ang ginawa sa bawat damit na ito. I am a designer that's why I know na mula to sa mga sikat at batikang designer ng mundo. This costs millions for Christ's love!
Kinuha ko ang isang simpleng lavender dress ang napili kong suotin. Wala kasing mapagpilian bukod sa mga ball gowns eh.
See multimedia. ^_^
Nagmumukha akong prinsesa sa lagay na to eh pero mas maayos na to kesa sa mga ball gowns dito. Buti nalang at may tsinelas ako dito at hindi ako mapipilitang magsuot ng heels all day long.
Naligo nalang ako para matapos na to. Excited na akong lumabas. Meheheh!
BINABASA MO ANG
RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCE
De TodoAlaine Samantha Guevara; a woman with a lot of dreams, hopes, passion and goals in her life. She was the one whom you'll call 'amazing'. But later did she know that her life was at stake. Will she be able to make it? Will she make it work knowing t...