Chapter 54

45 2 4
                                    

Late na dumating ang resbak na galing sa Prime Tower. Agad na isinugod si Samantha sa special facility ng underground society na nasa Prime Tower din.

"Sir hanggang dito ka nalang po. Bawal po kayo sa operating room." Hinarang ng nurse si Steven. He is still coated with Samantha's blood and his arm is dripping.

Nanghihinang napaupo siya sa sahig sa labas ng operating room and he was numb. Tears started to fall again. If only did he killed that old man ahead of time ay hindi na sana mababaril pa ang kasintahan niya.

Dumating ang kambal na pinsan ni Samantha na mga mugto ang mata. Nung makita siya ng mga ito ay agad silang nagsilapit sa kanya.

"Adam, magpagamot ka na. May tama ka," suhestiyon ni Van na sinangayunan naman ni Ken.

"I don't want to leave her."

"Hindi mo siya iiwan. Magpagamot ka lang. Mamamatay ka pag naubusan ka ng dugo niyan."

"Don't talk to me. Leave me alone."

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Steven na animo ay kinayanig ng mundo niya.

"YOU TWERP! WHO DO YOU THINK YOU ARE HUH? SUPERMAN THAT NEVER BLEEDS? HELL! IF YOU WANT TO DIE DON'T LET ME BRING YOU TO THE CEMETERY MORON!! DO YOU WANT ATE SAM TO BE MAD AT YOU? WHAT WILL SHE SAY WHEN SHE WAKES UP AND YOUR FVCKING DEAD IDIOT? COME ON AND LET ME TAKE THAT SKULL OFF YOUR BODY DAMMIT!!" sigaw ni Loraine. Mabagsik ang anyo nito at nagulat naman ang kambal ng bigla nalang sumulpot mula sa kung saan ang babae.

"Go away Loraine. I am your elder brother and you don't have the right to slap me." Cold na sabi ni Steven pero animo ay hindi naapektohan ang nakababatang kapatid bagkos ay gamit ang tenga niya ay hinigit siya nito patayo at kinwelyohan ang doctor na padaan.

"FVCKING DO YOUR JOB AND TAKE THE BULLET OUT OF THIS TWERP'S BODY. I COMMAND YOU."

"WHO ARE YOU WOMAN?" bulyaw pabalik ng doctor sa kanya.

"I DON'T NEED TO FREAKING EXPLAIN MY FVCKING SELF. NOW DO THE JOB OR I'LL MAKE SURE THAT YOU WILL NEVER SEE DAYLIGHT AGAIN."

Napailing ang doctor saka ay iginaya si Steven sa isang bakanteng upuan dahil mapilit ito na wag dalhin sa isang silid dahil babantayan daw nito si Samantha. Napalunok ang kambal. Amazona ang kapatid ni Steven.

Matapos ang 30 minutes ay nakuha naman na ang bala at kinabitan ng IV fluid si Steven. They waited outside the room.

Hours felt like eternity to Steven. Hanggang ngayon kasi ay wala pang lumalabas mula sa OR. Agad silang nag unahan sa pagtayo nung lumabas ang doctor.

"Who's the family of the patient?"

"Ako po ang fiance / pinsan / friend niya doc." Sabay na wika nung apat.

"Well, the operation was successful. Walang vital organs na natamaan ang bala and to you Mister, I am happy to announce na walang masamang nangyari sa anak ninyo. She is already a month pregnant." Animo nabingi si Steven sa sinabi ng doctor. His lover is pregnant with his baby.

"Sa ngayon ay inoobserbahan parin ang lagay niya. Mauna na muna ako." Agad na paalam ng doctor at umalis na. Nakahinga sila ng maluwag. Nang maitransfer sa isang pribadong kwarto si Samantha ay hindi na ito iniwan ni Steven. Umuwi ang kambal para kumuha ng gamit ni Samantha at si Loraine naman ay kumuha ng gamit ni Steven.

Eksaktong alas dose ng gabi ay nagulantang si Steven sa tunog na kinatatakutan niya. Ang tunog ng makina na nagpapahiwatig ng tibok ng puso ni Samantha. Agad na pinindot niya ang isang button sa silid at nag uunahang pumasok ang mga nurses at doctor.

"Her blood pressure is dropping fast. Charge 50 joules!" Sigaw ng doctor. Napapikit siya ng umangat ang katawan ng kasintahan. Naglakad siya palayp sapagkat ayaw niyang makitang nahihirapan ito.

Napadpad siya sa labas. Sa tagong lugar na walang sinumang dumaraan. Naupo siya sa may damuhan at namalisbis ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

He held his chest. His heart hurtfully constricts. He can't do anything to save his lover. His precious Alaine.

"Lord, minsan lang akong magdasal. Alam ko pong nakikinig kayo. Ito na po ba ang kabayaran ng kasamaan ko? Ito na po ba ang parusa ninyo? Ang sakit mo namang magparusa Lord. Para aking mamamatay. Ako nalang po ang kunin niyo. Wag lang po ang babaeng mahal na mahal ko. Wag lang po sila ng magiging anak ko. Hindi pa po niya nasisilayan ang mundo. Hindi pa po niya nakita ang magagandang bagay na biyaya mo. Patawad po kung naging... Kung naging masama man ako." Sa bawat bigkas niya ng mga salita ay kasabay ng paghikbi niya. Pumiyok narin siya pero hindi niya yun pinansin bagkos ay pinagdaop niya ang mga palad niya at tumingala sa kalangitang walang bituin.

"Lord, thy will be done. Pero please po. Kahit sa pagkakataong ito pautangin niyo muna ako. Kahit ang buhay lang ng mag ina ko. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Lord, mababaliw na po ako kakaisip na naghihingalo ngayon ang babaeng mahal ko at may chansa na hindi na mabuhay pa ang anak ko. Lord handa po akong magbago. Handa po akong magsimba linggo linggo pag nabuhay ang mag-ina ko. Alam kong ang sama pakinggan pero desperado na po ako. Sana bigyan niyo naman ako ng isang himala."

Matapos niyang umiyak sa labas ay bumalik siya sa loob ng hospital.

"Alam mo ba be, namatay yung babaeng nabaril. Kawawa nga eh buntis pa naman daw." Dumagundong sa kaba ang dibdib ni Steven nung marinig yun mula sa isang ale na palabas ng hospital.

Mabilis niya tinakbo ang silid na kinalalagyan ng asawa niya. Ngunit sumalubong sa kanya ang isang tunog na nagpaguho sa kanyang mundo.

Toooooooooooooootttttttt.....

"Time of death, 1:24 a.m." sabi ng doctor na agad isinulat ng nurse sa isang papel. Tinakluban ng puting kumot ang katawan ng babaeng nasa loob ng silid. His darling is now dead.

"I'm so sorry Mr. Wolfgang. We did everything pero hindi na niya kinaya. Tao lang kami. Condolences for your loss."

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon