Rania's POV
It's been a month since nawala si Samantha. Pilit naming binabalik sa normal ang buhay namin kahit na mahirap. Sa lahat naman kasi ng bagay ay siya ang sandalan namin. Laging kasama sa mga lakad. Kung baga siya yung tumatayong lider ng squad.
Hindi parin naman kami sumusuko sa paghahanap sa kanya. Pero marami na ang nagsasabi na baka daw patay na ito. Pero malakas ang kutob ko na buhay pa siya eh.
Ang dami nang nangyari dito. Habang nakatitig ako sa litrato ni Samantha, napapaiyak ako. Dito ko narin sasabihin sa kanya ang lahat ng ganap. Just like papano na engaged ang dalawang yun. Yup! Ang magkasintahang Myrtle at Raymond.
Flashback
Nandito kami ngayon sa beach. Nag a-unwind. Matapos kasi ng dalawang linggong walang sawang paghahanap sa kaibigan namin. Naisipan namin na magpahinga naman. Suhestiyon kasi ito ng mga boys.
Isang dapit hapon noon. Ang ganda ng sunset. (Check multimedia. Hehe. Ako po yung nagpicture nyan)
Anyway, ayon na nga, as I was starting to change for my swimsuit dahil magnanight swimming ako, tinawag ako ng dalawang lalaking yun.
"Bakit ba?"
"Asan si Myrtle?"
"Nasa room."
"Pwede bang ayain mo siya dun sa may rock formations mamayang gabi. Bandang seven sana."
"And why is that.."
"Gawin mo nalang." Sabi ni Kori na hanggang ngayon eh distant and civil paring makipag-usap sa akin.
"Ok." Nagtuloy tuloy na ako sa pagpunta sa may dagat.
Ilang saglit pa at nakita ko si Myrtle.
"Hoy Myrtle! Halika!"
"Bakit naman?"
"Wala lang. Night swim?"
Lumusong naman agad ito sa dagat. Madilim na ang langit matapos naming maligo. Nagpasya kaming magbihis.
Pagkarating namin sa room naalala ko ang sinabi ng dalawa kanina. Mag seseven na pala.
"Naku! Bilisan natin."
"Anong meron?"
"Ewan. May papanoorin yata tayo eh."
"Owkie."
Tapos nun, dali dali ko siyang dinala sa rock formations na yun. Pero on our way, may shell trails kaming nakita.
"Wow! Ang ganda naman nito!" Sabi ni Myrtle.
Pagkatapos ay may mga nakasulat chuchu doon. Pero bago pa ako makapangusisa ay may humablot sakin. Sisigaw na sana ako pero maagap nitong tinakpan ang bibig ko.
"Ako lang to. Relax." Si Kori.
"Bakit? Ano ba yun?"
BINABASA MO ANG
RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCE
RandomAlaine Samantha Guevara; a woman with a lot of dreams, hopes, passion and goals in her life. She was the one whom you'll call 'amazing'. But later did she know that her life was at stake. Will she be able to make it? Will she make it work knowing t...