Reckless 04

227 37 19
                                    

Third Person's POV

Nang mahablot si Samantha ay hindi nakahuma at nakagalaw ang tatlong kasama niya. Nakaalis na ang van at saka lamang sila natauhan.

"What will we do?" Mangiyak ngiyak na si Myrtle na agad namang inalo ni Raymond.

Binundol ng kaba ang kanilang mga dibdib pero hindi na nila magawa pang mahabol ang mga madurukot.

"It's all my fault. Kung sana.. sana hindi nalang tayo... Kung sana hindi nalang tayo pumunta dito at nag-suggest na pumunta balik ng mall.. Hindi mangyayari to."

Umiiyak na ang dalawang babae. patuloy na nagpakatatag si Raymond.
Dinukot niya mula sa bulsa ng kanyang itim na pantalon ang cellphone niya at tinawagan niya si Kori. Kailangan nilang maibalik si Samantha sa lalong madaling panahon.

He knows that each hour that passes by ay mas manganganib ang kaibigan nila sa kamay ng kung sino mang demonyo na dumukot dito.

"He-hello Kori. Punta ka dito sa may park malapit sa mall. Kailangan ka namin," sabi niya sa kausap sabay baba ng tawag. Nanginginig parin ang kanyang mga kamay at inaya niya ang mga babae na maupo muna saglit.

Sa kabilang banda, matapos ibinaba ni Raymond ang tawag, ay napakunot ang noo ni Kori. Naguguluhan man sa nangyayari ay agad paring pumunta si Kori sa nasabing lugar.

The urgency of Raymond's voice tells him that something bad is happening as of the moment. Mabilis niyang hinaklit ang susi ng kotse niya na nasa may side table ng kama niya and he sprinted to exit his house.

At hindi nga siya nagkamali ng hinala. Nakita na nga niya ang mga babae na umiiyak habang magkayakap.

"Anong nangyari?" bungad na tanong niya habang humahangos pa dahil sa pagtakbo.

"Si Sam kasi... Na.. nakidnapp siya ng mga nakaitim na lalaki na sakay ng van," sabi ni Rania na humihikbi.

"Nakuha niyo ba ang plate number ng van?" Tanong niya at mabilis namang umiling ang lahat.

"Hindi eh. Mabilis kasi ang pangyayari. Naku... Anong gagawin natin?" Umiiyak paring si Myrtle.

Nagpapanic na ang mga babae. At saka naman naisip ni Kori kung sino siya. Tama! He needs to bring them to the camp.

"Tara na sa camp. Kailangan i-trace natin si Sam. For sure may rason kung bakit siya kinidnap ng mga yun."

Isang nakakamatay na katahimikan ang bumalot sa buong biyahe nila papunta ng camp. Nakatulala ang mga kasama niya. Hindi rin naman niya maiwasang mag-alala para sa lagay ng babae. Total nitong mga nakaraan ay ito ang tanungan niya tungkol kay Rania.

Mabait si Samantha kaya wala siyang maisip na dahilan ng pagkakadukot nito. Pagkarating nila ay agad nilang tinungo ang opisina para sa mga espesyal na kaso.

"So tell me the details. Hanggang saan ang naaalala niyo sa insidente?" He asked. He took out a pen and notebook na pinagsulatan niya ng sinabi ng witness.

"Una.. naglalakad kami pabalik na sana ng mall para kunin yung sasakyan kasi pauwi narin naman kami. Tapos nung nasa part na kami ng mga... 2 blocks away nalang sa mall ay may isang grey na van ang mabilis na tumabi tapos... May tatlong lalaking nakaitim saka naka mask ang bumaba at hinablot si Samantha. Nagpumiglas pa nga siya pero wala rin. Nahimatay siya. Ewan namin kung bakit." Sabi ni Myrtle habang inaalala ang lahat ng naganap kanina.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon