Reckless 52

41 3 5
                                    

"Venom is the name of her future husband," sabi ni Van. Parang nasabugan ng bomba si Steven. Napanganga ito at nanlaki ang mga mata.

"Venom," mahinang usal niya.

"Do you know him?" agad na tanong ko.

"I mean, I need to talk to him soonest. I am going to ask him to terminate the wedding..."

"No need darling," nagulat ako sa sinabi ni Steven. Seryoso ba siya?

"What? Why not? Pinamimigay mo na ba ako ha? Ayaw mo na sakin?"

"Sinong may sabing ayaw ko sayo?" again, I was mesmerized when he spoke Tagalog.

"Then... Is he dead?" maagap na tanong ko. Malay natin patay na pala ang Venom na yun kaya happy happy everybody diba?

"He isn't. And you need to marry him.  Venom is very much willing to marry you."

Tumulo ang luha ko. So, he wants me for Venom. Ang sakit lang isipin na ayaw na niya sakin. Dahil ba masungit ako nitong nakaraan kaya ganon nalang niya ako ipagtabuyan?
Narinig ko pang minura ng kambal si Steven pero wala akong pake. Diridiretso akong tumakbo pataas at parang nabura ang mundo. What I felt was pain from betrayal. T*ngina! Ang sakit pala ng broken heart no?

Ito na ba ang balik sakin pagkatapos ng mga pananakit ko sa iba? Ito na ba ang kaparusahan ko matapos akong pumaslang ng walang awa? O marahil nung hiniling ko na ipaghiganti ang yumao kong mga magulang? Napahikbi ako at kahit anong pahid ko sa mga luha ko ay hindi sila maampat.

I don't want to be married to anyone else if it is not Steven. Mahal na mahal ko siya. Pero pinagtutulakan na niya ako sa iba. Damn him for causing me this pain! And damn my heart for continuously loving him. Hindi ko namalayan na sa kaiiyak ko ay nakatulog ako.

Nagising ako nung naramdaman ko na may humahalik sakin. Nagmulat ako at nakita ko si Steven na nakatitig sakin na puno ng pagmamahal. Pero hindi ako nagpaapekto doon. Tumayo ako at itinulak ko siya.

"Umalis ka na dito! Hindi kita kailangan. Layas!!" Sigaw ko. Nanatili siyang walang imik at nakatitig lang sakin.

"Ano?! Tatayo ka nalang ba jan?! Umalis ka na! Hindi na kita kailangan total ay ipamimigay mo rin naman ako diba?!

Ano pang silbi ng pagkapit ko sa relasyon natin kung alam kong sa dulo ay bibitaw ka rin! Wag na wag ka nang magpapakita sakin!! Alis!!" Patuloy na namalisbis na naman ang masagana kong luha hindi na nagsawa ang mga letch*ng to sa pagtulo para sa isang lalaking wala namang kwenta. Ang hayop na... Pest*! Ang hayop na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin.

Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Gusto ko siyang patayuin pero tila hindi ko maapuhap kung nasaan ang boses ko.

"Alaine Samantha Guevara, darling. I love you so much. So much that it pained me when I know that you are betrothed to someone else. It hurts and my dreams crumbled in a snap. Heaven knows how much I love you. It is like the universe so endless and all the riches combined, it's priceless.

I look forward to have you as my other half. To shout to the world that you are the one I love and I'll be proud to see you carry my name. It will be my honor if you say yes. Darling, I am Venom. And I have proof if you don't still believe me. Will you marry me? Will you spend your lifetime with me?"

Parang bomba na sumabog sa harapan ko. He is Venom and Steven wants me to marry him. He proposed to me and my dreams come true.

"Da... darling, what are you thinking? I'm nervous here. Baka naman pwede mo na akong sagutin? Ayaw mo ba? Sabi ko na nga ba pangit ang proposal ko eh. Aish! Nakakainis dapat tinagalog ko yun eh para... Para maappreciate mo." Pahina ng pahina ang boses niya. Kung alam lang niya na hindi lang appreciation ang ginawa ko.

I went to him and kissed him on the lips. Wala nang hiyahiya. He was shocked but he too, responded with the same intensity.

"I will marry you my Venom," paos na sabi ko saka hinuli na naman niya ang mga labi ko.

"Ehem! Baka naman gusto niyong magsirado ng pinto no? Nakakahiya naman saming nanonood diba?"

"Shut f up and just get lost!" Bulyaw ko sa kambal saka ko sinarado at inilock ang pinto. Hinarap ko si Steven.

"Papanong naging si Venom ka?" Tanong ko at lumapit ako sa kanya. Isinuot naman niya ang singing sa daliri ko.

"Well, darling, my codename in the underground society is Venom. Yun ang pangalan na inirihistro ko nung ten years old ako. So, I am Venom."

"Pero bakit hindi ka nagsalita agad kanina."

"I was shocked darling. I mean, when you said that you need to be wedded to Venom and I was over the moon when it sink to my brain that we are betrothed to each other."

"Nakakainis ka parin alam mo yun? Pinaiyak iyak mo pa ako." Humalukipkip ako saka sumampa sa kama sabay talukbong ng kumot."

Naramdaman ko na lumundo ang kama. Tumabi siya sakin saka ako niyakap.

"Darling are you mad? I'm sorry. Please don't be mad anymore." He whispered to me ear. Bahala siya jan! Mag iinarte muna ako para di niya malaman na gusto ko na talagang umirit dahil sa kilig na nadarama ko.

He kissed me at nanayo ang mga balahibo ko sa batok. Steven talaga! Pag ako naging marupok dito patay ka sakin. All my defenses crumbled when he hugged me tight.

"I love you darling." Bulong niya sa tenga ko. Humarap ako sa kanya saka ko siya niyakap pabalik.

"I love you too. Sorry kung nitong mga nakaraang araw ay ang sungit sungit ko. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko eh. Ewan ko kung bakit mainit ang dugo ko sayo. Pero kahit susungitan kita promise me that you will never leave me."

"I promise you that. At kahit sungitan mo ako araw-araw, hinding hindi ako bibitaw."

I closed my eyes when he kissed my temple. Ang problema nalang namin ay ang Blood Ardent Mafia. Malapit na ang huli.


















🍁🍁🍁🍁🍁

I'm smiling like an idiot while writing this chapter. Ewan ko ba. Kinilig ba kayo sa proposal ni Steven? Nasa mga 75% of truth na kayo mga bebe. Kapit lang.

Spread the word and leave me a long message para mamotivate ako sa pagsusulat. Hehe. 😅






RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon