Reckless 19

112 15 1
                                    

Note: I posted this again. Nagulo kasi yung sunod sunod ng Chapters. Anong nangyayari sa watty ko? Anyway, here it is again babies. Sa nanghihingi ng update para sa chap 20 wala pa po. Marami kasi ako ngayong upcoming exams. Pagkatapos nalang guys.

Yung isa kong story which is Raping That Handsome Gay yung mabilis yung update kasi editing nalang yun eh. Tinanggal ko siya dati at ngayon ipinublish ko ulit.

So, ayon. SKL part ko to. Wag kayo. 😂












🍁🍁🍁🍁🍁

Third Person's POV

Agad na naibaba ni Samantha ang kanyang mga kamay. Nagulat siya ng husto ng makita ang binata na prenteng nakasandal sa hamba ng pinto.

Hindi siya mapakali sa uri ng titig nito. Para bang hinahagod ang kanyang kaluluwa.

"S..s. Ehem! Ka-kanina ka pa diyan?" Nauutal niyang tanong dito at agad napalingon sa ibang gawi. The intensity of his stare set her soul on fire.

"Hmm. Why did you wear my shirt?" Plain na tanong naman nito sa kanya at hinagod siya ng tingin.

"Ah.. ka..kasi kuwan. W-wala na akong damit." Her voice turned to whisper and she looked down as if there is something interesting on the floor. She keeps on fumbling the hems of the shirt due to nervousness.

He started to walk towards her and held up her chin. As she looked up, their eyes met and locked up. Something like an unexplainable spark started between them.

"Don't look down. The floor won't talk to you. Look at me darling." Masuyong sabi ng binata sa kanya.

May kung anong hipnotismong dala ang boses nito na waring boluntaryong sinunod ito ng kanyang katawan.

"You're beautiful." Mahinang anas nito na nagpadagundong sa kanyang dibdib. Parang may nagkarerahang mga kabayo at animo may mga bulateng binudburan ng asin sa kanyang tiyan.

"Ah.. S.. ano.. bi-bitaw." Nauutal na sabi niya. Halos malunok na niya ang dila niya sa sobrang kaba.

"Hmm? Why do you stutter? Are you nervous?" Tanong ng binata sa kanya na nagpakulo naman sa dugo niya.

'Peste talaga!' usal niya sa isip.

"Hi-hindi ah? Bat ako kakabahan sayo? Si-sino ka ba?" Taas noo niyang tanong rito.

"I'm just me. But why can't you say my name?" Kunot noong tanong naman ng huli sa kanya.

"Because it's restricted. Baka mambugbog ka na naman dahil tinawag kita sa ikatlong pangalan mo."

Napamaang ang binata sa kanyang sagot.

"Who told you that?" Kunot noong usisa nito.

"Gabriel." Maikling sagot niya rito na nagpaawang ng konti sa bibig ng binata.

"And you believe him? It's my name and I want you to call me that. No more questions. Now bake some cookies and bring it to my office. At least pay me for buying you new clothes." Sabi nito saka siya iniwan sa silid.

>>>>>>x<<<<<<

Samantha's POV

Napanganga ako pagkatapos niya akong birahan ng alis. Ang demonyo! Inutusan ako? Heck! Hindi ko siya bati! Bwisit talaga!!

Kaso, wala naman akong magagawa. Pumunta ako ng kusina at inihanda yung mga ingredients na gagamitin. Maswerte parin naman ako kasi buhay pa ako diba? Eh kung lasunin ko kaya siya para wala nang demonyo sa buhay ko? Kaso hindi ko naman alam kung saang lupalop niya ako tinangay. At! Malalaman pa to ng mga alipores niya kaya no no nalang.

Sinimulan kong ihalo ang mga ingredients at iniimagine ko nalang na siya ang egg yolk na binabati ko. Para naman at least makaganti ako.

'PESTE KA TALAGA SA BUHAY KO! HAYOP KA!! DEMONYO!!'

Yan ang paulit ulit na sinasabi at sinisigaw ko sa isipan ko na animo ginawa ko nang mantra.

At sa wakas, natapos narin ako sa paggawa ng chocolate chip cookies. Habang pinalalamig ko ito, napansin ko ang katahimikan ng kusina. Oo nga pala. Tapos na nga pala ang kontrata ni Chef Lander at Chef Kriza. Isang buwan na pala ang lumipas. Sana masaya na sila at least malaya na sila. Hindi kagaya ko, nakakulong sa malakastilyong mansion na to.

Kung sana nagawa ko ang mga bagay na hindi ko nagawa noon. Sayang din yung plano kong maghold ng fashion show sa Paris. Mukhang hindi na mangyayari yun. At sigurado ako na pati ang mga kaibigan ko ay nag aalala parin sakin.

Hanggang ngayon binabagabag parin ako kakaisip kung ano ang meron sa secret room na sinasabi nila mommy at daddy eh. Yung kwintas ko, hindi ko naman isinuot yun. Tinago ko lang dahil sabi nila yun daw ang susi doon.

At ang pinagtatakhan ko pa, bakit ba ako ang nagbabayad sa kasalanang wala akong kaalam alam? If this is fate, then it is really cruel.

Tunog nung kitchen timer ang nagpabalik sakin sa realidad mula sa malalim kong pag iisip. Napabuntong hininga nalang ako saka ko isinilid sa cookie jar yung mga ginawa ko.

Bitbit ang mga ito, pinuntahan ko si Steven sa kanyang opisina. Tatlong katok muna ang ginawa ko at narinig ko naman ang pagsabi niya ng 'Come in!'

Nakita ko siya sa kanyang table, nakaharap sa computer niya at ang sandamakmak na papeles ay nasa ibabaw niyon. Medyo magulo na ang buhok niya at kinakagat niya ang dulo ng ballpen niya. Senyales iyon na nasa malalim nga siyang konsentrasyon.

"Uhmm... Steven, nandito na yung cookies na pinagawa mo." Sabi ko sa kanya.

"Hmm." Tanging yun lang ang tugon niya.

"Uhmm.. ilalagay ko lang to sa table mo ha? O sige." Saka ako dahan dahang naglakad tungo sa table niya at nilagay doon ang isang jar ng chocolate chip cookies.

Dahan dahan akong umalis ng silid na iyon. Maingat kong pinihit ang seradura at iniwasan kong gumawa ng langitngit ang pinto. Saka na ako pumanik sa kwarto ko. Naligo at nagbihis. Kasi malamang ang dumi dumi ko na dahil sa harina at kung ano ano pang dumikit sakin habang nagluluto ng cookies.

Nilublob ko ang sarili sa bathtub at dinama ang maligamgam na tubig na bumabalot sa katawan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nag isip ng mga masasayang bagay para maibsan ang kalungkutan na nadarama ko. Ang lungkot na itinago ko sa kaibuturan ng aking puso upang magmukhang matapang sa lahat ng tao.

Ang lahat ng takot sa kaluluwa ko na pilit kong ikinukubli para hindi mayurak ang pagkatao ko. At habang iniisip ko ang lahat ng iyon, isa lang ang pumasok na reyalisasyon sa isipan ko.

Ang hina ko.

Hindi ko man lang kayang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi man lang ako makatakas takas sa bangungot na ito. Sa hawlang kinakukulungan ko ngayon.

If only I could change everything or go back time. I wish I was stronger so I can fight like how I'm supposed to.

🥀🥀🥀🥀

Hello Sapphirians! Another chapter here.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon