Samantha's POV
So heto ako ngayon. Nagpaprepare ng mga gagamitin sa paggawa ng chocolate chip cookies. Nasa tabi ko naman si Kriza. Hehe. We're friends na kaya Kriza nalang ang itatawag ko sa kanya.
"Sam, papano ka natutong gumawa nito?"
"Dati, tinuruan ako ni mommy. Paborito kasi namin to. Bonding na baga. Tapos si daddy naman mas gusto niya yung croissants na gawa ni mommy." Explain ko sa kanya habang hinuhulma ko ang cookies. (🍪)
"Ahh... So nasaan ang mom at dad mo? Alam ba nila na nadukot ka?"
"Patay na sila."
"Hala sorry. Sorry talaga."
"Ayos lang yun. Matagal na akong sanay na wala na sila. Three years narin."
"So anong trabaho mo? May bake shop ka?"
"No. I'm a designer."
"Ha? Wow bigatin. Alin ba? Hindi kasi ako nakakaget in touch sa real world. Hehe."
"Uhmm.. hindi ako masyadong sikat eh. Pero my name there is Lady Sam."
"Oh Em Gee?! Ikaw is Lady Sam? Yung magaling sa mga gown chuchu! Ayiieee. Adik yung kapatid ko sayo. Biruin mo yun kada maguusap kami ikaw ang bukang bibig niya. Lady Sam this. Lady Sam that."
"Ahh. Hehe."
Pinasok na namin sa oven ang cookies saka naghugas narin ako. Kahit anong pilit ni Kriza na wag akong paghugasin wala parin siyang nagawa.
Ting!
Ayan! Tumunog na ang timer. Luto na ang cookies ko. Mwehehehe! Kinuha ko na ang mga baking pan saka ko kinuha yung mga cookies para lumamig.
"Pwede akong kumuha?" Naka puppy eyes si Kriza
"Oo naman no. Saka bigyan mo narin yung iba. Eto pala, ipatikim mo kay chef Lander. Ipacritique mo sa kanya. Hahahaha!"
"Ikaw talaga. Masarap nga eh. Feeling ko magpapaturo ako sayo kahit chef na ako."
"Oo naman. May cookie jar ba.."
"Eto. Dalawa na yan ha? Marami ka kasing ginawa eh."
"Napadami. Ayos lang yun. Bibigyan ko pa si nay Elsinore saka si Gabriel narin. Tapos ako. Hehe."
Pumunta ako sa aking silid tapos inilagay ko ang isang jar ng cookies sa bedside table at saka ako bumaba upang hanapin si Gabriel saka si nay Elsinore.
"Gabriel!" Napalingon siya.
"Heto, ako ang nagbake niyan. Wag kang maingay sa kapreng yun. Baka magalit eh. Sige, mauna na ako. Nakita mo si nay Elsinore?"
"Nasa ikatlong silid sa kaliwa. Nadoon siya."
"Sige salamat."
Papunta na sana ako doon pero nakita ko naman siyang palabas doon kaya tinawag ko nalang siya.
"Nay! Tikman niyo po. Binake ko yan. Wag kang maingay kay kapre ha? Baka magwala yun. Sige nay."
"Hmm.. masarap iha."
"Nasan yung boss niyo nay?"
"Nasa kusina."
"Nako lagot."
Napatakbo ako doon ng di oras. Eh baka maabutan niya ang mga katulong na kumakain ng cookies. Baka magalit na naman siya. Baliw pa naman yun.
Sa pagmamadali ko, nawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Napasubsob ako sa likod ng isang tao. Kaya nasabuyan niya ng tubig yung kaharap niya. Patay na!
BINABASA MO ANG
RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCE
De TodoAlaine Samantha Guevara; a woman with a lot of dreams, hopes, passion and goals in her life. She was the one whom you'll call 'amazing'. But later did she know that her life was at stake. Will she be able to make it? Will she make it work knowing t...