Nakalapag na ang eroplano sa NAIA. Pagkatapos kong mascan ulit ay palabas na sana ako. Pero nagulat ako nung may biglang humablot sakin. Napaharap ako sa salarin na nakahawak ngayon sa palapulsuhan ko.
"Pasensiya ka na talaga. Sorry din sa abala pero hindi pa kita napapasalamatan sa ginawa mong tulong kanina doonsa pagpapaanak sa babae sa eroplano." Ang cute niya habang nagkakamot ng batok dahil tila nahihiya pa yata si Doc.
"Wala ho yun Doc. Tsaka handa naman po akong tumulong. Nagulat lang talaga ako nung bigla niyo akong hinablot."
"Wag mo naman akong i-po. Magkasing edad nga lang yata tayo eh. Nagtutunog matanda ang kausap mo sa mga salitang sinabi mo."
"Sorry. Pasensiya ka na rin."
"No problem. By the way I am Doctor Richard Clifford."
"Alaine Samantha Guevara." Pagpapakilala ko ulit sa kanya saka inabot ang nakalahad niyang mga palad.
"Do you want to grab a coffee or something?" Tanong niya sakin.
"I prefer milkshake." Sabi ko.
"I'll treat you as a thank you for what you did."
"Oh no no no! It's ok. I can pay my order naman Doc."
"No, I insist. By the way, here's my calling card." Agad kong tinanggap yun at isinilid sa loob ng wallet ko. Naglakad kami sa direksyon ng coffe shop. Siya narin ang nag order. Coffee and mocha cake ang sa kanya habang milkshake at red velvet cake naman ang inorder niya para sakin.
"Thanks." Tipid siyang ngumiti sakin pagkasabi ko niyon.
Nagpipindot naman ako sa phone ko dahil kailangan kong magpadeliver ng mga goods sa mansion. Pero naiinis ako dahil matagal ang delivery nila. Aabutin pa ng ilang days. Sayang ang oras ko doon.
"So what do you do for a living?" Nag angat ako ng tingin ng tanongin niya ako about doon.
"I'm a fashion designer. But I took a break. I need to settle down some important matters. Lady Sam by the way." Nanalaki ang mga mata niya.
"Wow! I never knew that I could be seeing the famous Lady Sam of Precious Line."
"Hahaha! I don't actually know if I can still design gowns and dresses."
"It's ok. You are well known so if you come back, there will still be patrons who will stick to you."
"You're right about that. May alam ka bang pwedeng bilhan dito ng groceries na pwedeng ideliver agad agad?" Tanong ko sa kanya. I need to shop badly.
"I'll just accompany you to the mall tapos ihahatid na kita sa house mo if you want. Pinadala ko kasi ang sasakyan ko papunta dito."
"Hindi ba masyadong nakakahiya yun? Pero, magbabayad naman ako."
"Ok lang kahit wag na. I'm happy to help."
"Salamat."
~
At the mall...
Nasa may grocery section na ako. Kumuha ako ng dalawang malalaking push carts, bale tig isa kami.
Kumuha ako ng tinapay, 10 kilos na bigas, spices and condiments, mga de lata, ketchup, toyo, suka, asukal, gulay, prutas, isda, karne, mga chichirya, gummies at chocolates. Kumuha rin ako ng tissue paper, sanitary napkin, sabon, toothpaste, shampoo, dishwashing liquid at sponge.
"Ang dami naman yata nito?" Usisa sakin ni Doc Clifford.
"Ahh oo. One week stock kasi to eh. Medyo matagal narin nung mabisita ko yung dati naming bahay."
"Ahh.. ancestral house niyo ba?"
"Hindi, bahay ng parents ko. Galing kasi ako sa ancestral house namin." Kung ancestral house pa ba yung kastilyo sa isla.
"You mean, from Spain?"
"No. I just board from Spain. Hindi ko na idedetalye sayo. Medyo nakakahiya."
"Ahh.. walang problema kung ayaw mong magkwento. Ok na ba 'tong pinamili mo?" Nakita ko ang dalawang malaking cart na puno na pala. Ok na siguro to.
"Ok na siguro to Doc. Sa counter nalang." Sabi ko. Pagkadating namin sa counter ay binayaran ko na ang mga pinamili ko. Buti nalang at hindi mahaba ang pila ngayon kaya madali akong nakatapos.
Pagkarating namin ng parking lot ay iginala ko muna ang mga mata ko. Ng matiyak na walang kahinahinala ay saka ako sumunod kay Doc Clifford.
"Here." Gentleman naman pala to eh. Pinagbuksan ako ng pinto. Idineposito namin ang mga pinamili ko sa likod ng sasakyan. And wonder why I easily go with him? Simple lang. Dahil alam ko na hindi siya masamang tao.
Nung makaupo na siya sa driver's seat ay tinanong niya ako kung saan daw ang address ng mansion ng parents ko.
"11 Hills, G compound, East circle." Sabi ko sa address namin. (P.S. Gawa gawa ko lang to ha?)
"Exclusive ang lugar na yun ah? Parang pamilyar din sakin." Mahinang usal niya na nadinig ko.
"Doctor Guevara. Are you familiar with them?" Nanlaki ang mga mata niya matapos kong sabihin yun. Seriously, ano bang meron samin at nagugulat siya.
"You mean? The famous Doc G's are your parents? It's an honor to meet you. I'm one of their junior students."
"Wow! I never knew that Mom and Dad had become professors too." Maging ako man ay walang alam sa bagay na iyon.
"Hindi naman talaga sila dapat magiging prof, pero kasi, sila ang pinakamagagaling na doctor sa larangan ng medisina sa Pilipinas kaya sila ay pinagturo samin."
"Hmm.." napatango nalang ako.
"Mag isa ka lang ba doon Miss Sam? Balita ko, matagal ng wala ang mga magulang mo. Condolences nga pala."
"It's ok. Oo mag isa lang ako doon. Wala naman akong choice saka may importante lang naman akong aasikasuhin dito sa Pilipinas kaya ako bumalik dito."
Natahimik din siya sa wakas. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Kung sabagay, matagal din naman ang biyahe papunta sa dati naming bahay. Hindi na kasi ito sakop ng siyudad.
"Andito na tayo Miss Sam."
"Naku salamat Doc ha? Pasensiya ka na pala sa abala. Gusto mo bang magkape or kumain? Ayaw mo kasing pabayaran kahit yung gasolina lang papunta dito eh. Nakakahiya tuloy."
"Ano ka ba. Pasasalamat ko iyon dahil tinulungan mo ako na magawa ng maayos ang pagpapaanak sa babae doon sa eroplano."
"Ok fine. Kung ayaw mo talaga, heto ang calling card ko. Magsabi ka lang ng kahit anong favor sakin. May be not now but soon at nang makabawi naman ako sa kabutihang ginawa mo ngayon."
"Sige kung iyan ang gusto mo. Sa susunod na panahon pa siguro kapag kailangan ko na ng tulong mo. Tatawagan kita."
"Hihintayin ko yan. Salamat ulit Doc. Ingat ka sa byahe pauwi."
Kumaway lang siya pabalik sakin saka sumakay na ulit sa kanyang kotse at humarurot paalis.
🍁🍁🍁🍁🍁
Hello pipol! Ayan na po, may moment sila ni Doc Clifford.
BINABASA MO ANG
RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCE
NezařaditelnéAlaine Samantha Guevara; a woman with a lot of dreams, hopes, passion and goals in her life. She was the one whom you'll call 'amazing'. But later did she know that her life was at stake. Will she be able to make it? Will she make it work knowing t...