Reckless 30

90 22 4
                                    

Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa loob ng restaurant kung saan kami magkikita ng barkada. Panay ang hugot ko ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili kong masyadong kabado sa pagkikita namin.

As I stepped inside, iginala ko ang mga mata ko sa kabuoan ng lugar. Wala paring pinagbago. Gaya parin ng dati. Nakita ko sila sa mesa na ipinareserve ko. At base sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha ay kabado din sila.

I tapped Myrtle's back at lumingon siya sakin na nanlalaki ang mga mata, nakanganga at nakaturo sakin na animo ay nakakita ng multo. Well, ganon din naman yung iba pero mas yung sa kanya.

I awkwardly sat on the last chair at that table. Itinago ko ang kamay kong nanlalamig sa ilalim ng mesa para hindi nila mahalata. Matagal tagal din bago may nakaimik sa amin.

"Uhmm... Guys, sorry." Pagbabasag ko ng katahimikan.

"Sorry?! Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin, sorry lang ang maririnig namin sayo Samantha? Alam mo ba kung anong impyerno ang dinanas namin tapos ngayon sorry lang?!" That was Rania Nicole. Oo nga naman. Matapos ng ilang buwan ay ngayon lang ako nagparamdam.

"Pa.. pasensiya na kayo. Sorry kasi... Alam ko naman na nag alala kayo ng husto. But believe me, maging ako man ay walang nagawa. I was kidnapped and I was..." Naputol ang sasabihin ko ng bigla akong dinamba ng dalawang babae kong kaibigan.

Naramdaman ko na nabasa ang damit ko. Alam ko na dahil yun sa mga luha nila.

"Huhuhu... Bakit ka ba kasi nakidnapp ha? Inano ka ba nila?" Iyak ng iyak si Myrtle na kalaunan ay inalo naman ng kanyang jowa.

Pero wala akong sinabi sa kanila maski isa sa mga pinag daanan ko sa isla. Whatever happened there stays there.

"Hindi na mahalaga yun. Ang importante ay buhay akong umuwi." Sabi ko naman.

"Mahal tahan na. Baka mapano si baby niyan." Sabi ni Raymond na ikinagulat ko.

"Ha? Buntis ka?"

"Oo. Two months na. Ikinasal kami two months after mong nawala. Sorry hindi ka na namin nainvite kasi akala talaga namin na wala ka na. Si Rania naman talaga yung nagpush sa paghahanap sayo. Sila ni Kori." Paliwanag niya na ikinalingon ko sa isa ko pang best friend.

"Salamat Ran. Salamat."

"Hmm! Hindi ako tumatanggap ng salamat lang. Dapat libre mo ang pagkain ngayon. Walang KKB na magaganap. At mamumulubi ka talaga kapag nag order ako ng sandamakmak." Tumaray pa siya sakin sabay flip hair at alam ko sa mga panahon ngayon ay napatawad na niya ako. Niyakap ko sila isa isa.

"Sige. Para sa pagbabalik ko. Umorder kayo kahit ano ang gusto niyo. Kahit magkano at kahit gano kadami." Nakangiti kong sabi sabay tawag ng waiter na magseserve samin.

"Ako muna dapat ang mag-order. Dyosa first!" Sabi ni Rania na ikinatawa ng lahat.

"One Cordon Bleu, one Tiramisu, isang butterfly prawn, dalawang rice, also baked veggies and for the drink, Sauvignon Blanc."

"Wow! Hindi nga nahiya ah." Komento ni Kori kay Rania. I wonder if they are still enemies.

"Well, dapat lang. Dyosa ako at best friend ko ang nanlilibre ngayon. Ikaw, best friend mo ba?" Pagtataray niya pa sa kawawang si Kori.

"Sorry naman my loves. Hindi ko naman talaga gustong sabihin na patay gutom ka. Ang sinasabi ko lang..."

"Peste ka talaga Kori-maw! Napaka mo ano? Lumayas ka na nga dito at nag iinit na ang dugo ko sayo!!" But what shocked me was, Kori hugged then kissed Rania making her silent.

"Kayo na ba?" Tanong ko sa barakada.

"Oo Samantha. Sila na nga. Matapos ang mahabang panahon naging sila din." Paliwanag ni Raymond sakin.

Ang dami ko pala talagang namiss. Matapos ng pag oorder ay dumating naman agad ang pagkain.

"So... Kilala mo ba ang kumidnapp sayo?" Pagkuway tanong ni Kori.

"Ah.. oo. Nakilala ko siya."

"Saan ka ba talaga itinago? Bat hindi ka namin matrace?"

"Sa isang private island." Pinaikli ko ang sagot ko.

"At anong ginawa nila sayo?"

"Nila? Siya lang." At nagulat ulit ang lahat ng marahas na tumayo si Rania. At pinukpok pa niya ang mesa.

"Kilala ko na kung sino. Umamin ka nga Samantha? Tapatin mo kami. Yung stalker mo talaga yung nagkidnapp sayo diba? Yung lalaking nakaitim noon?" Wala na akong nagawa kundi tumango nalang.

"Buti hindi siya killer. I mean, hindi ka pinatay." Napatigil silang lahat sa pagkain tapos ay nag komento ulit si Kori.

"Samantha, ipakulong mo na kaya? Magfile ka ng kaso para magkaroon na siya ng arrest warrant." Suhestiyon niya.

"Hindi na. I promised him." Nakayuko kong sabi.

"Alam namin na mahirap ang pinagdaanan mo Samantha. Hindi ko din alam kung ano ang naging kasunduan niyo pero nandito lang kami. Handang tulungan ka kapag kailangan mo." Sabi naman ni Myrtle.

"Salamat sa inyo guys. Hindi ko alam kung makakahanap pa ba ako ng kaibigan na kagaya niyo. Pero maisisiguro ko na hindi niya ako ulit sasaktan." Pag aassure ko sa kanila. Sana lang talaga.

"Ha! Subukan niya lang aht makakita siya ng lumilipad na Rania."

Ipinagpatuloy namin ang pagkain. At matapos yun ay tinawag ni Rania yung waiter para sa bill namin.

"Ehem ehem! So ito ang babayaran ng ating mahal na isponsor ngayong gabi. A total of...   eighteen thousand seven hundred fiftyfive point zero seventy one in total."

Well, wonder why my bill became like that? Kasi po nag order po sila ng cake para daw celebration sa pagbabalik ko. Tapos syempre wala ring hiya yung iba kong friends lalo na si buntis na nakaapat na serve bago tumigil sa pagkain ng calamaris. So that explains why.

Kinuha ko yung wallet ko saka ko ibinigay yung card ko sa naghihintay na waiter.

Pagkalabas namin ng restaurant ay agad na humarang sakin si Myrtle.

"Where are you going huh? Dapat tayong magsaya ngayon saka magbonding kaya dapat magsleep over tayo sa bahay namin."

"Sige na sige na. Kukuha muna ako ng pamalit.."

"Hep! Wag na! Dapat ay doon ka lang papunta ngayon. Tatakas ka pa eh. May damit ako doon sa bahay. Bago yung mga yon. At saka kakadeliver lang ng mga yun kanina. So come on. Let's go!"

At tuluyan na nga nila akong hinatak patungo sa sasakyan na dala ng mag asawa.







🍁🍁🍁🍁🍁

Ayan as promised! United as one na sila! Solid friends! Ikaw, meron ka ba nun bebe? Ako meron haha! Mga baliw din lahat. At alam ko mababasa to nila. 😝

So, umabot na ba? Kasi kating kati na akong mag update para sa susunod na Chapter pero wag muna. Hindi pa naaabot yung qouta.

Self dare: Dapat per Chapter ay may bagong goal.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon